Chapter Twenty-Three

Start from the beginning
                                        

The walk to the room was shorter than I expected. Grant didn't talk the whole time. Hindi ko naman alam kung anong topic ang sisimulan kaya nanahimik na lang ako habang naglalakad katabi niya.

"This is me." I stopped in front of a door, Grant did the same. Kinuha ko ang card mula sa bulsa ko at hindi sigurado sa kung ano ang susunod na gagawin.

Tumango si Grant. Nakatingin lang siya sa akin. Inililibot niya ang mga mata sa buong mukha ko na para bang may nagbago doon kahit wala naman. Huli niyang tiningnan ang mga labi ko. Agad niya rin na inalis iyon at mahinang napabuntong hininga. "Goodnight, Fallon."

"Goodnight." mahinang sagot ko sa kanya. Tinalikuran ko na siya at inihanda na ang pagswipe ng key card sa slot. Nang mag click at bumukas iyon ay mabilis na hinarap ko ulit si Grant. Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya kanina. Pati ang mga mata niya ay nasa akin pa rin.

"Uhh, Grant." I called on him, my voice a little hesitant and shy.

"Hmm?"

"Pwede... Uh, you should just sleep here with uhm... us." I think I was flushing as I said it. Wala akong magawa doon. It's involuntary! 

"I should?" tanong nito. Walang emosyon sa mukha niya pero may naglalaro sa mga mata niya na hindi ko makita-kita dahil itinatago niya iyon.

"Yes." mabilis na sagot ko. Nag-init ang mga pisngi ko. Pathetic, Fall! "I mean, mag-isa ka lang sa room mo. That's lonely. Kaya dito ka na lang matulog?"

Grant's lips twitched and I already know what he's hiding. He's amused! Pinagtatawanan niya ako! Nawala ang hiya na kanina ay nararamdaman ko at sumimangot na.

"It's okay kung ayaw mo-" naputol ang sinasabi ko nang biglang sumingit si Grant.

"Okay." tumango siya.

Napapikit-pikit ako. "Okay?" 

"I'll sleep in your room with you... and your friends." unti-unti siyang ngumiti sa akin at para naman akong natunaw dahil sa ngiti nyiang iyon.

Kinagat ko ang labi ko, nagpipigil ng emosyon at tumalikod para buksan ulit ang pinto. The coldness of the room gave me goose bumps. Nakapatay na ang day light pero nakabukas ang dim na ilaw kaya nakakakita pa rin ako ng maayos. 

Nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa tumambad sa akin ang dalawang kama. Ang isa ay walang kalaman-laman habang sa isang kama naman nagsiksikan ang lima kong magagaling na kaibigan. Sakto lang para sa limang katawan nila iyon. 

They're my friends. I know their way of thinking. I'm familiar with their schemes. Pero ang ginawa nilang ito ay masyadong halata kahit na si Grant ay alam kong mapapansin iyon.

Oh my God. Makakatabi ko siyang makatulog sa isang kama. Kaming dalawa lang. Oh my God.

Napapikit ako at tahimik na huminga ng malalim. Naramdaman ko ang paglapit ni Grant mula sa likuran ko. Humugot ako ng lakas ng loob at hinarap siya. "I need to get ready for bed. D-Do you want me to get you something to wear from Johan or Nikolai?"

"No. I'll just drop by to my room." he replied. 

Tumango na lang ako at ibinigay sa kanya ang room card para hindi na siya mag-abalang kumatok pa. Pagkaalis ni Grant ay kinuha ko ang isusuot para ngayong gabi. I didn't have my pajama and old shirts with me. Spaghetti straps sando at maiksing cotton shorts lang ang dala ko dahil hindi iyon maysadong kumakain ng space. 

Damn. Why is showing skin bothering me? Nakita naman niya akong naka-bikini top at maiksing shorts lang. Right.

It took me almost fifteen minutes inside the bathroom. Pinaliguan ko ang katawan ko at nagtali lang ng buhok para hindi mabasa iyon. The water was warm and relaxing. I felt three times better after the shower. 

When I Chase (When #1)Where stories live. Discover now