Pagod na pagod ako kanina nang dumating kami ng hotel galing sa mahabang byahe, pero ngayon ay hindi ko gustong magpahinga. My eyes were still wide and I'm surprisingly still pumped with energy.
"Hotel na ba tayo?" Nikolai asked with a long yawn.
"Yes. Maaga pa tayo bukas." sagot ni Noelle. Maliban sa inaantok na si Maia, siya ang may alam sa schedule namin sa trip na ito.
"I'll drive." Grant offered, which made my friends turn their head on him. They all looked surprised. I wasn't.
Grant is very serious when it comes to driving safe. He's strict with wearing seat belts and follows every driving rules out there. I know this because I can't help but notice how particular he is. Right now, he knows that we... or they are already worn out from the long trip. Inaantok at pagod pa ang parehong lalaking driver namin kaya para sa akin ay walang nakakagulat sa ginawa niya.
I wonder why though?
Tahimik lang ang naging byahe pabalik ng hotel. Mukhang naramdaman na ng mga kaibigan ko ang pagod dahil walang nagsasalita sa kanila. Maia and Nikolai's eyes were already shut. Noelle's head was placed on Johan's shoulder. Si Rio ay nakatingin lamang sa labas ng bintana.
The car halted in front of the hotel's main door. Hindi pinatay ni Grant ang sasakyan at hinayaan iyon na tumakbo. Everyone was on pilot mode, saying their quick and lazy thank you's to Grant before getting out of the car.
Rio's the last one to get up from her seat. Nasa pinakadulo kasi siya kaya siya ang nahuli. Bago siya tumuloy sa paglabas ng sasakyan ay huminto siya para tingnan ako. "Fall, 'di ka pa sasabay?"
"Sasamahan ko si Grant i-park 'tong sasakyan." tinuro ko si Grant na nasa driver's seat.
"May key card ka sa room?"
"Yup. I have."
Tumango si Rio sa akin. Inilipat niya ang tingin kay Grant na tahimik na nanunuod sa pag-uusap namin. Ngumiti siya dito. "Thanks again."
Hindi na hinintay ni Rio ang sagot ni Grant at lumabas na. Kumaway siya sa akin bago isinara ang car door. Agad na tumahimik ang loob ng sasakyan. Walang isang salita na pinaandar ni Grant ang sasakyan para iparada iyon sa parking lot ng hotel.
"You got a room?" I asked as he eased into a parking space.
"Yeah. On the seventh floor. How about yours?"
"We're on the fifth floor. Magkakasama lang kami sa isang double deluxe room. It's more fun that way."
Hindi sumagot si Grant at pinatay ang makina ng sasakyan kaya mas lalong tumahimik. There was a squeezing in my heart. I don't wanna sleep. I don't want the night to end yet, but we have plans in the morning. Kahit na mas gusto kong kasama si Grant ay kailangan namin na magpahinga.
He unbuckled his seat belt and that finalized the end of this night. I mentally sighed and removed my own seat belt. Lumabas na ako ng sasakyan at hindi na hinintay pa na pagbuksan ni Grant. Kumunot ang noo niya dahil sa ginawa ko. Hindi ko na lang iyon pinansin.
Pumasok kaming dalawa sa elevator. Pinindot ko ang floor number ko, pati ang floor ng room ni Grant ay pinindot ko na rin. Pagkababa ko ng kamay ko ay inangat ni Grant ang kanya at pinindot ang button ng seventh floor. Naalis ang ilaw doon.
Bahagyang nalukot ang mukha ko sa pagtataka. Nilingon ko si Grant at naabutan ang mga mata niya sa akin. Mukhang hinihintay niya talaga na tingnan ko siya.
"I'll take you to your room." he shortly explained. Hindi ako umangal. I want it too anyway. That means more time with him. Kahit na ilang minuto lang, basta kasama siya ay ayos lang sa akin.
YOU ARE READING
When I Chase (When #1)
RomanceShe hates it when he gets cold and bosses her around. She hates him for always being there to stop her in her wicked games. She hates him for making her feel like she's done something wrong. She hates him for treating her like a child who needs some...
Chapter Twenty-Three
Start from the beginning
