"Ate una na akong pumasok sayo." Nilingon nya ang kanyang kapatid at nginitian ito ng pagkakalapad.

"Sige na. Pasok na."  Iritang untag na lang ni AJ habang nasa labas ang tingin. Wala syang planong lingunin ang kapatid dahil sa irita pero dahil nadinig nya ang halinghing nito masungit nyang tiningnan ito.

"Ate, iwasang magsungit mabilis makatanda yan sige ka." Bumunghalit pa ito ng tawa. "Bye ate! Love you!" Kumaripas na ito ng takbo para di na maabutan ang nagbabadyang galit ng kapatid nya.

Mamaya ka talaga sa bahay! Bulong ni AJ.

Sa inis ni AJ kulang na lang labasan ng usok ang butas ng ilong nya.

"Tay, pwede po bang disiplinahin nyo yang anak nyo. Bastos e!"

Magkasalubong ang kilay na nilingon ni AJ ang tatay nyang nakatingin din pala sa kanya at nagpipigil ng tawa.

"Tay!" Inis na sigaw ni AJ ng kumawala na sa ere ang tawa ng tatay. Nagbitaw ng tingin si AJ sa halip sa labas na lang ulit tumingin. Baka mawala ang paggalang nya kung patulan nya ang kanyang ama.

"Ang sweet nyong dalawa ng kapatid mo."

Marahas nyang tiningnan ang ama. Unbelievable!

"Tara na lang po. Baka malate din po ako." Yun lang ang sinabi nya tutal ay hindi rin naman sya mananalo sa tatay nya. Araw-araw ba namang ganung ang eksena kaya siguro yun na din ang naging depinisyon ng kanyang ama ng sweet.

Umalis na din sila matapos yun.

Pero sa pagdating sa eskwelahan ni AJ di nya inaakalang uungkatin din nila ang nangyare.

"Pagsabihan nyo nga tay si Jacob. Walang galang sa ate nya .." Ani ni AJ ng inaayos ang shoulder bag na dadalhin nya papasok.

"Ano ka ba Joanna... anak. Kilala mo naman yang kapatid mo. Ganyan lang yan magpakita ng pagmamahal sayo. Sakyan mo na lang." Pagpapaliwanag ng kanyang ama sa kanya. Napahinto sa ginawa si AJ. "Alam ko naman po yun tay kaya lang may point na nakakainis na din."

"Mahal mo naman? Di ba?" Tanong ng kanyang ama na lumingon sa kanya. May ngiti pang makikita sa mukha nito.

Pinili na lang nyang hindi sumagot. Tama naman ang tatay nya, mahal nya ang kapatid kahit ganoon ang trato sa kanya.

"Salamat po sa paghatid." Hinalikan nya ito sa pisngi at agad na binuksan ang pinto.

"Take care of youself Joanna. Okay?" Pagpapaalala ng kanyang ama na nakasulyap na sa kanya. "Yes naman tatay. I will po.." Saad nya ng lingunin ito. 

"Ikaw na ang bahala sa kapatid mo mamaya pagkalabas. Di ko muna kayo masusundo dahil marami ako gagawin." Wika nito na agad namang tinanguhan ni AJ. Medyo maraming ginagawa ngayon sa restraurant nila. Nirerenovate ang isang branch nila na nasa parte ng Makati. Meron silang pitong branches sa buong pilipinas at may possibilidad na madagdagan pa ito pagdating ng panahon and hopefully magkaroon din sila ng branch overseas. Suarez Dine, ito ang pangalan ng restaurant nila.

"Opo tatay. Ako na po ang bahala sa pasaway na yun." sagot nya sa kanyang ama. "Ingat po kayo tay sa pagmamaneho. Mahal ko po kayo." Pahabol na sabi nya. Kumaway sya sa kanyang ama pagkatapos na isara ang pinto.

Inintay muna nyang makaalis ang kanyang ama bago sya naglakad papasok sa building kung nasaan ang klasrum nya. Nang makasiguradong wala na ang sasakyan ng kanyang ama ay saka sya nagsimulang maglakad.

"Oh my geee!!"

Dinig ni AJ na tili ng mga babae sa di kalayuan. Napalingon sya dito dahil sa pagkagulat.

"Ano namang problema ng----" Di na nya natuloy ang sasabihin nya dahil biglang dumaan sa may gilid nya ang "Prince 4". Ito ay isang grupo ng apat na naggagwapuhang mga lalaki. Ika nga sila ang mga prinsipe sa unibersidad na yun. 4 months pa lang ang grupong ito pero grabe na ang hatak sa mga estudyanteng babae.

"Kyyaaahhh!!! I love you Kinneth Philip!!!" sabi nung isang babaeng halos mangisay na sa kilig. Medyo dumadami na din ang tao dahil nga sa pagdating ng Prince 4.

"Pakasal na tayo!!! Emannuel Christian!!!" Sabi naman nung isang babae na siguro ay kasamahan nung sumigaw na una.

Napailing na lang si AJ sa mga naririnig nya. "Ibang klase ang mga babaeng ito. Wala ng kahihiyan sa katawan nila." Iiling-iling na nagpatuloy na lang si AJ sa kanyang paglalakad patungo sa building kung saan ang una nyang klase matatagpuan. Habang naglalakad sya di pa rin nya maiwasan na marinig ang sinisigaw pa ng ibang mga babae.

"Be my boyfriend!! Julius Perez!!"

"Willing ako maging alalay mo forever!!.... Andrei Marquez!! Ang hot mo!!"

"Makalaglag panty kayong apat!! Ang gagwapo nyo!!"

Ilan ito sa mga narinig nya. Napaparolyo na lang sya ng mata dahil sa paghanga na yun. Nakakapaduwal ang mga kataga parang hindi mga dalagang pilipina kung umasta. Iba na ba ang mga babae sa panahon ngayon? Bulgar na? Nakakapanghinayang!

"Willing akong maging alalay mo? Andrei?.... Ang hot mo?" Seriously? ulit ni AJ sa sinabi nung babae kanina. "Tsk!! Ibang klase."

Paakyat na ng hagdan si AJ dahil sa second floor ang una nyang klase. Tumahimik na din ang paligid dahil malayo na din ang agwat nya sa mga nagkakagulong mga babae dahil sa Prince 4.

Bago magdiretso sa room 101 kung saan ang klase nya ay napagpasyahan muna nyang pumunta sa ladies room.

AJ wants to graduate peacefully kaya pilit nyang inilalayo ang sarili sa mga bagay na makapagbibigay ng problema sa kanya.

******************

Jne's Note

AJ ang nickname ni Andrei Joanna. Drei naman ang tawag nya sa bestfriend nyang si Andrei Marquez.

Get's ba?Guys?
Sana? hahahaha

First Year college sila. Ang Prince 4 at si AJ. Business Administration ang kurso nila.

Enjoy Reading!!
God bless.
Jne❤

[Edited]
04.24.2020

My Dream Gayजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें