Oo, sa kabila ng nangyari... gusto ko pa rin siyang makita at makausap.

Ayoko maging plastic sa sarili ko, dahil hindi ko naman kayang panindigan kapag sinabi kong ayaw ko siyang makita kahit na gusto ko naman talaga.

Naglakad ako papunta sa Parking Lot at lumapit sa kotseng iyon.

Bumuntong hininga ako, kanya nga iyon.

Dahil sa plate number palang na; DO 88 ㅡ alam ko na kanya 'yun dahil pinasadya niya talaga para sa sarili niya 'yung plaka.

Aalis na sana ako ng biglang bumukas 'yung pinto ng kotse kaya agad akong napatingin, si Darius ngaㅡ 'di ko alam pero gusto kong maiyak n'ung nakita ko siya. Naramdaman ko na miss na miss ko na talaga siya.

Nagkatitigan kami, habang tumatagal 'ata ay mas lalo siyang guma-gwapo sa paningin ko.

Ako ang unang nag-iwas ng tingin. Tama na sa akin ang makita ko siya, payapa na sana akong aalis kaso bigla niya akong tinawag. "Jade..." He almost whispered.

Napalingon ako sa kanya, nakatitig lang siya sa akin at seryosong nakatingin, hindi ako sumagot bagkus ay hinintay ko siyang magsalita.

He cleared his throat, "I'm sorry." Sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya, "Bakit?" 'Yan na lang ang lumabas sa bibig ko.

Umiling siya at yumuko, "I'm sorry." Ulit niya pagkatapos nun ay naglakad na siya papunta sa kung saan.

Mas pinili ko na lang na h'wag siyang habulin at umuwi sa bahay namin.

Hanggang sa makauwi ako ay naglalaro pa rin sa isipan ko kung bakit siya nag-sorry sa akin.

Dahil ba dun sa sinabi niya n'ung tournament?

Pero ako pa rin naman ang may kasalanan n'un eh. Aish!

Nakaka-frustrate talaga ang magtanong sa sarili na 'di mo naman alam kung ano ang sagot. Ugh. Tsk.

--

"Trashtalker ka talaga!" Sigaw ko kay Jazz habang naglalaro kami ng Diablo III sa Play Station 3 ko.

Tumawa lang siya at habang pinapanuod kung paano dinurog 'yung character ko, "Hahaha. Weak mo talaga! Akin na nga!" Sabay agaw niya sa controller.

*ring* *ring*

Aagawin ko pa sana 'yung controller kaso biglang nagring ang phone ko, kaya kinuha ko ito sa loob ng bagpack ko at agad na sinagot.

"Hello?!" Naiirita kong sagot sa tawag. Gusto ko pa kasing maglaro eh, istorbo naman masiyado 'tong tumatawag na 'to.

[Jade...] I heard his very familiar voice from the other line.

Agad akong napaupo nang maayos bahagyang sumulyap sa pinsan kong abalang-abala sa paglalaro. "U-Uh, D.O?" Patanong kong sagot kahit na alam kong siya talaga 'yung nasa kabilang linya.

He softly laughed, my heart cried. Gahd, I really miss this guy. [You don't like calling me Darius, like the way you call me before?] Puna niya sa sagot ko.

Napabuntong hininga ako, "Ano ba 'yun, Darius?" I emphasized his name.

He also heaved a sigh, [Are you mad at me? I'm sorry.] He said with his sweetest and lowest voice.

I was literally speechless, "Huh?" Hindi ko alam talaga kung bakit siya nagso-sorry sa akin. Wala naman akong naaalalang ginawa niyang masama sa akin. Bukod sa tinawag niya akong stalker noon, pero matagal na 'yun eh.

[Nothing, are you happy now?] Mahina niyang sabi.

Happy? Ako? Masaya?

Oo, kasi nagkita kami at nagkausap ngayon. That is more than enough, I think? "Yes." I plainly said. Ayoko namang magtititili 'di ba?

'Yung katabi ko sa JeepWhere stories live. Discover now