Chapter twenty five: mine

Start from the beginning
                                    

"Did you enjoy your time in the UK?" Bigla tuloy bumalik yung mga memories naming dalawa tuwing photoshoot. Loko loko rin kasi itong lalaking ito at medyo naging close din kami sa isa't isa.

"Syempre naman! Ikaw ba naman kasama ko." May halong kasinungalingan ang sagot ko dahil gusto ko ng makasama si Cheska. At saka gusto ko na rin makasama yung contract boyfriend ka para makita kung seryoso ba talaga siya sa panliligaw niya.

"So ganon? Nagenjoy ka palang kasama siya." Napalingon kaming dalawa ni Yasser sa nagsalita. Nakatayo si France na may dalang bouquet at puno ng galit ang mga mata niya. "Okay pa sana kung sa ibang lalaki ka makipagkaibigan pero bakit kay Yasser pa?"

Akmang hahawakan sana ni Yasser ang bewang ko pero umilag ako. Ayokong magalit lalo si France dahil iba ang aura niya. Bumaling ako kay France at naabutang naglalakad na palayo.

"I'm sorry." Sabi ko kay Yasser bago hinabol siyang hinihila ang maleta. "France! France!" Ayaw niyang lumingon. "France, ano ba?!"

Mas gugustuhin ko pang makausap yung mayabang na France kesa selosong side niya. Sa totoo lang, medyo nakakasakal na nga at palagi na lang siyang ganito. Pwede naman akong makipagkaibigan sa ibang lalaki dahil siya rin naman sa huli ang pipiliin ko. Kahit ilang beses ko ng tinatangging hindi ko na siya mahal, sadyang yung puso ko na ang nagrerebelde.

Noon ko pang pangarap na mabuo ang pamilya namin.

Sumakay siya sa kotse at akala ko aalis na siya agad. Pero hinintay niya pa rin ako. Sumakay na rin ako syempre tapos tinitigan siya. Mahigpit ang kapit niya sa manobela at nanlilisik ang mga mata nito.

Nagsimula na siyang magmaneho pauwi at sa buong byahe ay tahimik. Binuksan niya yung compartment nang hindi inaalis ang titig sa kalsada.

"Sayo yan." Walang gana niyang sabi.

Hinila ko yung Baymax na plushie saka niyakap. Mukha siyang marshmallow at napakacute. Nakangiti akong lumingon sa lalaking ito pero masama pa rin ang hitsura. Nawala tuloy yung saya ko.

"That's it! Ano bang problema mo?!" Sigaw ko. "Alam mo? Sa totoo lang nakakasakal ka na. Partida, France ha? Manliligaw lang ata kita." Mariin kong sabi.

"Ah so that's how it is? Sinasakal kita?" Matigas niyang sabi at nagpipigil na huwag taasan ang boses. "Kung alam mo lang kung bakit ayaw kong napapalapit ka kay Yasser!"

"Mabait naman si Yasser ah at saka hindi niya kasing bulok ang ugali mo."

"Why the fuck are you defending him?!" Nataasan niya na ako ng boses. Lumingon na rin siya sa akin, "he stole Chessel away from me! At least try to understand that I don't want him to steal you away from me."

Napatigil ako at galit na umiwas ng tingin. Kumalma ka, Amber. Kumalma ka rin, heart.

"Teka, sino nga ba si Chessel?" Tanong ko. Binalik niya ang atensyon sa kalsada.

"Huwag mong ibahin ang usapan." Edi wag. "I meant what I've said, Amber. You are mine and only mine. I don't care about what the world thinks as long as I have you."

Sakto namang tumigil ang sasakyan sa stop light. Kinuha ni France ang kamay ko at unti unting lumalapit sa gawi ko. I'm feeling drawn towards so I just shut my eyes lightly. My heart is screaming in joy. Even the old Amber is rejoicing right now.

Hindi ito ang unang beses na nagkahalikan kami. Pero para sa kanya, parang ito na rin ang una namin.

Lalapat na sana ang labi namin kaso binusinahan kami ng nasa likod na sasakyan. Pareho lang kaming natawa ni France at sumandal na sa upuan. Pinagpatuloy na niya ang pagmamaneho nang nakangiti.

Would that smile fade once I deliver him the news soon?

Nakatanggap ako ng message mula kay Annie. Binasa ko naman agad ito pero nabitawan ko agad ang phone. Sobrang taas daw ng lagnat ni Cheska kaya sinugod siya sa ospital kani-kanina lang.

"France," nanginginig kong tawag sa katabi ko, "s-si Cheska..."

"Bakit? Anong nangyari kay Cheska?" Nagaalalang tanong din niya.

"N-nasa ospital d-daw siya." I choked on my tears. "P-please, France."

Hindi nagdalawang isip si France at nag-U turn agad. I fiddled with my fingers and tried to calm down. Y-yung anak ko nasa ospital. Wala ako sa tabi niya. Yung anak ko nasa ospital.

"Amber, you're hyperventilating." Sabi niya at hinawakan ang kamay ko. "Calm down, love. She'll be fine. In through the nose then out through the mouth."

I did as he told me until we've reached the hospital. Una akong bumaba sa ospital at tumakbo na paloob. I grabbed the closest nurse desperately.

"Franceska Santibañez, where is she?" I asked but she just eyed me weirdly. "Nasaan siya?! Please tell me where she is!"

"Ma'am, calm down. Dumako na lang po kayo sa information center -"

"Thank you!" Iniwan ko na doon yung nurse na nagkakamot ng batok. Tumakbo ako papuntang information center at nanginginig na nagtanong.

"P-please nasaan siya?" Desperadong tanong ko. "Yung batang babae na naisugod sa ospital, nasaan siya?"

"Anong pangalan po?" Tanong nung isa pang nars na binubuklat yung record book.

"Franceska Santibañez." Mukhang nahanap naman niya agad sa listahan niya.

"Nasa Room 257 po sa second floor. Kaso bawal po ang mga bisita ngayon ayon sa guardian niya kanina."

"Bisita? She's my daughter for pete's sake! Take me to where she is right now!" Mariing utos ko sa sobrang alala. Tumango na lamang yung nars at saka nauna na sa paglalakad.

Susunod pa lang sana ako nang may humila sa braso ko.

"What does that supposed to mean?" Takang tanong ni France. Nanlaki mata ako nang marealize kong kasama ko nga pala siya. "Daughter? Anak mo si Cheska? Amber, I need an explanation."

Binawi ko ang braso ko, "I need to see her. Please." Sinundan ko na yung nurse na nakalayo na.

Tumigil yung nurse sa tapat ng kwarto kaya pumasok ako agad doon. Bumungad sa akin ang matamlay kong anak na may IV bag na nakakonekta sa katawan niya. My heart sunk just by seeing her like this. Lumuhod ako agad sa tabi niya't kinuha ang kanyang kamay.

"Hey, baby." Sabi ko at may naramdaman akong luha na tumulo. "Mommy's here na. Huwag ka ng iiyak ha? Nandito na si mommy."

Kumurap ang mga mata niya nang tinignan ako. Nanghihina siyang ngumiti at tinuro yung taong nasa likod ko.

"Daddy..."

Huminga ako ng malalim bago lakas loob ng lumingon sa kanya. Pulang pula ang mga mata niya sa kaiiyak.

"Something happened that night, correct?" Mabagal akong tumango. Napapikit siya ng mariin at mahinang nagmura. "I need to go."

"F-france..."

"Don't. Please." Pinigilan ko ang sariling punasan ang luha niya. Mapait lang siyang ngumiti bago kami tinalikuran ng anak niya.

At tuluyan na siyang lumabas.

^^Chapter End^^

A Deal with a StarWhere stories live. Discover now