"Hey," sabay-sabay nilang bati, ang ilan ay dinagdag pa ang pangalan ni Grant.
"Mind if I steal Fallon from you?"
"No, not at all." Noelle even grinned wide.
"Kunin mo na yan, Grant." dagdag pa ni Johan.
I feel like a toy being discarded and given away to a new owner. Sinimangutan ko ang mga kaibigan ko pero tumayo din para sumama kay Grant. Gusto ko rin naman kaya hindi na ako magpapanggap na nagrereklamo.
"Why am I friends with you guys?" umiling-iling ako at umirap sa kanila bago sila tinalikuran. Tumawa lang sila dahil alam nilang hindi ako seryoso. Hindi ko na sila pinansin at itinuon ang atensyon kay Grant.
"Let's go?" I asked and he nodded. Inabot niya ang bag ko na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Nagpaalam muna siya sa mga kaibigan ko. Sunod niyang inabot ang kamay ko at hinawakan iyon bago ako hinila palabas ng cafe.
Iyon ang naging routine ko nitong linggo. Ihahatid ako ni Grant sa campus tuwing umaga at sa uwian naman ay sasama ako sa mga kaibigan ko para tumambay kung saan. Bago mag six o'clock ay susunduin na ako ni Grant para iuwi sa bahay.
I liked the routine so much. Grant facetimes me at night and he'll just watch me review, minsan ay naiinip ako kaya kinukulit ko siya. That leads to him getting cold and ordering me to study.
Ngayong araw natapos ang exam namin at nagkaayaan na mag swimming sa bahay nila Johan. Dumaan muna kami sa mga bahay para kumuha ng damit.
It was already past five when we reached Johan's place. Hindi na kami dumaan sa grocery dahil nagpabili na ni Johan sa maids ng drinks at pagkain na pwedeng isabay sa alak.
"Fall, where's your la vie?" tanong ni Maia. Hindi ko na lang pinansin ang pasimpleng pang-aasar niya.
"Susunod daw siya." tiningnan ko ang sarili sa salamin at inayos ang black bikini top. I wore a simple cotton shorts for the bottom. Sa pool lang naman kami maliligo kaya hindi kailangan na uniform.
"He knows where Johan's place is?" tanong ni Rio at matapos ay hinawi ako para siya naman ang nasa harap ng salamin,
"Tinext ni Johan yung address kanina." lumakad ako palapit sa kama at kinuha ang phone na nasa tabi ng backpack ko.
Wala pang text at tawag doon kaya ni-lock ko agad ang screen. Noelle and I are the only one who's wearing bikini top and cotton shorts. Si Maia ay nagpatong ng manipis na sando sa ibabaw ng bikini top, habang si Rio naman ay nag puting shirt at short lang.
Inumpisahan muna namin ang uminom at nag-usap sandali. Naisipan nila Nikolai at Johan na itulak si Maia sa swimming pool. They succeeded on their plan and we all jumped on the water after that.
We placed the drinks and food beside the pool para pwedeng-pwede abutin sa gilid. We drank and play.
Hindi pa namin napapangalahati ang bote ng bacardi nang tumunog ang phone ko mula sa lamesa. Natigil kaming lahat sa pag-iingay dahil doon.
"Ayan na!" Maia teased and I smiled, shaking my head.
"Inom muna, Fall." Nikolai handed me the rocks glass filled with mix bacardi and coke. Maraming laman iyon pero hindi ko inubos. We're all sharing one glass para madaling mag timpla.
ESTÁS LEYENDO
When I Chase (When #1)
RomanceShe hates it when he gets cold and bosses her around. She hates him for always being there to stop her in her wicked games. She hates him for making her feel like she's done something wrong. She hates him for treating her like a child who needs some...
Chapter Twenty
Comenzar desde el principio
