"How about... Ilocos? Roadtrip, guys?" Maia wiggled her eyebrows, looking at us one by one.
Tiningnan ko ang mga reaksyon ng mga kaibigan ko. The boys were smirking, Noelle's eyes were sparkling while Rio looked very excited.
"Game ako." pauna ni Rio. Sumunod naman si Noelle. Mabilis na pumayag rin si Johan at Nikolai. Sa kakapanuod sa kanila ay hindi ako nakasagot agad. Napatingin silang lahat sa akin at binigyan ng makahulugan na tingin.
"Fallon?" Maia raised her brow.
A grin slowly flashed in my face and I nodded. "Game!"
Sumigaw sila sa excitement pero mabilis na natigil din nang maalala na nasa public place kami. Napatingin ako sa paligid at sumabay sa tawa nila nang makitang maraming nakatingin sa amin.
Nag volunteer agad si Maia at Noelle na mag-ayos ng itinerary namin. Tuluyan na nilang kinalimutan ang exams at inumpisahan ang pag-uusap tungkol sa road trip. Napangiti na lang ako habang pinapanuod ang mga kaibigan ko. The trip will surely be fun!
Hindi ko napansin ang oras dahil doon. Matagal na kami sa cafe pero hindi kami pinapaalis dahil bumili ulit kami ng pagkain. It was already past five when my phone pinged for a text message.
Grant:
Still at the cafe?
I quickly typed a reply. Hindi naman siya nag text ulit pagkasagot ko. Inuubos na lang nila Rio at Noelle ang kinakain nila at matapos ay napag-usapan na aalis na kami. Noelle didn't bring her car that's why I'll be hitching a ride with Maia. Makikisabay naman si Noelle kay Johan.
"Painom." paalam ko kay Noelle at hindi na hinintay ang pagpayag niya. Inabot ko ang cup sa harap niya. Umirap siya sa akin at nakangiting uminom ng fruit shake.
"Ay. Uwi na tayo, guys." I heard Maia quipped. Napatingin kaming lahat sa kanya pero hindi siya sa amin nakatingin kundi sa likuran ko. Sinundan nila ang tinitingnan ni Maia. Napangiwi si Johan at Nikolai. Malaki ang ngiti ni Rio habang si Noelle naman ay umiling-iling na lang.
Lumingon ako sa likod para malaman ang tinitingnan nila at halos masamid ako nang makita si Grant na papasok sa loob ng cafe.
His attire was the first thing that I noticed. He's not wearing his coat, I'm guessing that he left it in his car. His tie was missing too.
All that's left is a body hugging light gray dress shirt that could be mistaken as white. His shirt was tucked in and visibly tight that I could see the perfect form of his arms, chest, and wide shoulders. The sleeves were folded up to his elbow. The color of his shirt balanced with the darkness of his black fitted pants.
"Fallon, tissue oh." narinig kong pang-aasar ni Johan. Nang di ko siya tingnan agad ay nakuha niya pang kalabitin ang braso ko. Sinundan naman iyon ng tawanan ng mga kaibigan ko. Naramdaman ko ang pagpula ng mukha ko. Tumingin ako sa kanila at binigyan ng masasamang titig bago ibinalik kay Grant ang atensyon.
His eyes were scanning the room until he finally saw me. Lumiwanag ang mukha niya nang makita ko pero hindi pa rin naalis ang pagkaseryoso nito. Huminga ako ng malalim sa isip habang pinapanuod si Grant na naglalakad papunta sa table namin.
Nakalma ko ang sarili nang sa wakas ay makalapit na siya sa amin. His eyes were only on me when he stood near our table.
"Hey," malambot ang boses nito, hindi kagaya ng usual na malamig na tono na ginagamit niya. Ngumiti naman ako sa kanya. Inalis ni Grant ang tingin sa akin at pinasadahan ang buong lamesa. "Hey, guys."
DU LIEST GERADE
When I Chase (When #1)
RomantikShe hates it when he gets cold and bosses her around. She hates him for always being there to stop her in her wicked games. She hates him for making her feel like she's done something wrong. She hates him for treating her like a child who needs some...
Chapter Twenty
Beginne am Anfang
