43rd Delusion ♡ Marry me

Magsimula sa umpisa
                                    

Simula pa lang ng kanyang paggigitara ay tumagos na agad ito sa puso ko at kinilabutan na agad ako. Nagsimula na ding lumakas ang pintig ng puso ko.

(A/N: Play the multimedia for more effective reading.)

Forever can never be long enough for me
To feel like I've had long enough with you
Forget the world now, we won't let them see
But there's one thing left to do  

Isang nakakakilabot na himig ang lumabas sa kanyang bibig kasama ang tagos sa pusong titig niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang mapaluha kasabay ng pagmamarathon ng puso ko, simula pa lang ng kanta niya.

Now that the weight has lifted

Love has surely shifted my way  

Hindi ko maintindihan kung bakit sobrang lalim ng titig niya sa akin habang tagos sa pusong kinakanta iyon. Pakiramdam ko tuloy ay sa akin niya iyon kinakanta.

Marry me

Today and every day

Marry me
If I ever get the nerve to say "Hello" in this cafe  

Tahimik ang lahat. Halatang pumapasok sa bawat puso ng lahat ng tao dito ang bawat salitang binabanggit niya.

"Anak, Sena..." Halos lumabas na sa dibdib ko ang puso ko nung biglang lumapit si Tita Alma sa akin kasabay ng pagtayo ni Brace sa high chair. May kumuha ng gitara niya at pinagpatuloy ang pagtugtog habang siya ay kumakanta pa din. "Alagaan mo ang anak ko, ha?" Nagulat ako nung biglang umiyak si Tita Alma.

"T-Tita.." Sobrang lakas ng kalabog ng dibdib ko.

"Mahal na mahal ka niyan..." Lalong umagos ng tuloy tuloy ang luha ko dahil sa sinabi ni Tita. "Lord knows how much my son loves you, hija." Napatingin ako kay Brace na nakatitig pa din sa akin. Hindi ko na mabilang ang heart beat ko dahil sa sobrang bilis nito.

Inalalayan ako ni Tita na pumunta sa sulok ng stage. Hindi ko alam kung bakit niya ako dinala dito pero nung nakita ko na ang mga magulang ko na umiiyak ay nasagot na ang tanong ko.

"Ma.. Pa.." Lumapit ako sa kanila at niyakap.

"A-anak.." Tawag sa akin ni Mama na nanginginig dahil sa iyak niya.

"Ma, why are you crying? Hindi pa ako ikakasal." Biro ko.

"Malaki ka na nga. Jusmiyo, anak!" Niyakap niya ako bigla ng sobrang higpit. Napatingin naman ako kay Daddy na tahimik lang at naluluha.

"Daddy..." Tawag ko sa kanya.

"Sige na." Aniya at niyakap ko muna siya. Sinamahan niya ako paakyat ng stage na lubos kong ikinagulat. Niyakap niya ako sa huling pagkakataon at bumulong, "You won't be having our surname soon. Remember to love each other more everyday." Bumitaw ako sa yakap at hinarap si Daddy.

"Dad..." Tumango siya sa akin at binitawan na ako.

Nagaalinlangan pa akong tumapak sa huling hakbang sa stage. Dim lights at kay Brace lang ang spotlight kaya hindi halata na nasa stage na ako. Hanggang sa bigla siyang lumapit sa akin. Tumingin ako kay Tita Alma at Mama na tumango lang sa akin. 

Promise me

You'll always be

Happy by my side

I promise to

Sing to you

When all the music dies  

Ngayon ko lang napansin na naluluha na pala si Brace sa harapan ko. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan ito bago pinagpatuloy ang kanta.

And marry me
Today and everyday
Marry me
If I ever get the nerve to say "Hello" in this cafe
Say you will
Mm-hmm
Say you will
Mm-hmm
 

Lumipad ang kamay ko sa aking labi nung bigla siyang lumuhod sa harapan ko at naglabas ng isang box bago tapusin ang kanta.

Marry me
Mm-hmm  

Pagkatapos ng huling linyang binanggit niya ay binuksan niya ang maliit na box na naglalaman ng isang diamond ring.

"Marry me." Aniya't hinawakan ang isa kong kamay.

"B-Brace..." Hindi ko mapigilan ang hindi maiyak dahil sa ginawa niya. "I will marry you." Napayuko siya at hinalikan ang kamay ko bago pinasok dito ang singsing na hawak niya. Tumayo siya at nakarinig kami ng maingay na palakpakan at sigawan.

"I love you... I love you, so much." Bulong niya habang yakap pa din ako.

"I love you, too. I love you, forever and always." Bulong ko din sa kanya. Bumitaw siya sa yakap at sumigaw.

"Damn! I will marry this girl soon! She'll be my wife! I love you, Sena!" Sigaw niya na ikinagulat ko naman. Natahimik ng ilang segundo ang buong Arena. Nanlaki ang mata ko ng siniil niya ako sa halik na nagpaingay na naman sa buong Arena.

I'm the Dancer's Girlfriend?! (Gimme Five)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon