Chapter fifteen: hot transferees

Comincia dall'inizio
                                    

Napatingin kami sa labas ng bintana nang may mga kababaihang nagtatakbuhan. Lahat pa sila ay napapatili. Akala ko nanjan na si France kaso may mga lalaki ring nagmamadali. May mga guro pang gustong makita kung sino iyon. Imposibleng sina France at Ji iyon.

One word: transferees.

Mga artista pa siguro ang mga ito base sa dami ng gustong makita sila. Nagkatinginan kami ni Kevin bago nagunahan para makita kung sino iyon. Nakarating kami agad sa kumpulan sa may parking lot. Dinumog ba naman ang parking lot ng madaming tao, maski hindi mga estudyante gustong mapasilip.

"Pamilyar ba sayo yung mga sasakyan nila?" Tanong ni Kevin kaya napatingin ako doon. Napaangat ang mga kilay ko at natawa ng marahan. Kevin also realized who these transferees are.

Nagsilabasan sila sa mga sasakyan nila kaya lalong lumakas yung tilian. Ang tataas ng mga takong na suot nila at saka sa ngiti pa lang nila, maiinlove ka agad. Nahuli agad ako nung isa kaya nilapitan kami agad sa pwesto namin. Kusang gumawa ng daan yung mga estudyante para padaanin sila.

"Zayne! Kevin! It's so nice to see you guys here just to welcome us." Sabi niya sabay inayos ang buhok. Niyakap niya rin kami ni Kevin kaya awkward lang kaming parehong nangiti sa kanila.

"Chloe, hindi mo man lang sinabi na pupunta kayo dito." Sabi ko saka tinanggal yung dahong dumapo sa kulot niyang buhok. Tumabi naman sa kanya si Arianna na kumakaway sa fans niya. "Ikaw rin, Ari." Tumawa lang ng marahan si Chloe saka pinisil ang pisngi ko.

"Aww, hindi ka ba masayang makita ako dito, babe?" Naginarte pa siyang nasaktan. "You're being a bad na." Sabi niya sabay spray ng pabango sa akin.

"Chloe, I am happy. I really am. Pero hindi mo ito nabanggit sa akin." Mahinang sabi ko saka binuhat yung dala niyang bag. Nilayo ko na rin siya sa mga nagtitiliang fanboys nang nakaakbay sa kanya.

"Well, nakalimutan kong sabihin sayo pero hindi na importante yun. Ang importante ay sama sama na tayong magbabarkada sa school na ito." Napayakap siya sa bewang ko nang nakangiti. "Magkasama na tayo."

"So sinasagot mo na ako?" Matagal ko na siyang liniligawan pero lagi na lang akong basted. I never gave up though.

"Nope." She playfully said. Wow. Okay. Next time na lang ulit.

"Do not touch my hair!" Arianna's face is red in fury. "Kagagaling ko lang sa salon tapos bigla na lang naging dry buhok ko!" Naabutan ko siyang nagsusuklay nanaman. Alagang alaga kasi si Arianna sa buhok niya kaya laging may dalang salamin at suklay.

"Your hair looks fine to me." Sabi naman ni Kevin pero nakatanggap lang siya ng masamang titig. "Or maybe not."

"Fine? You think this is fine?! I LOOK RIDICULOUS!" Napalingon sa akin si Kevin saka humingi ng tulong. You're on your own, brother. That's your girlfriend.

"Where's France's girlfriend? I haven't met her that much." Sabi ni Chloe saka nginingitian yung mga fanboys niya sa gilid. I gave them my akin-lang-siya-so-back-the-hell-off look. And they did.

"She's not here yet. Why?" She smiled cheekily. T-teka, lalo akong nahuhulog sa ngiti mong yan eh! Kasing cute niya si Pou.

"She's my classmate in business management."

Amber's POV

"YES! TALO KA ULIT! WAHAHAHAHA!" Napapatalon pa ako sa sobrang saya't napasayaw sayaw. "Basta yung marshallows ko ha!"

"May daya itong game na ito!" Reklamo ni France saka binato kung saan yung game controller. "I demand a round two!"

"Sus. Gusto mo lang na bilhan kita ng yellow na teddy bear eh." Sabi ko saka siya sinundot sundot. Naglalaro kasi kami ngayon ng Sailor Moon RPG. Kay Cheska kasi ito tapos nagustuhan ni France na laruin. Edi pinagbigyan ko.

"Round two!" Sabi niya ulit saka napasimangot. Natawa lang ako kasi sa kanya namana ni Cheska yang pagkasimangot tuwing talo. Nakakamiss nga naman ang batang iyon. Kasama niya kasi si mudra ngayon, nadatnan naming wala sila dito sa bahay eh.

"Sige na nga." Edi naglaro kami ulit. Sa kanya si Sailor Venus at akin naman si Sailor Jupiter.

"Osiya, papasok ka pa ba?" Tanong niya habang ngumunguya ng bubblegum. Napailing ako habang nakatingin sa screen.

"Nakakatamad." Napatango siya. "YAS! PANALO ULIT AKO! WOOOHOOO--"

"Amber anak?" Binaba ko agad mga kamay ko't painosenteng ngumiti kay mudra na kapapasok lang. Shit. Nahuli niya kami ni France na magiiskip ng school? Napatingin siya sa kasama ko't lalong napangiti. "Oh hey, France."

"Hello po, tita." Magalang niyang bati saka nagmano.

"B-ba't ka andito, mudra?" Napakibit balikat lang siya.

"Since andito naman na kayong dalawa, may ipapagawa lang sana ako sa inyo. May flight kasi kami ni erpat mo mamaya eh." Base sa ngiti niya, mukhang masama itong ipapagawa niya.

"Ano naman po yun, tita?" Tanong ni France.

"Can you two look after Cheska while we're away? I know that it's not much to ask."

Bumagsak na ata sa sahig yung panga ko sa gulat. France and I...will be looking after our own daughter? Alone? In this house?

Lupa, pakilamon ako please.

^^Chapter End^^

A Deal with a StarDove le storie prendono vita. Scoprilo ora