Chapter fourteen: a night stucked together

Start from the beginning
                                    

Chineck ko muna kung ayos lang ba yung mallows ko. Safe pa naman sila kaya napahinga ako ng maluwag. Naginat na muna ako bago tumayo. I guess I have to go home by myself then. Ginamit ko pa yung phone ko para gawing flashlight bago naglakad sa may hallway.

Napadaan na muna ako sa may locker ko para kunin ang iba kong gamit.

"Awoooo~"

Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa may batok at napatigil sa pagabot ng libro. Pasimple akong napasilip sa kaliwa't kanan ko. Wala namang tao.

"Amber~"

Sinara ko na ng malakas yung locker ko saka napasandal dito.

"Mama?" Tanong ko bago tumakbo kung saan saan para magtago.

"Aaammmbbeeerrr~~~" May bumulong ng ganyan. Matatakot na sana ako kaso shit natawa ako. Akala ko babae pero lalaking barag ang nabulong tapos pumiyok pa.

Kaso kung lalaki...edi rapist?

Agad akong tumakbo patungong emergency exit pero nakasara ito. Tangina! Useless! Sinipa ko ito ng malakas pero hindi bumigay. Yung paa ko ang bumigay kingina ang sakit! Huhuhu mamaaaaa!!

"Awwoooooo---AAAHHH!!!"

Napakunot noo ako. Posible bang madulas ang multo?

"Fuckinang shit!"

Posible rin bang nagmumura ang multo?

Agad kong pinuntahan yung nadulas at napatakip ng bibig sa gulat.

"WAHAHAHAHA IKAW PALA YAN, FRANCE! AHAHAHA!" Agad akong lumuhod sa tabi niyang nakahiga. Inayos ko pa yung wig niya. "Nakadamit ka pang white lady ha. HAHAHAHA!"

"Tulungan mo naman akong bumangon ahuhu. Ang sakit ng likod ko shit." Lalo akong humagalpak sa katatawa. Tumatawa pa rin ako habang tinutulungan siyang bumangon. "Sige tawa pa."

"Edi sige HAHAHAHA!" Inirapan niya lang ako saka nagpagpag. Kinuha ko yung nahulog niyang wig at saka sinuot ito. Tinutok ko pa yung flashlight sa mukha ko.

"Tara na---"

"BOO!"

"OMYGHAD KYAAAAAH!!!"

"HAHAHAHA!" Humagalpak nanaman ako sa katatawa nung muntik na siyang maheart attack. Napabuntong hininga siya't tinalikuran ako. Aww pikon.

"Ihahatid na kita pauwi." Seryosong sabi niya. Pinihit niya na yung pinto at nakalock ito. He frowned. "I clearly left this door open." Sabi niya't agresibong pinihit yung doorknob. "Fuck! It won't open!"

May naririnig kaming pumipito sa labas ng pinto kaya napasilip kami sa bintana. We both frowned at the sight of the janitor playing with the keys. And he's leaving.

Nganga ang abot namin ni France saka nagkatinginan.

"Kontakin ko na lang si mudra. I'll also tell her to hire a new janitor." Sabi ko at magtetext na sana.

"May load ka ba?" Tanong niya pero natawa lang ako. Syempre wala. Binigay niya yung phone niya. "Memorize mo ba number niya?" Sinauli ko agad phone niya.

"Tatawagan ko na lang si papa" tumango ako sa sinabi niya at nagsimula na siyang magdial. Siguro kung hindi na lang ako natulog kanina...hindi ito nangyayare ngayon. Bakit kasi hindi ako ginising ni France o kaya ni Annie?!

Hmm speaking of Annie, nasan na kaya siya?

Annie's POV

"Ano? Magrereklamo ka pa?" Tanong sa akin ni Ji kaya umiling ako. Naiinis ako na natutuwa na ewan. Sino pa kaya ang magrereklamo kung may lalaking magdadala sayo sa Enchanted Kingdom? Linibre pa niya ako ng cotton candy eh.

A Deal with a StarWhere stories live. Discover now