Prologo

2.4K 91 20
                                    

Kitang-kita ng mga mata ko kung paano siya tumalon mula sa matarik na dalisdis ng bundok na 'yon. Hindi ko maaninag ang mukha nito pero labis na pangamba ang naramdaman ko nang tumingin muna ito sa direksyon ko bago niya tuluyang itinapon ang sarili sa kawalan. At dahil madilim ang gabi, hindi ko masiguro kong kilala ko nga ba ito. Hindi ko na ito napigilan dahil sa bilis ng pangyayari. At ayoko mang balikan ang tagpong iyon na hindi malimut-limutan ng utak ko, makikita ko pa rin ang sarili ko na naroroon sa isang matarik at mabatong bundok. At pagkatapos, bigla na lang mag-iinit ang mga mata ko hanggang sa tuluyan na itong mabasa. Ito na nga ang paulit-ulit kong nararanasan kapag naaalala ang isang wirdong panaginip. Kaya paulit-ulit na lang din ang mga tanong na ibinabato ko sa sarili. Sino ang babae sa panaginip ko? Bakit ko siya napapanaginipan?

Kung Pa'nong Ang Bulalakaw Ay Naging Ikaw [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora