Chapter 39 part 1

Start from the beginning
                                    




Agad na binalingan ni Luisa ang kapatid at nag-usap ang kanilang mga mata. Si Dale Rafael naman ay marahang pinisil ang kamay nang asawa. Pare-pareho silang naghihintay sa sagot ng matanda.




"We'll talk later." Malumanay na tugon ni Edgardo sa anak.




"Papa...bakit hindi mo pa sabihin ang totoo?" Lakas loob na sabi ni Luisa.




"Luisa!, napag-usapan na natin ito di ba?" Mariing wika ng matanda, bago tumayo at akma na itong lalabas ng silid ng muling nagsalita si Luisa.




"Papa, alam kung galit ka kay Dale Rafael kaya mo ito ginagawa. Pero dahil sa ginagawa mong ito ay lalo lamang nagiging komplikado ang sitwasyon."




Nang maramdaman ni Dale Rafael ang namumuong tensiyon sa mag-ama ay sumingit na siya sa usapan. Kailangan na niyang ipagtapat ang totoo sa matanda. "Papa, I'm sorry alam ko galit ka sa akin dahil sa panggigipit ko sa mga negosyo mo. Nang marealized ko ang pagkakamali ko ginawan ko rin agad nang paraan." May pagpapakumbaba ang tinig ni Dale Rafael.





"Ano ang ibig mong sabihin?" Nakakunot ang noong tanong ni Edgardo dito.




"Si Dale Rafael din ang nag-ayos nang gulong nangyari sa mga negosyo natin lalo na sa mango farm." Singit ni Luisa.




Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila mabuti na lamang ay dumating ang doctor at nurse na nakaassign kay Ellie. Ipinaliwanag nito na kailangan pang tumagal ng ilang lingo ni Ellie sa hospital para masiguro ang tuloy -tuloy na paggaling niya. Ibinilin din ng doctor na huwag hahayaang ma-stress ang pasyente dahil hindi ito makakabuti sa kanya.




"Papa, narinig mo ang sinabi nang doctor ko?" Malumanay na sabi ni Ellie. Naiintindihan niya ang damdamin ng ama kaya wala siyang galit na nadarama para rito.




Lumapit sa anak si Edgardo at hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Ellie.




"Papa, kumusta ang baby namin?" Sabay tingala ni Ellie sa ama na nakatayo sa tabi.




Napatingin si Edgardo sa gawi ni Dale Rafael na tahimik lamang na nakatingin sa kanila. "Dale Rafael, buhay ang anak ninyo." Simula nito.




Napangiti si Dale Rafael ng marinig ang sinabi ng biyenan dahil ang kahulugan nito ay napatawad na siya sa mga kalokohang nagawa niya. Parang nabunutan na rin siya nang tinik sa dibdib.




"Maraming salamat po sa pag-aasikaso ninyo sa mag-ina ko." Lumapit si Dale Rafael kay Edgardo at nakipagkamay sa matanda at tanggapin nito ang pakikipagkamay niya ay hindi na niya napigilan ang emosyon. Dahil sa sobrang kaligayahan na nadarama ay hindi niya namalayan ang pagtulo ng mga luha.




Marahang tinapik ni Edgardo ang balikat ni Dale Rafael. "Alagaan mong mabuti ang mag-ina." Seryoso niyang turan dito bago tuluyang lumbas ng silid ni Ellie. Kailangan niyang asikasuhin ang apo para makita na ito ng mag-asawa.




Si Luisa naman ay naiiyak din sa tagpong nasaksihan. Sa dami ng mga problemang napagdaanan nila ay nagging maayos din ang lahat. Ngayon ay nasisiguro na niya ang masayang pagsisimula nina Dale Rafael at Ellie. 

_________________

A.N.

Enjoy reading!!! ^ ^


Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now