Nabigla ako ng tawagin ni Zero. Hindi ko namalayan na nakaharap na pala ito sa amin.

"yes?" mahina kong sagot.

"Kung ano man yang iniisip mo, better stop it now." seryoso niyang sabi at tumayo.

"A.. hehe." mukhang kumalma na siya. Kahit kailan talaga parati niyang nababasa ang iniisip ko.

Tumayo siya sa kinauupuan. "Pupuntahan ko si Shin sa office niya. Kung nais niyong mauna nang umalis pwede na kayong makauwi."

Siguro nga ay di kami kailangan sa usapan nila. Kanina pa nakaalis si Zero, kaya ng matapos na ng lahat ang kanya-kanyang ginagawa ay sabay naming mapagpasyahang umalis.

"Whew. Mabuti at naka survive ako dun." si Blake ang nagsalita na kanina pang nagpipigil.

"Oo nga e. Mabuti itong si Rince sanay na hindi magsalita kahit sa buong buhay niya." nangingiti kong sabi ng pansinin sa tabi ko si Rince na tahimik pa rin.

"Bakit hindi si Logan ang isipin niyo? na hanggang ngayon ay tahimik pa rin"

"Woah, nagsasalita ka rin pala?" pagnunukso namin ni Blake at nagkatawanan.

Natuon naman agad ang atensyon namin kay Logan. At tulad nga ng sinabi ni Rince, he is unusually quiet today.

"Uy Logan, magsalita ka na diyan!" sabi ko.

"Wala ako sa mood." sagot lamang nito na parang nagtampo.

"Ahahahah.. huwag mong sabihin na nagtatampo ka na naman kay Zero?" si Blake na malakas ang tawa.

"Don't tell me, kaya ka nagtatampo dahil sa ako lang ang tinawag kanina ni Zero bago siya umalis," buong tawa ko ring sabi sa kunot noong si Logan.

Kahit kailan talaga napakachildish ng taong ito.

"Tumahimik kayo!" he shouted out his temper pero nagtawanan lang kaming lahat.

We all went back to our usual selves at dahil nga wala ng mga estudyante sa hallway ay malaya kaming naglolokohan habang dumadaan. Until we exited the building.

"Ano'ng nangyayari dito?" Logan reacted to what he saw.

We can see a whirlwind of dust in front of us created by three motorcycles running in circles. Sabay kaming tumakbo palapit sa gulo. Marami pa ring mga estudyante sa paligid at pinapanood ang nangyayari sa gitna ng school. There, Logan grabbed the arm of one male student near by.

"Sabihin mo. Ano ang nangyayari dito?" matigas niyang tanong.

"Hi-hindi ko din po alam. K-kanina po k-kasi nagsimulang magkaharap ang Queen at isa sa mga Black empress dahil sa binubully nitong estudyante. Tapos bigla na lang nagsidatingan ang tatlong nakamotor at nagsimulang humarurot kaya ayan po." nanginginig na paliwanag naman ng estudyante.

Agad din siyang binitawan ni Logan at mabilis na tumabong palayo.

"Sabi na nga ba e. Gulo na naman ang dala ng pagbabalik ng tatlong iyon." si Blake na naiinis.

Gusto man naming makalapit ay di namin magawa dahil sa kapal ng alikabok na nagmistulang pader na pumipigil sa amin na makapasok.

"Nasa gitna pa sina Cassey at Vanessa kasama si Kin." sabi ni Rince habang nakatingin pa rin sa harapan niya.

"Ha? e ano ang nangyayari ?" tanong ko agad.

"Walang nangyayari, dahil hindi sila makagalaw. May dalawa pang babae na mabilis na pumasok sa isang kotse na hindi nila napapansin."

Gangsters Legend: Heartlessजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें