Legend 2: A Commotion

6.2K 182 3
                                    

✵ S.I.A. (SiegeFred International Academy), the most prestigious and popular school in Mystic City.

Third Persons' POV

In the next 5 minutes ay magsisimula na ang lahat ng klase sa SIA kaya busy ang mga naiwang member ng SC (student council) sa kanilang official club room to finish their assignments before then. Walang imikan kaya napakatahimik ng buong kwarto, ngunit di nagtagal ay napahinto ang lahat sa ginagawa.

Napatingin ang lahat sa pinto ng kwarto na pinanggalingan ng malakas na kalabog. Unti-unting bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang isang babaeng nakayuko at pahimas-himas sa noo. Nabunggo lang naman sya sa pinto.

"Ano ka ba naman Luna. Magdahan-dahan ka nga." masungit na sambit ng isa sa mga SC member na nasa loob ng kwarto.

Pilit na ngumiti si Luna sa kabila ng sakit sa noo. "heheh. S-sorry vice prez.." yumuko sya ng paulit-ulit at mabilis na nagsorry sa tinukoy nyang vice prez. Huminga na lang ito ng malalim at itinuon na muli ang atensyon sa huli nyang ginagawa.

Pumasok na si Luna habang pasimple syang palinga-linga sa buong kwarto. Hanggang sa makarating sya sa kanyang pwesto at huminga ng maluwag. Nasa tabi nya ang kanilang assistant secretary na si Melissa na katatapos lang din ng ginagawa.

Isa siyang member ng student council which considered to be role models of the student body kaya nag aalala si Luna sa pagiging late nya. Tumingin siya sa katabi na nagdadalawang isip kung magtatanong o hindi. Ngayon ay paalis na ito, at dahil nga hindi mapakali ay napilitan syang kalabitin ang uniform ni Melissa. Lumingon naman agad sa kanya si Melissa na nagtataka.

Ngumiti syang nahihiya nang magsimula at nag salita. "a-ano... kasi..." na uutal pa nyang sabi.

Likas na mahiyain si Luna at iilang estudyante lamang ang nakakakilala sa kanya. Hindi rin naman kasi sya yung klase ng tao na pansinin. Halos nga hindi sya nag eexist sa mundo kung tratuhin ng iba.

"ah.. oo nga pala, nag volunteer ang tatlo mong kasama na SC buddies sa pag round sa buong school ngayon. Sabi nila masama daw ang pakiramdam mo kaya malelate ka." pag-alala ni Melissa ng hindi maituloy ni Luna ang sasabihin.

"G-ganun ba.. okay...salamat.." nahihiya pa rin niyang sagot at nagpaalam naman agad si Melissa.

Naalala niya ang tatlong kaibigan.

"...nagvolunteer ang tatlo mong kasama SC buddies... Sabi nila masama daw ang pakiramdam mo..."

Gumuhit ang malawak na ngiti sa kanyang mukha. Nagsimula na siya sa kanyang report at since wala siyang klase sa first period of classes kaya dun na rin sya magtatambay. Isa-isang nang nagsilabasan ang iba pa nyang kasama hanggang sa tumunog na ang chyme, hudyat na magsisimula na ang morning class.

***

S.I.A. - Senior CLASS 1

tic...toc...tic

tic...toc...tic

"...a judgement is always either one, true or false..." Mr. Gonzales reads out to his students his first lesson with a very low tone of voice.

Kasalukuyan s'yang nagtuturo ng philosophy sa class 1 bilang substitute sa pag absent ng kanilang regular teacher. Naiilang syang nagtuturo sa klaseng ito nang biglang...

"Haaaawwnnnn!!!!"

A very loud yawn made him stop speaking. Napalingon ang halos lahat ng estudyante nya sa iisang direksyon. Isang male student na nakapikit ang mga mata na nasa third row.

Gangsters Legend: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon