Legend 22: The KINGS

2.2K 86 8
                                    

A/N: I don't own the photo(CREDITS to its respective owner) but I kinda imagined the main members of Demon Fist Gang during the Gangwar with these characters. Not sure if this is from an anime or simply a fanart. So just now, I'll claim it. It's the KINGS. From left to right:

Rince ----- Lee ----- Zero ----- Logan ----- Blake

The festival is near and everything will start over. The past will be revealed slowly by each chapter and so as the characters that was/is/will be involved to our MC.

This is just the first part of the The Kings chapter and I'm not sure when I'll be able to update the part 2. Enjoy!

--------------------------------------------------------------------

Mabuti na lang at dumaan kami sa secret staircase kaya walang makakakita sa amin papuntang HQ. Walang katao-tao sa top floor ng building kung saan tanging Student Council Office at Head Quarters lang ng gang ang nandon.

Nang makarating kami ay binaba agad ako ni Logan sa malaking couch na nasa loob ng kanilang HQ. Magpapasalamat pa sana ako kaso huli na nang mabilis itong umalis. Katabi ko si Sera na namumula ang mukha.

Ano kaya ang pinag-usapan nila ni Zero kanina at namumula pa rin siya? I wonder. Pero napailing ako. Ano naman ang pakialam ko sa pinag-usapan ng dalawa?

Kaya lang kung fiance ni Zero si Sera, bakit binubully ito ng kapatid na si Cherly? Hmm... At parang hindi man lang siya kahit na ang gang niya nagulat sa pambubully dito. Mag-fiance nga ba sila?

Napatingin ako sa buong room ng gang. Hindi ito ang inaasahan kong head quarters ng isang gang. Karaniwan kasi ay makalat at madilim ang mga HQ ng mga ito. Pero dito.... mula sa unique at high class floorings hanggang sa maliliwanag na chandelier masasabi mo talagang luxurious ang lugar. May arcade at iilang book shelves sa loob na pwedeng libangan na rin siguro nila.

"Pasensya ka na ha?" napatingin ako sa katabi nang magsalita. "Nadamay pa kita sa pinag-initan ni Cherly kanina."

Sa ngayon, kaming dalawa na lamang ang naririto sa parang living room type na bahagi ng HQ. "Hindi. Huwag mong isipin iyon. Malas ko lang talaga siguro." I fake a smile scratching the back of my head like an idiot.

"um.. Ako nga pala si Sera." nilahad niya ang kanyang kamay.

"Luna" matipid kong sagot nang tanggapin ko ang kamay niya.

Nakita ko ang tuwa sa kanya at lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa aking kamay ng dalawa niyang kamay.

"Masaya ako at nagkita uli tayo." pigil ang excitement sa tinig niya. "The last time kasi... umalis agad kayo kaya... hindi ko na nagawang magpakilala..."

I gasped. "Sshh." placing one finger on my lips ay napalinga-linga ako sa paligid making sure na walang ibang nakakarinig sa amin. "a. Please... um, yong nangyari last time. Kung pwede, huwag mo nang i-mention 'yon. Sa atin na lang iyon, okay?"

Nagtaka man ay mabilis siyang nagtango "Sure." lumapit siya sa akin at bumulong "Ito ba ang tinatawag nilang secrets between best friends?"

"Ha? a." best friends? Of course it's not what I meant.

"Sera tawag ka ni Zero," lumapit si Logan sa amin dala-dala ang box ng first aid kit.

Tumango naman agad siya dito bago bumaling sa akin and put an innocent smile on her face. "Punta lang muna ako doon ha?"

Gangsters Legend: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon