Legend 36: The Legend Awakens

1.9K 81 7
                                    

The time finally came...

Yesterday seemed nothing more than a prologue to the prologue

But you can skim through if you wish;

from here on out is my story.

~A verse from Radwimps song 'Sparkle'~

........

Arcane City @ approximately 4:45pm.

VRROOOOOOMMMMM!!!!!  

EENNNGGGG!!!!! EENNNGGGG!!!!!

Isang napaka-ingay na event ang nagaganap ngayon sa Arcane University. Isang prestihiyosong unibersidad sa mismong lungsod ng Arcane na katabi lamang ng Mystic city.

"Wooohooo!!"

"YEA!!!"

Ngunit salungat sa Mystic city na kilala bilang city of gang wars, ang Arcane city naman ay kilala bilang 'city of Deluxe'. Isang well-developed city kung saan ang lahat ng karangyaan sa mundo ay pwede mong makita o maranas dito. Kahit sino ay pinapangarap ang makarating sa lugar na ito at halos lahat na pinakamayamang angkan at personalidad ng bansa ay dito na rin nagtipon at naninirahan.

"Now we are down to the last lap..."

Isang drag race ang nagsimulang mag-ingay sa loob ng unibersidad na isa sa pinagmamalaki nilang sports sa ciudad.

"and yes, the Bugatti Chiron is still and undoubtedly is leading the race."

One of the students, being the announcer of the said competition is getting excited as he gives details of the current standing of this game. And his eyes are not looking away from the race track even just for a second.

"Tch.."

"The race is nearing to its final moment as the leading cars are almost on the finished line!!" muling sabi ng announcer habang nakatutok ang tingin sa dalawang nangungunang luxury supercars na Bugatti Chiron at Lamborghini Veneno.

"Wala! Talo na iyan!"

"Go! Stanley for the win!"

"Yes!! Bugatti!!!"  

Patuloy na nagsisigawan ang mga tao sa loob ng stadium habang pinapanood ang karera ng anim na iba't ibang luxury cars na kasalukuyang nagpapaligsahan para sa kanilang bet na racers. At syempre, hindi mawawala ang pustahan sa mananalo.

"Aba. Kung makapag-diwang sila, akala mo naman ay nanalo na," dinig ni Louie ang komento ng katabi. She crossed her legs while sitting comfortably with her arms on each sides of the arm rest where she is seated.

"Sshh... 'wag masyadong mainit ang ulo." saway niya dito. 

"They should not under estimate us. That Stan guy may be a defending champion or what but it's still nothing to a genius."

"Ano ba Nyx?" pabulong nyang saway sa katabi. "Nandito tayo sa kanilang teritoryo kaya mag-ingat ka sa sinasabi mo."

Pero binalewala lang ito ni Nyx at inirapan lamang si Louie habang matalim na tinitigan ang mga nagsasayang mga estudyante sa harapan nila.

Currently, they are inside the VIP section ng stadium kasama ang ibang high class students ng prestihiyosong unibersidad dito. Sa loob nito ay kitang-kita nila ang buong kaganapan sa race through the glass wall. Binalik nila ang tingin sa race track at tinuon ang atensyon sa itim na McLaren na pangatlong nangunguna sa race. 

Gangsters Legend: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon