Legend 20: Change of Plans..."a slave?"

2.2K 79 1
                                    

Third Person's POV

S.I.A.'s much awaited school festival will be in one week time at abalang-abala ang lahat sa paghahanda. For the whole week there will be no classes until the school festival, but rewards has been decided to be given out to classes and clubs who performs best. And it is thanks to the student council officers that everything seems to go smoothly with everyones' full cooperation. Though not everyone really.

In High Schools' senior class B...

"Waahh.. a-ano 'to?" gulat na napasigaw si Emily (isa sa mga kaklase) pagkapasok sa classroom na kumuha ng atensyon ng lahat.

"Ha? Edi si uncle Kapre. Isa sa mga gagamitin sa ating horror classroom escape." their class president, Frid, gladly explained to her.

"Seryoso?! Kung lahat ng costumes ay ganyan ka pangit at nakakatakot, mas pipiliin ko pang ma-in-charge sa pagdidistribute ng fliers sa school." maarteng sabi nito.

"Owws.. kaya mo yun sa buong araw ng school festival??"

"Oo nga, ma-eexpose ka sa init, sa maraming tao.."

Panunukso ng mga kaklase niya.

"Ugh... Kasi naman e. Dapat nagtayo na lang tayo ng Café. Isang cosplay café. Mas maganda ang costume hindi tulad ng..ng.. mga 'yan.." nandidiri niyang tinuro ang lahat ng costumes na naka-palibot sa classroom.

"Well, ano ba ang in-expect mo?" sagot naman ni Vince, isa rin sa kanilang kaklase na nakikinig tabi.

"Isa pa, mas malaki ang chance nating makakuha ng mataas na grade dahil tayo ang naiiba ang project sa lahat. Alam mo bang ngayon pa lang nga ay marami na ang na-eexcite? .." Frid explained with a grin.

Patuloy ang diskusyon nila habang kasalukuyang inaayos ng iba ang mga costumes at props na gagamitin ng kanilang class para sa school festival. Isang Horror Escape classroom ang hinanda ng class B kung saan mayroong trivia questions at puzzles na kailangang masagot ng bawat grupong papasok para makalabas at makakuha ng prize. Ngunit dahil may time limit hindi lahat makakakuha ng prize at marami ang may chance na makakasubok ng kanilang game.

"O, ano'ng nangyayari dito?"

Natigil ang pagdidiskusyon ng magkaklase ng marinig si Louie na kararating lang kasama si Luna, dala-dala ang kanilang snacks.

"A-a.. wala.." nauutal na sagot ni Emily kay Louie na hindi na rin kinontra ng iba.

Nag-iinit ang kanyang mukha at hindi makatingin ng diretso kaya ng iwasan niya ng tingin si Louie ay napatingin siya sa direksyon ni Luna. Agad namang nagkasalubong ang mga kilay nito at halata ang pagkainis. Pigil na natatawa ang lahat sa inasal ni Emily na masyadong obvious. Ang problema nga lang e ang masyado namang manhid ng kaharap nito.

"O bakit namumula ka ata?" saad pa ni Louie ng mapansin ang pamumula nito. "May lagnat ka ba?" tanong pa niya at tinangkang ilapit ang kamay sa noo ni Emily ngunit mabilis umilag ang huli...

"M-m-may p-pun-t-tahan lang ako. Si-sige. Bye." agad-agad itong tumakbo palabas ng classroom.

"Hm? Problema noon?" tanong niya at napa-iling ng ulo ng iba.

"Kawawang Emily," nangingiting komento ni Vince.

"Sabihin mo pa.." si Frid at nakisabay na rin sa pagtawa ang lahat.

Nagtatakang ibinaling ni Louie ang tingin kay Luna na nagtatanong pero nagkibit-balikat lamang yong huli. Hindi na lang ito pinansin ni Louie at masiglang itinaas ang pinamili nilang pagkain. "Break na muna tayo guys."

Gangsters Legend: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon