Legend 25: Day 1 is? Troublesome.

2.1K 72 6
                                    


✵ It's already 8 in the morning in SiegeFred International Academy and students have become noisy.


So noisy that it seems they have forgotten just this week's' hot topic...


"It's the curse of the red ring..."


Iyon ang tawag ng lahat sa rule ng kinikilalang Demon Fist Gang na binuhay muli pagkatapos ng ilang taon. And news spreads like storm that even the neighboring school's already heard about it. Everyone's curiosity made it worst.


Iyong feeling na...


.... kahit saan ay may mga mata na nakabantay sa bawat galaw mo.


... na ang bawat paghakbang mo ay iingatan mo.


... na lahat na nakapaligid sa iyo ay pagdududahan mo.


Dahil kahit na sino ay malayang gagawin ang kanilang nais na ikakasakit mo.


"Psst... Luna..."


Dinig ko ang mahinang boses na tumatawag sa akin. Nagpalinga-linga ako sa loob ng kwarto ng senior class 2, hanggang sa makita ko si Louie sa likod ng maitim na kurtina habang sumisilip.


"Halika na..."


Tumango ako at sinuot na ang magiging costume sa araw na ito. Pagkalabas ko sa hallway mula sa aming classroom ay mga malalaking mata ng mga kaklase namin ang sumalubong sa akin. For a moment, I felt fear coming from their stares.


"Woah!"


Isang namang tuwang-tuwa na tinig ang bumasag sa namumuong tensyon na iyon.


"Ito na ba ang mascot natin? " galak na tinanong ni Frid sa katabi ko.


"Yup! para makadagdag na din sa ating advertisement. Hahaha" sinabayan ni Louie ang pagiging masayahin ng aming class president.


"Hahah.. Oo nga naman. Sige pagbutihin mo James!" sabay tapik ni Frid sa aking balikat. At ako naman ay tumango na lamang.


Pagkarinig sa naging usapan ay ngiti na ang nakikita ko sa kanina lang ay takot na mga mukha ng aking mga kaklase.


Inakbayan ako ni Louie at pasimpleng bumulong. "Huwag mong kalimutan na tawagan kami."


Kumalas siyang nakangiti. Hindi na ako sumagot at lumakad na lang paalis papunta sa aking assignment.


Again, everyone is giving me a moment of stare at balik muli sa kanilang ginagawa. Kahit papaano ay nakakamiss din ang maging ordinary sa paningin ng iba. Ang titingnan ka lang dahil nahagip lang ng kanilang mga mata. Walang ibang intensyon.

Gangsters Legend: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon