Legend 6: ♛ Black and White ♕ Them Who Rules

3.5K 122 4
                                    

✯ S.I.A. Main Entrance

👉 Third Persons POV

"Dali! Dali! May gang na humahamon sa Kings" excited na hila ng isang lalaki sa mga kasamahan nito malapit sa SIA main gate.

"Sa ganitong oras?" ipinagtaka na tanong ng isa sa mga kasama.

"Talaga?! Aba, exciting ito" tumayo agad at nagpahila sa kasama ang isa sa mga ito.

Hindi lang sila kundi marami pa ang nagpunta sa harap ng S.I.A. dahil nga sa kumalat na balita. At dahil ipinagbabawal ang mga outsiders na pumasok sa S.I.A ay pinili na lang nila ang mag abang mula sa labas, kahit pa may nakapasok ngang outsiders.

"Ano na kaya ang nangyayari?" excited na tanong ng isang mukhang gangster.

"Kyaahh(‐^▽^‐), sana makita ko ang KINGS." tili ng isang babae. Ang main members ng demon fist gang ang tinutukoy.

"Ugh..kung pupwede lang sana makapasok..." pagsisiksik na sabi ng isa din sa mga babae.

"Subukan mo, kung hindi mo na gustong masilayan ang bukas." hamon sa kanya ng isa pang lalaki.

"Haha. Huwag ka namang manakot ng ganyan. Siyempre nagbibiro lang ako. a.hihi" kinakabahang tawa niya.

Patuloy ang ingay ng mga tao sa harap ng S.I.A. but not until...

"What are you doing?!"

After hearing that cold voice, everyone stood stiff. Then slowly they turned their heads to their back. And there who stand are two guys in their S.I.A. school uniform. They felt the chill to their spines after seeing the glare of the demon and hurriedly left the place with no one else left but those two.

"Sa tingin mo, ano kaya ang nangyayari sa loob?" tanong sa kanya ng katabi ng una ng nagsalita.

Pero imbes na sagutin ang huli ay nagsimula lamang itong humakbang papasok ng gate. "Let's go." sabi pa niya na walang kabuhay-buhay.

Pagkapasok pa lang nila ng gate ay dinig na dinig nila ang ingay sa loob ng academy. Agad ding tumambad sa kanila ang maraming estudyante ng SIA na nanonood kasama ang hindi kilalang grupo ng mga lalaki na nasa paligid lang.

"Waaa!!! Blake ang gwapo mo talaga!"

"Logan!! ang astig mo!!"

"Talunin niyo sila!!!"

Iilan lamang sa mga tiliang naririnig nila. Hindi nila gusto ang nakikita. Tila naging isang arena ng gang battle ang entrance ng kanilang Academy.

Pinagpatuloy nila ang paglalakad palapit sa pinangyayarihan ng gulo. Unti-unting natahimik ang buong paligid pagkakita sa kanila na ang iba ay napatulala, may napa-iwas ng tingin and the most ay dali-daling umalis sa lugar.



👉 Luna's POV

"So what now? hu?" rinig kong tanong na nagpakilalang Blue sa kaharap naming gang. Hawak-hawak niya pa rin ang dalawa kong kamay sa aking likod at hindi ko maiwasan ang mapangiwi sa sakit ng pagkakahawak nya sa mga kamay ko na lalo pang humihigpit.

"Aaghh..." I silently groaned. Napatingin ako sa sinasabi nilang demon fist gang. So sila pala ang gang na Demon Fist, ang tinatawag nilang Kings.

Napansin ko ang biglang pagtahimik ng lahat kaya tumingin ako sa paligid at wala na ang mga estudyanteng nanonood.

A-anong nangyayari?

Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak niya pero malakas siya.

"Oy," isang nakapangingilabot na tinig ang narinig ko mula sa aming likod.

Napalunok ako. Bigla na lang ako nakaramdam ng panlalamig sa gitna ng tensyon sa aming paligid. At alam kong nararamdaman din iyon ng nasa likod.

"Oh, Zero, maligayang pagbabalik." bati ng demon fist gang sa dumating.

ZERO?

Narinig kong mahinang binigkas ni Blue ang pangalan ni Zero. Kasabay noon ay ang mas humigpit pa niyang hawak sa mga kamay ko. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay na ipinagtaka ko hanggang sa hatakin niya ako kasabay niyang humarap kay Zero.

"Aahh!" again napaungol ako sa sakit. Napayuko ako kaya una kong nakita ang dalawang pares ng mga paa sa harap namin.

"Dumating ka din." matapang na sabi ni Blue kay Zero.

Natatakot ako. Gusto ko mang makita ang mukha niya, pero hindi ko maangat ang sariling mukha. Parang may malaking bato na nakapatong sa likod ng ulo ko para mapanatili itong nakatingin sa lupa.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" napakalamig ang tinig ng pagkakasabi ng nagsalita na sa tingin ko'y si Zero.

Hindi siya nasagot ni Blue but I felt he loosen his grip and the chance to escape what comes up in mind. Ngunit hindi ko inaasahang magkakamali ako sa unang paghakbang. Wala na akong sapat na lakas para mabawi ang sarili sa unti-unting pagbagsak.

Shit!

I closed my eyes, expecting for the pain but it never happen. Nagtataka. Iminulat ko ang mga mata at pansin ang pagiging maalikabok sa buong paligid at unti-unti ding nawawala.

"Okay ka lang ba?" isang pamilyar na tinig ang nag-aalalang tanong sa akin.

"Ken?"

"Pa-paanong...??"

Gulat ang mga ekspresyon ng mga mukhang nakikita ko. Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Ken para mailigtas ako sa pagkakabagsak sa lupa na ina-alala ko.

Inalalayan niya akong tumayo at...

"Ayos ka lang?" isa pang lalaki ang lumapit sa akin. Kilala ko ang tinig na iyon kaya umangat agad ako ng tingin.

"P-prez?" Hindi ko alam na ang student body president pala ang isa sa kaharap namin kanina. Hindi talaga maganda ito.

"A-ayos lang po ako," nahihiya kong sagot sa kanya.

Nginitian niya ako. "Mabuti naman kung ganun. Talagang pinag-alala mo kami ni Zero kanina, mabuti na lang at maagap itong kaibigan mo."

Hinanap ng mga mata ko ang tinatawag na Zero pagkarinig kong nag alala ito sa akin. At mula sa likod ni Prez, one guy emitting a deadly aura caught my attention. There is no doubt it's him. However...

* G L A R E *

H-He's glaring at me.

Did I misheard the Prez earlier? Nag-aalala ba talaga ang tawag niya sa tingin na iyon?

S-scary. TT~TT

"I won't accept your challenge" narinig ko na lamang na sabi ni Zero na ngayon ay nakatingin na kay Blue.

"w-what?!!" kinakabahan man ay nakuha pa rin nong Blue na magsalita.

Hindi naman siya sinagot pa ni Zero at nagsimula lamang maglakad hanggang sa malampasan ito.

"WAIT!!"

Pigil niya kay Zero na hindi pa nakakalayo sa paglalakad.

"You know the rules." sabi lamang ni Zero na hindi lumilingon. "If you badly want to have a battle with us? You better know what to do. And I'm only giving you until tonight."

This time ay lumingon siya sa kinatatayuan ni Blue na nananatiling tulala at hindi siya makuhang sagutin.

"If you do, make sure to bring your whole gang, Blue Dragon. Coz I won't let you get away in making a mess in my territory."

Matapos ang bantang iyon ay nagpatuloy na itong pumasok sa school building at sinundan naman ng mga kasamahan nito.

Nakakatakot. Isa siyang nakakatakot na nilalang. Tama lang na tawagin ang kanilang gang na Demon Fist.

Gangsters Legend: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon