Legend 5: The Unexpected Guest

3.7K 124 5
                                    

👉 Logans' POV

Akalain mo nga naman. Ang dating lampang utusan ng Metalgoons gang leader ay nag level-up sa pagiging gang leader na din. Nagsawa din siguro kaya naghanap ng mauutusan din. Kaharap ko sya ngayon at nagtinginan lang kami sa isa't isa.

"Aba, si left hand!" tawag ni Lee.

Kahit kailan talaga ang ingay ng isang to. Mukha namang nainis si Left-Hand at nagsimulang uminit ang ulo.

"HINDI LEFT-HAND ANG PANGALAN KO." buong tanggi niya.

Left-hand kasi ang bansag sa kanya sa Outlaw ground, ang lugar kung saan dati nagaganap ang mga underground activities noon sa Mystic City.

"E, di ba ikaw yong isinasama ni Steel noon?" pangungulit pa rin ni Lee.

"Noon iyon at hindi na ngayon. Kaya tigilan mo na ang kakatawag sa akin niyan!" matigas niyang sagot.

"Bakit? Huwag mong sabihin na pinagalitan ka na naman ni Steel kaya binawi niya na ang pag tawag sa iyo bilang left hand?" patuloy na tanong ni Lee na hindi ko alam kung sinasadya niyang inisin ang kaharap.

"Kahit kailan hindi niya ako pinagalitan!" naisigaw niya at agad na napayuko. "Pero hindi na importante iyon. I never even like that name in the first place. Psh. Left hand."

Lumapit sa akin si Blake. "Oy, Logan parang naging madrama na ata dito." bulong niya sa akin. As usual wala na naman siyang masabing matino so I give him a glare. Pero hindi ito natinag, sabagay nasanay na siya, well, we are.

I look at him again habang patuloy siyang kinukulit ni Lee. Kung ganun isa na nga siyang exile.

Exile ang tawag sa lahat na gangsters na tinanggal sa Legal gangs ng Mystic city bilang miyembro nito it's because either a gangster betrayed the gang or killed a co-member of the gang. At once naging exile ka, ituturing ka ng kalaban ng dati mong gang at pati na rin ng lahat na legal gangs sa buong Mystic City.

This time tumindig siya ng tuwid at nakataas ang noo. "Simula ngayon kikilalanin niyo na ako bilang si Blue. Leader of Blue Dragon Gang"

Sandaling natahimik ang lahat. Mayamaya pa...

"Ano daw?" tanong ni Blake na nakataas ang isang kilay.

"Blue?" si Lee na nagtaas ng balikat at nagpailing-iling.

"Blue Dragon?" Ako nang hindi agad rumihestro ang pangalang binanggit niya.

Tinitigan ko sya ng masama habang proud na proud ang ugok sa sarili. At doon ko lang napansin ang kanyang suot and how his name make sense.

I look at him from head to toe. A blue sports head band, color blue jacket with an inner light blue shirt, blue pants and blue sneakers.

"He is all Blue." puna ko sa suot niya.

"Pfft.." narinig kong natatawa na sina Blake. I tried to hold it in pero hindi rin namin kinaya kaya...

"AHAHAHAHA!!"

Napatawa kami ng malakas at nakisabay na rin ang iba pa.

"What's so funny?" kita sa mukha niyang naguguluhan siya. Inilibot niya ang tingin sa lahat at mabilis na tumaas ang init ng ulo.

"Walang nakakatawa!!!"

Ilang sandali pa ay tumalikod ito sa amin. Akala namin ay sumuko na ito kaya umalis na lamang.

"O, sa'n naman punta mo? Huwag mong sabihin na susuko ka na?" asar ni Lee sa kanya.

Hindi sya sumagot habang patuloy itong lumakad palayo sa amin. At mayamaya pa ay bumalik ito habang hila-hila ang isang babae.

"LUNA!"

Nahinto ang pagtawa namin sa sigaw na narinig. The girl is wearing the same uniform as SIA. She slightly bends with her both hands to her back. If I'm not mistaken, LeftHand behind her is holding it tightly.

How dirty can he get.

I saw him smirked. "Hindi ako pumunta rito para magkwetuhan sa inyo kaya didiretsuhin ko na kayo."

"Hay, akala ko pa naman matagal pa tayong magkukwentuhan e." si Lee na nakangiti man ang mga labi ay magkasalubong naman ang kilay.

"Mabuti na rin ito para makabalik na tayo sa HQ" walang ganang sabi ni Rince.

"Game," si Blake.

"Isa lang naman ang gusto ko." he seriously stated.

"Okay Blue. Spill it" I said starting to get serious.

"I, the leader of Blue Dragon gang is challenging Demon Fist for a gang battle."



👉 Someones POV

"Hay naku. Natapos din ang isa pang nakakabagot na meeting." I sighed as I leaned my back comfortably in the front seat of the car.

Pumasok naman sa driver seat ang kasama ko. "Did you just said something?" tanong niya sa akin pagkasara niya ng pinto.

"Ha? w-wala. hehehe." mabilis kong pagtanggi pero binigyan niya ako ng nagdududang tingin.

"Late na tayo o. S-sige na mag drive ka na." At dahil don ay inistart niya agad ang engine at mabilis na pinatakbo.

Nagka emergency meeting sa Mystic Tower dahil sa kumakalat na balitang may mga gangs na binubuo ng mga exiles na nanggugulo sa Mystic City tuwing gabi. Though hindi na iyon bago sa amin but this time may isang malakas na gang ang isa-isang hinahamon ang malalakas na mga gangs. At ang mas ikinakabahala ng lahat ay pagbubuhay nila sa old legend.

Malapit na kami sa S.I.A. ng matanaw ang nagkukumpulang mga tao sa labas ng gate.

"Anong mayroon?" I asked.

"Andito na pala sila." sabi niya habang hinuhubad ang seatbelt, na hindi naman nasagot ang tanong ko.

"Ha? Anong ibig mong sabi-" Isinara niya na ang pinto ng makalabas, hindi man lang ako hinayaang makatapos sa pagsasalita.

Lumabas na rin ako at tumabi sa kanya na nanatiling nakatayo sa harap ng mga nakatalikod ng nagkukumpulang mga tao.

"Totoo bang may gang na naghahamon sa Demon Fist?" dinig ko ang pachichismisan ng iba sa kanila.

Hm? Napaisip ako sa tanong na iyon.

"Oo, at nasa loob nga sila ngayon." sagot ng isa pang nakikipagchismis.

Then I remembered what he said earlier. Andito na pala sila. There I just realized what he meant. I stare at him with a surprise look. Napatingin din siya sa akin at alam kong alam niya ang gusto kong malaman. Pero wala siyang sinabi sa akin, sa halip ay ibinalik niya ang tingin sa harap namin. Tahimik man ay ramdam ko ang pag iba ng aura na nagmumula sa kanya kaya inilipat ko na lang ang tingin sa amin harap.

"What are you doing?" he asked out of the blue.

...and there, after a long time, I heard again the cold voice of the DEMON.

Gangsters Legend: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon