Legend 3: It's A Fight

4.9K 137 1
                                    

Luna's POV

I'm running out of breathe. Kasalukuyan kong tinatakbo ang isang short cut papunta sa pinangyayarihan ng gulo, ang main entrance. Napag-alaman kong nakapasok ang mga gangsters sa school upang manghamon sa KINGS. But at the same time they took my buddies as hostages for their scheme.

"Ka-kaila-ngan ko silang-ha-tulungan." determinadong kong sinabi sa sarili na hinahabol din ang paghinga.

Malapit na ako at dinig na dinig ko ang ingay nila. May tawanan at paghahamon. Hanggang sa tuluyan kong marating ang labas ng school building.

"Uy, ano na? ang hihina niyo naman." sabi ng isa sa mga gangsters sa mga kaharap na halatang pagod na pagod dahil nakaluhod ang mga itong nakatukod ang mga magkabilang kamay sa lupa at habol ang paghinga. Parang kumurot ang dibdib ko sa nakikita so I step forward, slowly.

"Ano ba iyan? Hindi ko ito inaasahan mula mismo sa SIA. Hahaha" pagmamayabang naman ng isa.

"Oo nga, turingan pa namang student council members kayo at... ano daw yong special name nila?" patuloy silang binubully ng mga gangsters.

"Buddies? A oo, student council buddies daw. AHAHAHA"

Sumunod ang malakas nilang tawanan habang pinapahiya ang mga kasama ko. I clinched my fists. I don't know what to do, but there's something I should do as a member of the student council. Kaya ng makalapit ako sa kanila, I stood there thinking I have to stop them.

"H-HINDI!"

Isang malakas na sigaw ang narinig ko at nagpatigil sa aking pagtangkang magsalita.

"...HINDI PA KAMI TALO. LALABAN PA KAMI." sigaw ng isa sa mga kasamahan kong si Louie na naka angat na ang ulo at matalim na tumititig sa mga gangsters.

"Ha! Sige ba. Pero matatalo pa rin kayo. Ahahaha" sagot ng kaharap na gangster.

"Hindi na mauulit yon." buong lakas-loob na sabi naman ni James at dahan-dahang tumayo kasabay ang dalawa.

"..this time...sisiguraduhin naming matatalo na kayo."

"Hahah.. hindi kami aatras." sagot naman ng kalaban nila habang nag-iistretching ng mga kamao at ulo nila na may tunog.

Lumapit pa sila sa isa't isa at makikita ang determinasyon sa mga mata nila. Mukhang si James ang unang lalaban. Siguro nga ay pino-protektahan lang nila ang school ngunit hindi naman tama na dumaan pa sila sakitan.

"James!" tawag ko upang pigilan sila pero huli na ako.

"Yaah!!!" sigaw ng dalawang magkalaban.

One of the gangsters and James face each other and each holds out their right hand in a "thumbs up" and they link hands in a monkey grip.

"One, two, three, four, I declare a thumb war" sabi ng dalawa ng magkasabay, and their thumbs passing over each other in time with this rhyme.

"Hu?" I got confused, anong klaseng labanan ba ang nangyayari? Ngayon ay gulong-gulo ang isip ko kasabay ng kumakaba kong dibdib.

"Five, six, seven, eight. This should be a piece of cake." at nagsimula na nga ang labanan ng kanilang mga hinlalaki.

"Huwag kang magpapatalo James." I heard Louie cheers.

"Alam kong kaya mo yan," isang encouragement naman ang sigaw ni Ken.

"YEAH!!"

At gumuho ang mundo ko.



Someone's POV

Gangsters Legend: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon