Legend 37: Meeting

1.6K 65 5
                                    


"Devils are not BORN. They are MADE."

~anonymous~

It's another regular day for everyone in SIA. Tahimik sa bawat sulok ng campus at hindi mo aakalaing may gang fights na nagaganap sa paligid nito.

It's been a month simula ng magsi-labasan ang mga rebeldeng gangs. Pero sa kabila ng napakaraming threat sa SIA, hindi natinag ang mga estudyante nito at nagpatuloy na pumapasok sa regular classes nila.

Well, sino nga ba naman ang matatakot kung sila naman ay strongly protected ng most powerful gang ng city. Ang undefeated Demon Fist.

At habang nakikinig sa nagsasalita nilang professor ang senior class 2 ay bigla na lamang may marahas na bumukas ng pinto. Kasabay ng ingay nito ay ang mabilis na paglingon ng lahat sa direksyon ng pinto at doon ay napatulala sila sa nakita.

Ilang sandali pa ay maagap na binati ng professor nila ang kakarating "Oh. M-ms. Rokai!," na himalang pumasok sa klase nya. "I'm glad to see you are back." ngiting-ngiti nya pang sabi.

"Si Luna nga..."

Magsisimula pa lang ang bulungan ng kanyang mga kaklase ng libutin nya ng malamig na tingin ang mga toh. A glare that made everyone to remain silent.

Mabigat na huminga ang guro at iniwas ang tingin sa kanya. "A-alright, you may go to your seat..."

Not bothering to say a single word, she walks toward her seat habang palihim naman s'yang sinundan ng tingin ng mga kaklase.

She was gone for 2 weeks. The week before that, just right after the school festival, she was still attending classes but then she was already cold to everyone. Even to Louie and Ken who are known to be her closest friends they felr that same distance. Then for unknown reasons, she stopped going to school again. Akala ng iba ay tuluyan na nga siyang titigil sa pag-aaral, o di kaya ay mag tatransfer na muli sa ibang school kaya ang makita siya ngayon ay di nila inaasahan.

Nagpatuloy ang klase at siya ay nakatingin lamang sa labas ng bintana. Nanatili siyang tahimik hanggang sa matapos ang mga sumunod pa nilang klase. Pag may time ay may tuma-tangka ding lumapit sa kanya pero sa huli ay umaatras din. Sa di maipaliwanag na dahilan ay natatakot sila. Parang may  isang napakakapal at napakataas ng wall sa paligid nyang nde nila malampasan na kahit ang simpleng pagkakamusta lamang sa kanya ay tila imposibleng gawin.

At dumating nga ang lunch time.

Louie's POV

"Bwiset ka talaga Nyx! Bakit di mo sinabi sa amin agad?!"

"Aba malay ko bang hindi pala sinabi sa inyo ni Ate ang pagpunta niya sa school ngayon..." she scowled.

Aarrgg.. napakusot ako ng ulo. Gusto ko na talagang sumuko sa pagiging brat ng batang ito. Bakit pa ba siya sumama dito? Hinihingal na rin ako sa paghahanap kay Hime sa buong SIA. Malas ko lang at lunch time na ng dumating kami kaya hindi ko matukoy kung saan siya nagpunta.

She never told us anything about this and I don't know anymore what she is thinking. Ever since the incident about James, she separated from us. She left to us the mansion and lived somewhere alone. Whenever she calls, it's always about the status of our missions and her plans. That is why in any possible way, we wanted to protect her.

Nanggaling na ako sa aming dating tambayan, sa rooftop ng abandonadong building. Sa classroom. Sa old gym. Kahit saan na malimit lamang na puntahan ng mga estudyante. Pero wala. Nakapatay rin ang phone niya kaya hindi ko siya ma-contact.

Tumigil ako sa pagtakbo at nagpalinga-linga sa paligid. Naramdaman ko na lang ang paghila ni Nyx sa hem ng shirt ko sa likod.

"Ano?" singhal ko sa kanya na di man lang natinag.

Gangsters Legend: HeartlessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon