"We miss you, Fall!" narinig ko ang pag sigaw ni Maia at ang tawanan nila sa backgound. Mukhang nandoon silang lahat. Kapag hindi ako sumabay sa kanila, baka maubusan ako ng magandang schedule at hindi ko masabayan ang vacant nila.

"Ano? Tara na dito. We'll save a spot for you."

"Alright." I sighed before hanging up, cutting Noelle's squeal.

First year college ko nakilala ang buong grupo. They were already friends when I met them. Simula high school pa lang ay magkakakilala na sila kaya ako ang bagong addition, all thanks to Noelle.

Una kong nakilala si Noelle sa isang party nung freshman pa ako.

Nasa likod na ako ng malaking bahay upang makalayo sa ingay nang makita ko ang isang babae. Her outfit caught my curiousity. She was wearing a loose hoodie and pink pajama bottom. Napaangat ang kilay ko sa itsura niya. Her hair was in a bun and she looked like she's up to no good.

Habang naglalakad ay palingon-lingon siya sa paligid. Bumabalik ang tingin niya sa loob ng bahay na parang natatakot siya na may makita sa kanya. Kaya lang niya ako hindi napansin nung gabing iyon ay dahil nasa madilim na parte ako. Nang hindi na siya lumingon ulit ay naisipan kong sundan siya.

I found her struggling to open a fuse box's cover. Napansin ko rin ang hawak-hawak niyang diagonal pliers sa kamay. Isang tingin lang sa kanya ay alam ko na agad ang binabalak niyang gawin.

"Need help?" tanong ko.

Napasinghap siya nang marinig ako. Mabilis siyang tumalikod mula sa fuse box at itinago ang pliers sa likod niya. Napangisi ako. Hindi ko pinansin ang naging reaksyon niya at lumapit sa fuse box upang tanggalin ang cover nito.

"You have diagonal pliers. Puputulin mo ang wire para sa main power?" tanong ko. Nakatitig lang siya sa akin ngunit nang tinaas ko ang kilay ko ay bigla siyang tumawa.

"Yup! Ang ingay kasi. I can't sleep."

Nang isagot niya iyon sa akin ay alam kong magkakasundo kaming dalawa. I ended up helping her cut the power from that house. Dumilim at tumahimik ang buong bahay. I heard them gasp in unison from the inside. Hinila niya ako paalis doon at tumakbo palabas ng bahay habang sabay na tumatawa.

Noelle introduced herself to me and proclaimed that we were friends starting that night.

Malapit lang ang bahay niya sa pinangyarihan ng party kaya pagkatakbo ay doon kami dumiretso. That night, we learned that we were both studying in the same university. Nagpalitan kami ng phone numbers and we became partners in crime after that.

Pinili namin na mag manual enrollment para makapagsabay-sabay kami sa pagkuha ng schedule. Magkakaiba kasi ang course namin.

Si Rio at Maia ay Fine Arts student. Si Johan at Nikolai ay parehong Architecture ang course. Noelle is taking accounting. At ako naman ay Business Administration major in Business Management.

People would have easily assume that I'm taking Mass Communication or anything that has something to do with performing, but I just don't see why I need to study about something that I already know. Music was already bared to my soul. I don't need books and lectures to dictate what I know and feel.

And it's already written in my fate to take Business Administration. I may be free spirited and I may crave for freedom a lot but I'm not selfish. Alam kong kakailanganin ni Logan ang tulong ko sa kompanya pagdating ng panahon. But for now... I just want to enjoy and keep my promise to my mom.

Pagkapasok ng campus ay sa administration building na ako dumiretso dahil ayon sa text ni Noelle sa akin ay nandoon sila.

"Baba-i-ta!" hindi ko pa iginagala ang mga mata ko para hanapin sila ay narinig ko na agad ang boses ni Maia. Agad silang nahanap nang mga mata ko at napansin ang pag tingin ng ibang tao sa kanila. They didn't mind being stared at and that's what I like about them the most.

When I Chase (When #1)Where stories live. Discover now