Chapter 36 part 2

Comincia dall'inizio
                                    




"Ate, read this...?" Nakangiwing inabot ni Ellie ang hawak na papel.




"Ellie, I have to call the ambulance mukhang hindi na maganda ang pakiramdam mo." Hindi pinansin ni Luisa ang inaabot na mga dokumento ng kapatid dahil binalot siya ng pag-alala ng mapansing namumutla na ito.





"Ate...ang sakit.." Daing ni Ellie habang hawak nito ang ibaba ng tiyan niya.




Doon na nagsimulang mataranta si Luisa. "Ronnie! Ronnie! Please help us!" Tawag niya sa bayaw na nasa kabilang kuwarto lamang.




"Ate, what happened?" Nagmamadaling dinaluhan ni Ronnie ang magkapatid. 




"Kailangan na nating dalhin si Ellie sa hospital." Nagmamadali ang bawat kilos ni Luisa, hindi niya kailangang magsayang ng oras dahil nakataya ang buhay ng kanyang kapatid at ng kanyang magiging pamangkin.



  Walang sabi-sabing binuhat ni Ronnie si Ellie at halos takbuhin niya ang garahe.   Alam niya ang maselang kalagayan ni Ellie kaya naman nag-aalala rin siya para dito. 




"Ellie, just hold on okay? Malapit na tayo, dapat pala ipinaadmit na kita kanina." Nagsisising sabi ni Luisa habang pinagmamasdan si Ellie na patuloy na namimilipit sa sakit.




"A-Ate si D-Dale Rafael ang may kagagawan ng pagkalugi ng mga negosyo ni papa." Humihikbing turan ni Ellie.




"Paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong ni Luisa sa kapatid.




"Nabasa ko yung laman ng envelope sa ibabaw ng kama mo." Tuluyan ng napaiyak si Ellie. Naghalo-halo na ang sakit na nararamdaman niya ng mga sandaling yun.




Napatiim ng bagang si Luisa ngunit ang mas mahalaga sa kanya ngayon ang kalagayan ng kapatid. "Huwag mo ng isipin ang tungkol dun dahil nakabawi na rin naman si papa. Maayos na ang takbo ng negosyo natin." Pagpapakalma ni Luisa sa kapatid.




"Pero ate..."




"Ssshhh..." Putol ni Luisa sa sasabihin pa nito, inabot niya ang dalawang kamay ni Ellie at marahang pinisil. "Hayaan mo munang makapagpaliwanag si Dale Rafael huwag mo muna siyang huhusgahan."



 

"Ate, paano kung totoong may kinalaman nga siya?" Mahinang pahayag ni Ellie.




Matagal na katahimikan ang namayani sa pagitan nila.




"Do you still love him?" Seryosong tinitigan ni Luisa ang kapatid.




Marahang tumango si Ellie.




"Kung ganun naman pala hindi na natin kailangan pang halungkatin ang issue tungkol doon. Gusto lang kayong guluhin ng bruhang Martina na yun." Payo ni Luisa sa kapatid. Sa totoo lang ay gusto niyang maging maayos ang relasyon ni Ellie kay Dale Rafael kaya handa niyang palampasin ang kalokohang ginawa nito tungkol sa kanilang negosyo.




"Ate...it's too painful now...p-parang h-hindi ko na kaya." Mahinang daing ni Ellie.




"We're almost here." Mabilis namang turan ni Ronnie na nasa manibela.




Nang makarating sa hospital ay agad na inasikaso si Ellie ng mga doctor at nurses.




"Ate, don't leave me ha? Natatakot ako." Umiiyak si Ellie habang nakahiga sa stretcher.




"I promise hindi kita iiwan basta lakasan mo ang loob mo." Pilit na pinapatatag ni Luisa ang kanyang kalooban. At ng ipasok na sa operating room ang kapatid ay doon pa lamang niya pinakawalan ang mga luha. Akala niya ay naihanda na niya ang sarili sa pagkakataong ito ngunit ngayon ay parang pinipiga ang puso niya tuwing maiisip ang maaaring maging resulta ng operasyon.


________________

A.N.

Thanks for reading :D 

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^










Love Begins Here (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora