Chapter Three

Magsimula sa umpisa
                                        

He stayed there for five years before dahil sa health condition ng father niya. He came home for a vacation last year but unfortunately, hindi natupad ang vacation na iyon dahil sa nagkaroon ng health problems si Daddy. Logan ended up staying here for good habang sila Tito at Tita ay nasa Massachusetts pa rin. He didn't have a choice since he's the next heir of our company.

Daddy is the president of Montello group of companies. I'm his only daughter, which makes me the rightful heir, pero dahil wala akong interes sa pagpapatakbo ng kompanya namin ay naipasa iyon kay Logan. He's four years older than me and he's a guy, which automatically makes him alpha. Wala akong reklamo doon. I'm fine with a decent position and fewer responsibilities.

My dream in life is to fly. I badly want to. I want to feel all the things that my mother told me about. The heavenly bliss that flying causes. I want it. I crave for it.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung paano tuluyang lumipad. I've only felt my feet slightly lift off the ground and heard the flapping of my wings or... heart. But I never really felt like I was flying. I only experience those two things whenever I'm singing and doing things to break all sorts of limit that I can break.

"Finally!" salubong ni Logan sa akin habang pababa ng hagdan. Ngumisi ako ng makita ko ang pinsan ko. He opened his arms and welcomed me for a tight hug. I grinned at my cousin's sweetness and finally giggling when I couldn't hold it.

"Miss mo naman ako?" pang-aasar ko dito at itinulak niya ako palayo. Ngumiwi siya sa akin at matapos ay lumapit ulit para amuyin ako.

"Fall, you smell like a drunk person." sumimangot siya sa akin. Nawala ang ngiti sa labi ko. Inangat ko ang kamay ko sa ere at inamoy ang arm pit ko. I can't smell anything bad. Hindi naman ako amoy basura.

"Amoy alak ka." dagdag niya na nagpababa ng braso ko. Lumiwanag ang mukha ko nang maintindihan ang tinutukoy niya. Hindi ko maamoy ang alak mula sa sarili ko, siguro ay dahil nasanay na ang ilong ko sa amoy na iyon.

"Just had a few drinks last night." kumibit balikat na lang ako.

"Few drinks my ass." umirap si Logan. He's not taking my bullshit. Oh, well. Kilala ako ng pinsan ko kaya wala akong lusot sa kanya. Nag buntong hininga siya at seryosong tuminging sa akin. "Can you do me a favor?"

Tumaas ang kilay ko. "Sure. Anything for you, Low."

"Please stay out of trouble." pakikiusap nito at bigla akong napahagikgik. He looked like he's ready to plead for his life. Napailing ako.

"Trouble?" natatawang tanong ko. Ngumiti ako ng malaki. "Ang bait ko kaya!"

He snorted. "Nice? Then do I need to remind you about my birthday when I was in fourth year high school? Pinalitan mo ng mixed vinegar at vinegar cider ang alak na iinumin namin ng classmates ko."

"Perfection." I lifted my hand and kissed my fingers like a chef. Then I started laughing again. Nakalimutan ko na ang sakit ng ulo ko sa patuloy na pagtawa.

He shook his head at me in disblief. Hindi niya pa rin talaga nakakalimutan ang tungkol doon. I can barely even remember that day. I think over heard about him inviting his high school classmates and friends over to celebrate his birthday. Pinayagan siya ni Tito magpainom kaya nagpahanda ng limang bote ng Chivas Regal para sa kanila.

Nung gabi pa lang ay inihanda na ng maids namin ang kakailanganin para sa intimate na birthday party niya. I saw the Chiva Regal bottles and then the prank clicked. Nang maramdaman na mag-iinuman na sila ay tumambay ako sa dining area dahil kita mula doon ang pool side ng bahay nila.

Tandang-tanda ko pa kung gaano kalakas ang tawa ko nang nag cheers sila, uminom, at sabay-sabay rin na ibinuga ang laman ng bibig nila. I think I uploaded it in youtube before, para hindi mawala ang kopya. It was on private dahil alam kong magagalit sa akin si Logan kapag ginawa ko iyon. He doesn't even know that a video exists.

Nang makabawi si Logan sa pagbuga nila ay isinigaw niya ang second name ko. My family, obviously, only calls me with my second name kapag galit sila sa akin. Tumayo siya at mukhang planong sumugod. Nakita niya ako mula sa sliding door. Mabilis kong itinago ang camera at kumaripas ng takbo pabalik sa kwarto.

"God. I dislike you sometimes." rinig kong sabi ni Logan. I couldn't help but give him a goofy grin.

"I love you too." malambing na sabi ko. Humalakhak siya at hinila ako palapit para halikan sa ibabaw ng ulo. "When are you going to enroll?"

"I don't know yet." I moved away from him and shrugged.

He sighed. "After this second sem, you'll be on your fourth year, Fall. You need to take that seriously."

"I am serious." I grinned. "Anyway, I want to take a bath, drink some meds and eat breakfast. Then rest. So... Adios."

"Fallon..." tawag niya sa akin nang nilampasan ko na siya upang makaakyat na sa hagdan.

"Just text me your speech." kinaway ko ang kamay ko sa ere nang hindi tumitingin sa kanya. I heard another loud sigh from my cousin and I just laughed to myself.

Pagkapasok ko sa kwarto ay dumeretso ako sa kama at sumubsob doon. Nakahinga ako ng maluwag nang maramdaman ko ang kalambutan ng sariling kama. There's no place like my bed. I breathed in my sheets and snuggled my face against it.

Umayos ako ng higa at blangkong tumingin sa kisame. Grant's face unconsciously slipped in my mind. Napakagat ako sa labi ko.

Umangat ang kamay ko at inabot ang pendant mula sa dibdib ko. Sumimangot ako nang hindi ko naramdaman iyon.

My heart raced. I immediately panicked. Mabilis na umupo ako sa kama at kinapa ang leeg ko para hanapin ang kwintas. My body temperature dropped and I think my heart came with it.

Fuck.

Nawawala ang mga pakpak ko.

My necklace is missing.

When I Chase (When #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon