"Grabe, wala man lang good morning muna?"
"Kanina pa kita hinahanap! Your maids told me na hindi ka pa umuuwi kagabi! Saan ka na naman galing? God, Fall, I swear..." galit ang boses niya mula sa kabilang linya. Napangiti ako. Logan's rarely frustrated. Pareho kaming masiyahin at bihira naman siya magalit kaya nakakamangha at nakakatawa sa tuwing magagalit siya.
"I passed out at a... friend's house. I'm sorry. Pero teka, why maids? Hindi si Dad?"
"No. Fortunately for you, your dad went on a business trip. I'm at your house. He told me to look after you." my mood lifted drastically at the news.
"Ibig sabihin, hindi alam ni Daddy?" malawak na ang ngiti ko ngayon.
"Do you want me to tell him?"
"No, no! Uuwi na ako d'yan ngayon din. Love you, Low!" pinutol ko na ang tawag at sumigla. I don't even mind the head ache anymore. Laking pasasalamat ko na lang talaga sa business trip ni Dad. I won't be in trouble!
Pinasadahan ko ng tingin ang mamahaling interior design ng condo unit. Every furniture looked damn expensive. Mukhang nag hire pa ng interior designer para dito.
But where is he? Darating pa kaya iyon? Gusto ko man siya hintayin para magpasalamat sa hindi pag tapon sa katawan ko sa tabi-tabi ay kailangan ko ng umuwi. Logan will most probably call my father kapag hindi pa ako nagpakita sa kanya.
Tumingin ako mula sa pinto na sa tingin ko ay palabas mula dito. Ngumuso ako. I don't want to face the whole world with a filthy mouth. That's gross.
Mukhang hindi pa naman darating si Grant. I can go to his bathroom and move quick. Tumango ako sa sarili at mabilis na pumasok pabalik sa kwarto. Dumeretso ako sa bathroom at nagmamadaling kumilos.
I washed my face, used some mouth wash, peed and I was done. Lumabas ako mula doon at nag ninja moves sa bilis palabas ng kwarto. Hahawak pa lang ako sa pinto ay napahinto ako. I turned my back around and stared at the room with confusion. Parang may mali.
My nose scrunched. I inhaled, smelling the scent of the room. Hindi pamilyar ang amoy. It smells like a man's cologne pero iba sa kay Grant kagabi. Hindi ko makakalimutan ang amoy niyang iyon. It made my mouth water. Mabango rin naman ang kwartong ito pero... parang hindi kay Grant.
Umiling-iling ako. Bakit ba pino-problema ko ang amoy ng kwarto? This is probably gonna be the last time that I'll be here kaya hindi na iyon dapat importante. Napairap ako at itinuloy na ang paglabas mula sa kwarto.
Nakahinga ako ng maluwag nang wala pa ring tao sa labas. Hindi ako tumigil sa paglakad at dumiretso na sa main door para makaalis na mula dito.
I silently thanked heavens when I finally managed to get out of that place. Nang tumambad sa akin ang hallway ay nakumpirma ang hinala ko na condo unit nga iyon at nasa isang high-end tower ako. I left the building and walked along the sidewalk to look for a cab.
Isang minuto pa lang ay may paparating na kaya doon na ako sumakay. Sa sobrang sakit ng ulo ko ay pinadaan ko muna ang taxi sa isang drive thru bago itinuro ang address patungo sa mansion. Aires Village wasn't that far from the tower, thankfully.
Makalipas ng mahigit isang oras ay nakarating na ako sa bahay. Ubos na ang kape ko pero hindi pa rin nawawala ang pagkirot ng ulo ko. Binati ako ng good morning ni Kuya Roger nang dumaan ako at pinilit kong ngumiti at bumati rin pabalik.
Ngumuso ako nang makita ang kotse ni Logan. He's still here. Nagtataka ako dahil alam kong may office siya ngayong araw. He's been working in our family company for about a year now ever since he came back from Massachusetts.
KAMU SEDANG MEMBACA
When I Chase (When #1)
RomansaShe hates it when he gets cold and bosses her around. She hates him for always being there to stop her in her wicked games. She hates him for making her feel like she's done something wrong. She hates him for treating her like a child who needs some...
Chapter Three
Mulai dari awal
