Chapter Forty Five: Raging Emotions

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi po, Miss Monteclaro," paglilinaw ko. "Nasarapan po ako sa pagkain."

Hindi ko alam kung saan ko pa nakukuha ang pagiging pormal ng boses ko kapag kinakausap ang babae na ito kahit pa nga sa utak ko, ilang beses ko na siyang sinampal, sinabunutan at pinagkakalmot sa mukha.

Siya nga pala, noong nakaraang araw ko lang nalaman, pagkapasok ko sa trabaho kahit na masama pa ang pakiramdam ko dahil sa hangover, ang tungkol sa paglipat ng lahat ng kapangyarihan ng kompanya kay Elisha.

Walang ginawang pagpapaliwanag sa akin si Trojan maging ang mga nagbalik na empleyado sa kompanya ng tungkol sa nangyari. Basta ang alam na lang naming lahat ay si Elisha na ang bagong CEO sa kompanya pero si Trojan pa rin ang acting CEO dito.

Kaya kahit na sukal na sukal sa loob ko na makita mas lalo ang makipag-usap at makipagkaibigan sa babae na ito ay pinipilit ko pa ring patatagin ang dibdib ko na kayanin ang makipagplastikan sa malanding babae na ito na laging kinukulang sa tela ang damit.

"But your face look otherwise," komento pa nito sa naging sagot ko pero maya-maya lang ay ngumiti ulit ito. "I think you should try their tea here. That is the best tea I have ever taste my entire life! You should drink one. Baka maiba na 'yung panlasa mo sa pagkain nila dito."

Aktong tatawagin na ni Elisha ang waiter na malapit sa pwesto namin nang bigla ko siyang pigilan.

"Okay na po ako sa pagkain na 'to, Miss Monteclaro," sabi ko saka siya muling napatingin sa akin. "Saka mukhang hindi yata gusto ng sikmura ko ang lasa at amoy ng tea."

"And why is that? Tea is good for the health than coffee."

"Hindi lang po ako siguro sanay."

"Well, that's new."

Sabay kaming nagulat ni Elisha nang biglang magsalita si Trojan sabay tingin sa akin bago niya tuluyang isinara ang laptop niya.

"I didn't heard about your disgust about tea. I bet Ethan knows that."

Napakunot-noo ako sa pagbanggit niya sa pangalan ni Ethan at 'yung sa tingin ko inis na nahimigan ko sa boses niya.

Ano ba talagang problema niya?! sigaw ko sa isip ko.

"Too bad. Masarap pa naman talaga ang tea nila dito. It's also one the resto's best seller," singit ni Elisha sa aming dalawa ni Trojan. "Bakit? May past experienced ka ba sa tea kaya ayaw mo sa kanya?"

"Allergic lang po siguro ako sa kanya," magalang na sagot ko kay Elisha. "Nasusuka ako sa tuwing maiisip ko ang tea."

"Really?"

\ "Opo. Sinubukan akong painumin ng mayordomo sa bahay na tinitirahan ko noon pampawala ng hang over pero talagang hindi ko kaya ang amoy at lasa niya. Kaya salamat na lang po sa alok, Miss Monteclaro."

"Walang nababanggit sa akin si Carlos sumuka ka nang dahil lang sa isang tea, Miss Delos Santos."

Muling nagtama ang tingin namin ni Trojan.

At kahit na nakakaramdam din ako ng inis sa halos isang Linggo na niyang pambabale-wala sa presensya ko, hindi ko pa rin maiwasang matunaw sa tingin at lalim na nakikita ko sa mga berde niyang mata.

"Who's Carlos? And you guys stop talking about vomit in front of our food?"

Hindi ko pinansin si Elisha at ganoon din si Trojan dahil nanatili lang sa mukha ko ang tingin nito at kung maging kasakiman man, sana habang-buhay na siyang nakatingin sa akin.

Mad Attraction (Mondragon Series #1) [Under Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon