Chapter 35 part 2

Start from the beginning
                                    





"Oo nga pala, isa iyan kung bakit kita pinuntahan muntik ko nang makalimutan." Sabay tampal ni Luisa sa noo. 




Walang kibong hinihintay ni Ellie ang sasabihin ng kayang ate. 




"May nangyari kagabi." Simula ni Luisa.




"Yes, I know. Naikuwento mo na sa akin ang tungkol dun but I still want to hear it from him." Parang may kumurot sa puso ni Ellie ng ma-alala ang nangyari kagabi. 




"Hindi ito tungkol dun. Isinugod kagabi sa hospital si Gabriel." 




"Huh? What happened?" Nagulat si Ellie sa narinig. 




"May bumaril sa kanya and until now it is under investigation kaya siguro hindi nakarating si Dale Rafael. Pero sabi ng kuya Ric mo stable na daw ang condition nito kaya huwag ka ng mag-alala." 




Nakahinga ng maluwag si Ellie. Napakabuti ng mag-asawang Monteverde sa kanya at talagang naramdaman niya na tanggap siya ng mga ito sa pamilya nila. "I'm sure busy na si Dale Rafael hindi na yun makakapunta rito." Nauuwaan niya na may dahilan ito kung bakit hindi nakarating kagabi. 




"So, what's your plan now?" Tanong ni Luisa sa kapatid. 




"Kailangan ko pa rin siyang makausap para malaman ko kung totoo ba yung tungkol sa kanila ni Martina." 




"Okay" Kibit balikat ni Luisa. "You still have few minutes, why don't you call him para makapag-usap na kayo. At nang mawala ang bigat sa dibdib mo bago tayo umalis." Sabay abot nito ng cordless phone sa kapatid. 




"Baka busy pa rin siya, I'll just send an e-mail para malaman niya rin na ngayon ang alis natin papuntang Australia." Mabilis na tumayo si Ellie mula sa pagkakaupo niya sa kama at inabot ang kanyang laptop. Nagsisimula na siyang mag-type ng biglang tumunog ang intercom sa kuwarto niya.




"I'll take it, tapusin mo na iyan." Mabilis na nilapitan ni Luisa ang kinalalagyan ng intercom. 




"Ano daw ang kailangan niya? Pinapasok ba siya ng mga guard?" Sunud-sunod na tanong ni Luisa sa katulong nila na nasa kabilang linya. 




Napalingon si Ellie sa kapatid, nadistract siya sa lakas ng boses nito. "Sino ang dumating ate?"  Ang buong akala niya ay si Dale Rafael ang tinutukoy ng kapatid. 




Tila walang narinig si Luisa, nagmamadali itong lumabas ng silid ni Ellie. 




"Nasaan siya?" Tanong ni Luisa sa katulong na kausap sa intercom. 




"Nasa balkonahe po ma'am." Magalang naman na tugon nito.




Wala ng salitang binitiwan si Luisa dali-dali niyang tinungo ang balkonahe. Naabutan niyang prenteng nakaupo si Martina. "What are you doing here?" Walang kangiti-ngiting bungad niya dito. 




"Si Ellie ang gusto kong makausap." Tuwid na sinalubong ni Martina ang mga titig ni Luisa. 




"Wala na kayong dapat pang pag-usapan ng kapatid ko, makikipag-usap lamang siya sa'yo kung nakaharap din si Dale Rafael." Naupo si Luisa sa tapat ng hindi inaasahang panauhin. 




"Gusto ko lang namang malaman kung natanggap niya ang video na inimail ko sa kanya kagabi. Alam mo na mahirap namang umasa pa siya." Puno ng kumpiyansang turan ni Martina, hindi nagtagumpay ang plano nila kay Dale Rafael kaya si Ellie ang binalingan nila.  




"Martina, makakaalis ka na hindi kami intresado sa mga sasabihin mo." Malumanay na sabi ni Luisa ngunit ang bawat salita ay may diin. 




"Siguro kapag nakita ninyo ang laman ng envelope na ito ay magiging intresado kayo." Inabot ni Martina kay Luisa ang brown envelope na hawak nito. "Kung gusto ninyong malaman kung totoo ang mga laman niyan alam mo naman kung paano ako makokontak." Nakangising turan ni Martina bago tinalikuran ang nakakunot noong si Luisa. 




Hindi namalayan ni Luisa ang paglapit ng kapatid. "Ate, anong ginagawa ni Martina dito?" 




"Don't mind her...gusto lang manggulo nun." Pasimpleng ikinubli ni Luisa ang envelope. 


_________________

A.N. 

Please don't forget to vote and leave your comments. 

Thank you


Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now