Chapter 33 part 1

Start from the beginning
                                    


"Siya nga pala si Arnulfo na ang nagprisinta na mag-aayos ng programa para mamayang gabi." Pagbibigay impormasyon ni Gabriel.




"Si Arnulfo Sontillano?" Hindi makapaniwalang turan ni Althea.




"Papa, bakit bigla- bigla naman yatang nagkaintres si tito Arnulfo na makialam sa company anniversary?" Hindi na rin napigilan ni Dale Rafael na hindi magkomento sa ibinalita ng ama.




Marahang umupo muna si Gabriel sa silya na nasa gitna ng teresa bago nagsalita. "Ano ba naman kayong mag-ina? Matagal na nating kaibigan ang mga Sontillano kahit na nagkaroon kayo ng hindi pagkakaunawaan ni Martina ay nanatili pa rin naman kaming magkaibigan ni Arnulfo. At isa pa nasabi ko sa kanya ang tungkol sa mga natatanggap nating pagbabanta kaya siguro naisipan niya na tulungan tayo."




"Gabriel, ano ka ba naman...pinag-usapan na natin na walang makakaalam nito hangga't hindi natatapos ang imbestigasyon." Tila naiiritang sita ni Althea sa asawa.




Nang maramdaman ni Dale Rafael na nagkakaroon ng tensiyon sa pagitan ng mga magulang ay pumagitna na siya. "Mama, nagmagandang loob lang si tito Arnulfo. Nag-aalala rin ang papa sa'yo kaya gusto niya lagi siyang nasa tabi mo, wala na siyang oras para asikasuhin pa ang ibang detalye para mamaya."




"Basta hindi ako pabor sa pangingialam ni Arnulfo. Di ba sina Gavin at Andrew ang naka-assign para diyan?" Nakasimangot pa rin si Althea. Kung tutuusin ay dapat matuwa siya dahil nagmamalasakit si Arnulfo ngunit hindi niya maipaliwanag kung bakit hindi siya komportable na ito ang mangangasiwa ng programa para mamayang gabi.




"May problemang inaasikaso si Andrew at kailangan nito ang tulong ni Gavin. Kaya busy ang dalawa mong anak. Sweetheart, you're worrying too much. Dapat ngayon nagpapahinga ka ang sabi ng doktor mo bawal kang mastress." Malambing na wika ni Gabriel.




Hindi pinansin ni Althea ang huling sinabi ng asawa. "May mga empleyado naman tayo para mag-asikaso. Nakakahiya naman kay Arnulfo dahil maaabala pa siya."




"Mama, hindi na natin dapat pinagtatalunan ang tungkol dito gusto lang naman makatulong nung tao hayaan na natin siya." Sansala ni Dale Rafael sa sasabihin pa sana ng ina.




"Bahala kayo." Kibit balikat ni Althea bago iniwanan ang mag-ama niya.




Samantalang sa opisina ni Arnulfo ay seryoso silang nag-uusap ng kanyang tiyuhin.



"Arnulfo, siguruhin mong maisasagawa mamaya ang mga plano natin. Tandaan mo kung ano ka ngayon ay utang na loob mo sa akin. " Mariing wika ni don Emmanuel. Ngayon pa lamang ay nakikita na niya ang tagumpay nila.




"Tito, sa akin ipinagkatiwala ni Gabriel ang programa para mamayang gabi kaya wala kang dapat ipag-alala." May kumpiyansang wika ni Arnulfo.




"May tiwala ako sa'yo kaya lang ang ampon mo ang puwedeng sumira ng mga plano natin."



"Tito, apo mo si Martina, kailan mo ba siya matatanggap?"




"Bullshit! Ikaw ang may kasalanan kung bakit buhay pa ang batang iyan!" Dumadagundong ang boses ng don sa opisina ni Arnulfo.




Hindi nagpatinag si Arnulfo sa kanyang tiyuhin. "Kung alam ko lang na hindi mo matatanggap si Martina, sana ibinaon na lamang naming mag-asawa ang lihim hanggang kamatayan."




"Talagang mangyayari ang bagay na iyan dahil hindi ako mangingiming patahimikin kayo kasama ang magaling mong ampon. Kaya sundin mo ang lahat ng ipinapagawa ko." Sabay duro nito kay Arnulfo.



Tanging buntong hininga na lamang ang naging tugon ni Arnulfo. Ilang dekada na ang lumipas ngunit hindi nito nabago ang kanyang tiyuhin at mamayang gabi ay makikiayon siya sa mga masasamang plano nito kay Dale Rafael.

_____________

A.N.

Guys sorrrryyy ang tagal ng UD...

Susubukan ko na makapag UD na everyday :D


Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now