Chapter 32 part 2

Start from the beginning
                                    




Ngunit sa halip na tumalikod si donya Marife ay umupo pa ito sa tabi ng apo. Ilang taon siyang binangungot gabi -gabi dahil inuusig siya ng konsensiya sa pananahimik niya. Alam niya ang lahat ng plano ng kanyang asawa ngunit wala siyang ginawa para maisalba ang apo at ang pinakamasakit bilang ina ay nang ang mismong anak ang lumayo sa kanila dahil nalaman nito ang ginawa nilang mag-asawa. Hanggang ngayon ay walang nakakaalam kung saang lupalop naroroon si Marco.




"Kailan mo ba titigilan ang mga Monteverde? Napakalaki ng naitulong nila sa muling pag-angat ng kabuhayan natin." Pilit na sinusubukan ni Marife na daanin sa mahinahon na pakiusap ang asawa.




Natawa ng pagak si don Emmanuel at tuwid na tinitigan ang asawa. "Sana pinaalala mo sa sarili mo iyan. Akala mo hindi ko alam kung ano ang itinanim mo noon sa murang pag-iisip ni Maargarette." Tukoy nito sa isang apo, ang pangalawang anak na babae ni Marian.




Huminga ng malalim si donya Marife. "I know it was my fault. Pero alam ko magiging maayos din sila ni Dale Andrew." Talagang mararamdaman sa boses ng matandang babae ang pagsisisi.




"Hindi ako makakapayag na mahaluan ng Monteverde ang pamilya ko!" Sabay pukpok nito sa mesa at matalim na tinitigan ang asawa.




"Ayaw mong mahaluan ng Monteverde ang pamilyang ito? Bakit pinagtutulakan mo si Martina kay Dale Rafael? Alam mo bang delikado ang kalagayan ng pagbubuntis ng asawa niya?" May halong pagkainis na ang boses ni donya Marife. Ipinangako niya sa sarili na hindi na muling mananahimik sa mga kasamaan ng asawa.




"Kaya nga ito ang pinakamagandang pagkakataon para maramdaman ng mayabang na Dale Rafael na iyan ang pagkatalo. Sisiguraduhin namin ni Martina na mawawala ang mag-ina niya."




Namutla si Martina sa narinig. Simula pa lamang ng plano nito ay tutol na siya ngunit dahil sa kagustuhan na matuwa sa kanya ang matanda ay pinagbigyan niya ang hiling nito na paghiwalayin sina Dale Rafael at Ellie. Ngunit sa katagalan ay lalong tumitindi ang pinapagawa nito sa kanya, mas nanaisin na lamang niya ang bumalik sa mga kinikilalang magulang kaysa maging isang kriminal.




"Bakit po ba galit na galit kayo kay Dale Rafael?" Lakas loob na tanong ni Martina. Ito ang matagal ng katanungan na gumugulo sa kanyang isipan.




"Emmanuel, huwag mong sabihin tungkol pa rin ito kina Marian at Gabriel? Utang na loob ang tagal na nun at pareho na silang may mga pamilya." Basag ni donya Marife sa pananahimik ng asawa.



"No, it's not about Gabriel it is about Dale Rafael. Dahil sa pagiging gahaman ng batang iyun ay ilan sa mga target client ko ang nakukuha niya. Gusto kong maramdaman niya ang mawalan ng importanteng bagay ngunit sa kondisyon niya ay nalaman ko na ang mag-ina niya ang pinakaimportante sa kanya ngayon." Walang kangiti-ngiting paliwanag ni don Emmanuel.




"Hindi ako makakapayag na idadamay mo si Martina sa kalokohang ito. Alam mo rin kung ano ang kaya kong gawin Emmanuel." May halo ng pagbabanta ang tinig ng donya.




"At ikaw naman Martina mag-impake ka ng mga gamit mo. Habang hindi pa natatauhan ang lolo mo umuwi ka muna kina Arnulfo." Tukoy nito sa pamangkin ng asawa na nakagisnang magulang ni Martina.



Nang tumalima si Martina ay napangiti si don Emmanuel. Mas magiging madali sa kanya na maisagawa ang mga plano. At mamayang gabi ang simula ng paniningil niya kay Dale Rafael.


____________________

A.N.

Sorry guys super tagal bago ako nakapag UD, medyo nabusy lang sa work :(

Please don't forget to vote and leave your comments :D

Thank you


Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now