Chapter 41: Hello, Canada.

53 1 0
                                    

"Okay ka na ba dyan?" tanong ng lalaking katabi ko.

"Hell yeah." yan na lamang ang nasabi ko sabay lagay ng earphone sa tenga ko, suot ng shades at sabay na pumikit.

Hindi ko alam kung bakit sa bawat linya ng mga kantang pinakikinggan ko e lubos akong nasasaktan.

Pagkatapos ng isang hindi makakalimutang gabi ng pakikipaghiwalay kay Xavier, ilang buwan nadin ang lumipas, ngayon ay papunta na kami sa Canada ni Aiden.

Oo, tuloy kami sa Canada. Kahit ayaw ko dahil nasa Pilipinas ang kasiyahan ko, ano bang magagawa ko? Wala na akong dahilan para manatili doon. Wala na.

Binasag ang katahimikan ko ng isang boses mula sa aking tagiliran, "Hindi ka ba nagugutom?" ani Aiden.

"Nah." matipid kong sagot.

"Sure baby?" tanong niya ulit.

Matama ko siyang tinitigan, may konting inis.

"Yes, Aiden." sagot ko ulit sabay balik sa pakikinig ng music.

Sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko, bumabalik sa ala ala ko ang matatamis na usapan namin ni Xavier.

Ang palitan ng 'I love you', yung hugs, yung kisses, pero wala e. Sabi nga nila, wala daw permanente sa mundo. Pagbabago lang ang nanatili sa tagal ng panahon.

Naisip ko lang, parang ang bilis ng lahat sa amin ni Xavier. Mabuti nalang at naihanda ko ang sarili sa ganitong bagay.

Sino ba naman ang gustong umalis, mangibang bansa para sa pangarap ng hindi kasama ang mahal mo? Wala naman siguro. E paano kung tuluyan na syang sumuko sa inyong dalawa? Tutal nakipaghiwalay nadin naman siya.

Hindi ko mahanap sa kahit na anong bahagi ng isip ko kung bakit biglang naging ganun nalang. Pero naisip ko din, siguro mas okay ng siya ang kumalas. Mas okay na siguro yun kesa ako, dahil sa kailangan kong umalis para sa pangarap ko.

Hanggang sa mga oras na 'to, puno padin ng tanong ang isip ko. Bakit parang ang hirap hirap? Bakit parang ang unfair lagi? Bakit parang ang hirap sumaya?

Matapos ang ilang oras na byahe, nakarating nadin kami sa wakas sa Canada.

Pagbaba palang ng eroplano, napabuntong hininga na agad ako. Napapikit ng madiin. Isang malaking shooting star ang bumagsak sa isip ko sa saglit kong pagpikit na iyon.

Nagtindigan ang balahibo ko ng habang naglalakad kami sa airport ay may yumakap sa akin mula sa likuran. Ang yakap na iyon..

Napahinto kami ni Aiden. Napahinto ako. Napaisip. Namimiss ko na ang lalaking gumagawa sa akin nito. Ang lalaking palagi kong niyayakap ng ganito. Ang lalaking may mapangakit na mata, matangos at nakabibighaning ilong, at higit sa lahat, lalaking may malalalim at kalat kalat na dimples sa gilid ng labi niya.

Lalong humigpit ang yakap ng lalaking hindi ko pa nililingon kung sino.

Napapikit ako ng madiin. Shit! Namimiss ko si Xavier.

Pagdilat ng mata, sabay kong nilingon ang lalaking nakayakap padin sa akin hanggang ngayon.

Matama nya akong tinitigan sa mata, "You look so different, Gab. I miss you."

Hindi ako nagkamali, ang lalaking ito ay si Harry.

Agad sumilip sakin ang parang tinusok niyang dimple sa kaliwang pisngi ng sinundan niya ang huling sinabi, "Ang ganda ganda mo na." aniya.

Uminit ang tenga ko, namula hanggang dibdib. Nahiya ata ako sa sinabing iyon ni Harry. Nakakapanibago talaga.

Ngumiti ako, "Wala kang pinagbago."

Nagsalubong ang makakapal niyang kilay na may patulis sa dulo. Sa lahat, ito ang hindi ko makakalimutan kay Harry. Ang perpekto niyang features na lalo pang pinaperpekto ng makapal na kilay, matangos na ilong at maninipis na labi, simula palang noon. Noong una kaming magkakilala.

Nag slightly pout ang loko, "Hindi manlang ba ako gumwapo?" aniya.

Natawa ako, sinadya kong tumawa sa paraang maaalis ako sa yakap niya. Masyado ng natutuwa si Aiden na tingnan kami.

"Binobola mo nanaman sarili mo." untag ko.

Natawa kaming tatlo, nakitawa din kasi si Aiden.

"You know me, Gab." sabay halakhak ulit.

Matapos ay nagbatian nadin sila ni Aiden. Wala na akong ibang nakita maliban kay Harry. Siya lang siguro ang susundo sa amin.

Habang naglalakad, kinuha niya ang hila hila kong maleta. Bumilis ang pintig ng puso ko ng magtama ang kamay namin. Hindi ko alam kung sinadya niya ba iyon. Ang init ng palad niya.

Ngumiti siya. Shit, yung dimple niya!

"Ako na." sabay hawi gamit ang kabilang kamay sa buhok niya.

Pagkatapos ay agad niyang inilagay sa aking tenga ang naka kawalang buhok na tumabon sa aking mukha.

Namula ako. Naramdaman ko kasing uminit ang pisngi ko. Nakakahiya.

Habang nasa byahe, nasa front seat kami ni Harry. Siya kasi ang nagdadrive ng kotse. Si Aiden naman ay tulog sa likuran.

Sumilip ako sa bintana, natanawan ko ang malinis na kalye. Wala pang gaanong tao dahil umagang umaga pa. 2am ata? Hindi ako sure. Hindi ko pa nachecheck ang phone ko kanina pa.

Suminghap ako. Ang lamig. Ibang iba sa temperatura ng Pilipinas.

Nilakasan ko pa ang volume ng tugtog sa ipod ko. Ewan ko ba, bakit hanggang ngayon hindi maalis sa isip ko si Xavier.

Sa lahat ng bagay na nakikita ko, lagi ko siyang naaalala. Laging may kung ano sa akin ang nagpapaalala sa kanya.

Dahil sa sobrang pagiisip, hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako. Hanggang sa panaginip ko, hindi ako pinatatahimik ng mga ala ala namin ni Xavier.

Kailangan pa bang ipamukha sa akin na namimiss ko na siya? Na nasa Canada ako pero naiwan sa Pilipinas ang puso ko? Ang sakit.

Sa kalagitnaan ng tulog ko, naramdaman kong may humalik sa ulo ko. Hindi ko alam kung panaginip ba iyon. Pero parang hindi. Parang totoo. Parang naramdaman ko talaga.

Dahil sa pagod lalo pang humimbing ang tulog ko.

Nagising nalang ako dahil sa sobrang sakit ng ulo.

"Shit! Urgh." pagbaba ko ng sasakyan hindi ko na natiis ang sobrang sakit ng ulo.

Sinalubong naman kami ni Mommy at ni Dexter.

"Welcome back baby." ani Dex saka hinawakan at mariing hinalikan ako sa noo.

Ngumisi ako ng matabang, "Thanks, Dex."

Humalik din ako kay mommy. Dinig na dinig ko ang tawanan ni Harry at ng dalawa kong kapatid. Namiss nila ang isa't isa uh?

"Where's dad?" tanong ko sa lahat.

Walang kumibo. Busy sila sa pagpasok ng mga gamit at pagkakamustahan.

Dumeretcho ako sa kitchen para uminom. Muntik ko ng maiduwa ang gatas na iniinom ng may humawak sa balikat ko.

Ibinaling ko ang tingin sa kanya, "Harry?"

"Jetlag?" aniya ng may ngisi sa mukha.

"Yah." untag ko pabalik.

Umupo siya sa upuan sa tabi ko, "Namiss ko talaga yang mga ngiti mo."

Hindi ako nakasagot. Pinagpatuloy ko ang paginom ng gatas.

Lumingon siya sa akin. Nailang ako ng kaunti, naginit ang aking tenga.

"Ilang taon ka mag stay dito?" aniya.

Bumuntong hininga ako, "Hindi ko pa alam."

Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ko, pakiramdam ko may kirot.

Naiinis ako dahil hanggang ngayon, namimiss ko padin si Xavier.

Namimiss ko si Colline. Namimiss ko ang lahat sa Pinas.

Kararating ko lang dito pero gusto ko na kaagad bumalik doon.

Nandoon ang buhay ko, bakit ba ako nandito?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now