Chapter25: Broken

47 5 0
                                    

"Wala siyang kasalanan." untag ni Colline.

Pakiramdam ko kanina pa kami nagtatalo kahit ang totoo ay kakaumpisa palang nito. Kakatapos ko lang ikwento sa kanya ang lahat ng nangyari. Nandito kami ngayon sa isang mall malapit sa campus. Maagang natapos ang klase namin.

"Wala siyang kasalanan Gabby." paguulit niya na napapailing pa habang hinihigop ang coke niya.

Yumuko ako at nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga.

"You created your own idea about him. Hindi niya iniutos sayo na isipin mong mabait siya. Besides naging harsh pa nga siya sayo hindi ba?" aniya na nakatingin sa malayo.

Naikwento ko na sa kanya ang lahat. Oo tama, ang lahat. Pati narin ang unang halik, ang lahat lahat.

Hindi ko maintindihan, naguguluhan padin ako. Ayoko ng isipin pero pakiramdam ko kusa itong pumapasok sa isip ko. Nag si-sink in, ayaw na mabura.

Naranasan niyo na ba? Hindi siguro eksakto ng nararanasan ko pero naranasan niyo na ba na mareject ng paulit ulit. Magkagusto sa lalaking suplado at masungit. Magkagusto sa taong iba ang gusto.

Naranasan niyo na bang bigyan ng kahulugan ang kahit na pinakamaliit na bagay na nagagawa niya para sayo? Yung tipong parang isang tanong lang, kahit hindi tungkol sayo pakiramdam mo, espesyal ka na sa kanya. Pakiramdam mo, lahat ng ginagawa niyang magaganda, pagpapaimpress sayo.

Naranasan niyo na bang ipagpilitan ang sarili? Sa lalaking hindi mo mabasa ang ugali. Masarap kausap pero madalas, nasasaktan ka lang. Masarap kausap pero madalas, parang wala ka lang.

Nahihirapan kang timbangin kung ano ang mas mabigat. Kung ano ang mas higit. Ang pagmamahal o ang sakit? Ang pagmamahal dahil kahit na anong pambabalewala niya sayo, patuloy mo padin siyang hinahanggan at minamahal. Sakit dahil, nasasabi mo na sa sarili mong "Tanga ba 'ko?" dahil kahit na maraming iba dyan, ikaw ang pinili kong mahalin. Ikaw ang ginusto ng puso ko. Ikaw ang pinakamaswerte.

Kung may pagkakataon lang sana akong pumili ng mamahalin. Kung may pagkakataon lang sana para turuan ang puso ko, ginawa ko na. Gusto kong magsisi na inamin kong gusto kita. Gusto kong isipin na, kalokohan lang ang nararamdaman ko. Gusto kong isipin na, back off hindi niya deserve ang pagmamahal mo.

Pero bakit sa tuwing gagawin kong magsisi, hindi ko kaya? Gusto kong isumbat sayo na, "Tangina mahal kita. Pwede bang mahalin mo nalang din ako pabalik para fair? Mahal kasi kita e. Hayaan mo naman akong mahalin ka, at mahalin mo naman ako kahit pakunwari lang."

Ang dami mong gustong isumbat pero wala ka sa tamang posisyon para gawin iyon. Gusto ko siyang sumbatan dahil, bakit siya ang ginugusto ko? Bakit kapag nababalewala ang feelings ko pakiramdam ko, hindi niya pa ako hinahawakan ay bumibitaw na siya sa mga kapit ko.

Bakit pakiramdam ko kahit na anong pagsusungit niya, pambabalewala, pangmamaliit, pangrereject at kung ano ano pa ay siya padin?

Bakit ba kasi pakiramdam ko, kahit na papiliin ako sa sampu, sa sampung matitinong lalaki, ikaw padin ang pipiliin ko? Bakit ba kasi pakiramdam ko ikaw ang gusto ko kahit parang bawal at madaming humahadlang?

Naranasan at naramdaman niyo na ba? Kasi ako, OO.

Madalas, palagi, at nangyayari sakin ito sa iisang tao. Bakit kahit hindi mo tanggapin ang pagmamahal ko, sayo padin ako? Bakit pakiramdam ko, itinadhana kang mahalin ng puso ko.

Bakit pakiramdam ko, walang nararapat saking iba kundi ikaw?

Ganito ba kapag nagmamahal? Pakiramdam mo, lahat ng bagay tumatakbo sa salungat na pamamaraan. Gusto mong tumakbo ang lahat ng bagay sa paraan kung paano mo ginugusto.

Tadhana ba ang tawag dito? Kasi kung OO, bakit tila napaka BOBO?

Gusto kong siya ang ilaan mo sakin. Gusto ko siya at wala ng iba. Kahit na anong rejection. Kahit na anong sakit ng pagpapaasa o pagasa. Basta sana sa ending, kaming dalawa. Hindi ba?

"Gabby.." nabasag ang tinig ni Colline.

Naramdaman ko nalang ang mabilis na pagtakas ng luha mula sa mga mata ko. Kanan, kaliwa, kanan, kaliwa. Mabilis na mabilis. Parang karera. Akala ko ulan, luha pala.

Tinatapik tapik ni Colline ang balikat ko, "Kahit na tanga ka, mahal padin naman kita." aniya.

Napangiti ako kahit alam kong pulang pula na ang ilong ko at magang maga na ang mata ko kakaiyak.

Nakaupo kami ngayon sa kama sa loob ng kwarto ko. Dito daw matutulog si Colline dahil wala kaming pasok bukas.

"Gaga ka talaga." sabay siko sa tatawa tawang si Colline.

Ngumisi pa siya lalo, "Ang sarap mong magmahal no? Totoo. Parang hindi pinagiisipan kung hindi mo titingnan ang logic. Parang pangbata. Ang corny. Pero kung sisiyasatin mo? Malalim. Nakakapangilabot ang pagkatotoo. Hindi ko alam kung kaya kong mag mahal sa paraan kung paano ka nagmamahal ngayon."

Hindi ako makahinga sa sinabi ni Colline. Pakiramdam ko, mauubusan ako ng hininga. Pakiramdam ko may anghel na dumaan, pakiramdam ko isang anghel ang kausap ko. Napagagaan niya ang sobrang bigat kong loob.

"Kahit gago ka? Gago ka kaya. Gago ka sa pagmamahal. Bilib ako sayo." ngumiti siya ng malawak sa akin, "Hindi ko lubos maisip na lalaki ka ng ganyan Gabby. Matapang, palaban sa pagibig." aniya.

Kumunot ang noo ko at nabalot ako ng pagtataka, "Nangiinsulto ka talaga ano?" tanong ko.

"Gago ka talaga. Hindi ano! Sinasabi kong matapang ka dahil kinakaya mong magtiis, makapagmahal ka lang. Unrequited love siguro ang iniisip mo sa inyo ni Xavier, pero sa tingin ko hindi. Buti ka pa. Kasi ako.." ngumisi siya ng matabang, "Baka hindi ko kaya yan Gab. Mahina ang loob ko. Number 1 fan ako ni Aiden pero hindi ko alam kung paano magmahal kagaya mo."

Nakita kong kumislap ng parang brilyante ang mga luhang tumatakas sa mata ni Colline ng sabihin niya ang lahat ng iyon. Hindi ako makapaniwala. Ito na ata ang pinakaseryosong usapan na nagawa namin ni Colline sa tana ng mga buhay namin.

Nakangisi siya habang binabagtas ng mga luha ang mga mata.

"Bilib din naman ako sayo. Nagawa mong magtagal sa paghanga kay Aiden sa kabila ng lahat." tinapik tapik ko ang balikat niya.

"Nasayo tayo! Wala sakin, sasampalin ko ng chinelas yang mukha mo." aniya na naging dahilan para matawa ako. "Punasan mo na ang luha mo, gaga ang panget mo." aniya.

Tawa ako ng tawa sa sinabi niya. Natuyo na pala ang luha na noo'y dumadaloy sa pisngi ko. Napalitan ng ngiti, hindi ganoon ka genuine pero atleast, nagawang ngumiti.

Yung labas ang ngipin. Yung hindi ganoon ka sincere pero alam mong masaya. Lubos ang pasasalamat ko na, nakatagpo ako ng bestfriend na kagaya ni Colline. Wala na atang ibang Colline Grace Manansala sa mundong ito.

Sabi kasi nila, kapag daw malungkot ka at nasasaktan ang puso mo, ang kaya lang gumamot nito ay ang mismong dahilan ng sugat.

Tama sila pero, naiibsan ng kaunti. Nababawasan. Pakiramdam ko isang alcohol at betadine si Colline sa pagkakataong ito na pilit isinasara ang mga sugat na binuksan ni Xavier.

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now