Chapter11: Ayoko kasi ng ganyan ka

47 5 0
                                    

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, nakaramdam ako ng guilt. Alam kong may problema siya. Hindi ko sinasadya. Parang nakaluwag ang puso ko ng masabi ko ang sakit na nararamdaman ko. Unti unti ko na palang natanggal ang pagkakakuyom ng kamay ko. Parang may kung anong dumaloy sa katawan ko pagtapos ng lahat.

Idinantay ko nalang ang mukha ko sa balikat ni Colline na ngayon ay nakayakap sakin. At nabigla naman ako ng biglang lumabas si Xavier ng room. Marahil ay wala akong alam sa pinagdadaan niya. Kaya nga ako nandito, gusto kong alamin. Gusto kong mapalapit sa kanya. Pero paano kung hindi niya lang ako basta ipinagtatabuyan? Gumagawa din siya ng paraan para mas lalo akong lumayo. Hindi naman ako matitinag ng pagtaboy niya sakin e. Alam kong kailangan nya ng someone. Alam kong kailangan niya ng makakaintindi sa kanya.

Pinunasan ko ang luha at since natapos ng maaga ang klase, nagpaalam na ako kay Colline.

"Colline, Im sorry but I have to go." wika ko.

Humarap siya sakin para makasagot at nagpunas nadin ng luha, "Are you sure darling?" aniya.

Ngumiti ako ng pagkatabang tabang, "Yes. I can."

Tumango nalang si Colline at hinayaan na akong lumabas. Hindi ko napansin na kaunti nalang din pala ang natira sa room. Lumabas ako para sundan ang nagwalk out na si Xavier. Pakiramdam ko ang laki laki ng kasalanan ko sa kanya. Hindi ko alam kung sino bang dapat kong sisihin. Nakakasakit lang naman kasi. Hindi ko alam kung kanino o saan ko ba dapat ilabas ang galit ko kaya ko yun nasabi.

Paglabas ko, agad akong nagpalinga linga para hanapin kung saan nagpunta si Xavier. Hindi ko na siya nakita kaya agad akong naglakad lakad para hanapin siya.

Sa paglakad ko, baon ko ang kaba. Kaba na baka hindi pa ako kumikilos para sa kanya e, mareject na agad ako. Baka hindi pa ako kumikilos e mawalan na agad ako ng tyansang tumulong. Napabuntong hininga ako at pilit nilalakasan ang loob ko. Ilang minuto nalang pala ay kailangan ko ng pumasok sa susunod kong klase. Gusto kong hanapin si Xavier pero.. hindi ko alam pano. Baka mamaya nalang siguro pagkatapos ng natitira ko pang klase.

Napagisip isip kong magpapalate nalang ako ng kahit na limang minuto para makita siya. Nagpunta ako ng gym, wala siya. Nagpunta ako ng school canteen, wala siya. Sa benches, wala siya. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin. At ng tumingin ako sa wrist watch ko, late na ako ng 7mins.

Napailing iling nalang ako at napabuntong hininga ng isang mabigat. Napapaisip ako kung paano ako makakapagsorry kay Xavier. Dala dala ko kasi yung guilt e. Hays.

Naglakad nalang ako papunta sa susunod kong klase. Kung pwede sanang hindi nalang 'to pasukan, hindi na sana ako papasok e. Kaso hindi pwede, ngayon ata ididiscuss kung anong gagawin sa ipapasang projects. Hayyy buhay.

Hanggang sa makarating ako sa susunod kong klase, tuliro padin ako. Araw araw nalang ba akong papasok ng ganito? Sayang naman yung ginawa kong kanta. Sayang naman na dahil sakin hindi nakapagperform si Xavier nung ginawa niya. Naguguluhan na talaga ako kung anong dapat kong gawin. Haaay.

Natapos pa ang apat kong klase, ilang text narin ni Colline ang pumapasok sa cellphone ko pero wala akong ganang replyan siya. Baka mamaya nalang siguro. Mabuti nalang talaga at kasama ko siya. Napapawi kahit papano ang bigat na nararamdaman ko.

Unti unti nakong nawawalan ng pagasa habang lumilipas ang oras na hindi ko nakikita si Xavier. Gusto ko pa syang hanapin pero napapagod na ang utak ko. Hindi ko na alam kung san bako dapat magumpisa. Gusto ko munang mabawasan ng kahit konti tong nararamdaman ko. Gusto ko kahit konti lang, gusto ko munang mapagisa.

Itinext ako ni manong na siya daw ang susundo sakin dahil may pupuntahan si kuya kit. Sa lahat ng narereceive kong text, siya lang ang nireplyan ko. Sinabi kong magtetext nalang ako kapag magpapasundo na ako. Kailangan ko munang magpalipas ng nararamdaman.

Lumakad ako at pumunta sa favorite kong Cafeteria. Umupo ako at hindi muna umorder. Wala din naman ata sa isip kong umorder. Wala. Basta gusto ko lang palipasin kung ano man tong dinadala ko.

Ilang minuto pa lang ang lumilipas, dahil sa naguguluhan ako, nagpalinga-linga ako sumandali. Para naman akong nagising sa katauhan ko ng naaninag ko si Xavier, sa labas ng Cafeteria kung nasaan ako. Sa loob kasi ako umupo. Pakiramdam ko mas payapa. Walang usok. Less ingay.

Napalunok ako ng makita ko siya. Lalapitan ko ba o ano? Hindi ko alam. Nakita ko syang malalim ang iniisip. Sabagay, past few days lagi naman siyang ganito. Pero this time, parang mas iba.

Naglakas loob ako. Huminga ako ng isang malalim at tumayo, handa na akong harapin ang takot ko. Kung takot akong magisa, mas takot akong magpatalo lang ng basta basta sa 'takot' ko.

Humakbang na ako palabas ng Cafeteria para lapitan siya, ng nakita ko siyang tumayo at nagsindi ng sigarilyong naggaling sa bulsa niya. Nanliit ang mata ko at tinitigan ko siyang mabuti. Hindi ko ata siya kayang makita na harap harapang naninigarilyo. May kung anong kumirot sa puso ko.

Binilisan ko ang paglakad para lumabas. Parang biglang nawala ang kaba ko. Paalis na sana siya ng hinila ko ang braso niya.

"Ano bang ginagawa mo sa sarili mo?" untag ko na bumasag naman sa kaseryosohan ng mukha niya.

Halatang nagulat siya sa ginawa ko at nanlaki ang mata niya sabay buga ng usok galing sa sininghap na sigarilyo. Hindi siya kumibo, umiling iling lang siya at naglakad paalis. Dahil dun, natanggal ang pagkakakapit ko sa kamay niya.

Hinabol ko siya at muling hinawakan sa braso, tinabig ko ito para mapaharap sakin. Kinuha ko ang sigarilyo sa kamay niya at hinagis sa sahig sabay tinapakan at dahil dun, napaso ako. Masakit, pero wala na muna akong pakielam dun. Kailangan ko siyang tulungan kahit pa sa pinakamahirap na paraan.

Kumunot ang noo niya, "Alam mo ba kung anong ginagawa mo? Tss!" untag niya.

Seryoso ko siyang tinitigan sa mga mata niyang may pagmamakaawa, "Tinutulungan ka."

Nanliit ang mata niya, "Anong sabi mo? Tinutulungan kamo?" ngumisi siya at tumawa sa sarkastikong tono.

"Ikaw? ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo? Winawaldas ang buhay mo?!" wika ko sa tonong nagtataas na ng boses.

Tinalikuran niya ako at nanatiling mainit ang usapan naming dalawa.

"Ano bang pakielam mo?" aniya sa seryosong tono na nakapag payanig naman sa pagkatao ko.

Ano nga bang pakielam ko? Bakit ba ako ganito kadisperadong tulungan siya? Dahil lang ba talaga sa naniniwala akong hindi siya badboy? O dahil may iba pang dahilan?

A/N: Tugdugtugdug. Yung puso ni Gabrielle! Tumitibok na nga ba talaga? Abangaaaaan~

Follow me. Read. Vote and please Spread. :)

Suddenly, Everything Has ChangedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora