Chapter13: Ayokong mapahamak ka

40 4 0
                                    

Binale wala ko ang sinabi niya dahil obviously, hindi ko naman talaga siya naintindihan. Dire-diretcho lang kami sa paglakad, hindi ko alam kung saan ang paniguradong destinasyon pero isa lang ang alam ko, kasama ng paglalakad namin ay ang pagsampal sa mga tao na hindi siya masama. Na mabuti siya, hindi palagi kundi madalas.

Habang naglalakad kami hindi na ako makakibo sa sobrang saya. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, basta masaya.

"Sumabay ka sakin ng paglakad." basag niyang muli sa nananalaytay na katahimikan.

"HA?" pagtataka ko.

"Wag kang magpahuli ng lakad. Madaming loko dito." wika niya.

Napalunok nalang ako at medyo kinabahan na. Medyo madilim nadin pala. At ng tingnan ko ang wrist watch ko, 6:30 na pala. Maaga kasi akong nakalabas kanina. Keri pa naman siguro.

"ANO?! KILOS!" galit niyang sabi habang nakalingon sakin. "Walang sinasanto ang mga tao dito, kahit pangit." wika niya.

Nadurog naman ako sa sinabi ng isang 'to. Ganun na ba talaga ako kapangit? Napahawak akong bigla sa mukha ko. Mukhang pausbong nanaman ata ang isang tigyawat sa noo. Naalis lang ako sa Canada, balik nanaman ang mga pimples ko. Pambihirang buhay.

Dahil sa sinabi niya at dahil nadin sa natakot ako, dumikit na ako sa kanya. Para kaming couple na namamasyal sa daan. Nakakawala ng stress. Nakakalimutan ko na ata talaga kung anong misyon ko dito.

"Dyan ka lang. Wag kang magsasalita." utos niya.

Aba feeling boss! Dahil sa sinabi niya, nagsalita ako.

"Sino ka para sundin ko?" pangaasar ko.

Napalingon naman siya sakin at nanliit ang mga mata, chinito na nga naggaganito pa. Wala nakong nakita sa kanya!

"HMM!" panggigigil niya.

Ang qt naman niya maasar. Kung ganito talaga siya mangasar? Sige bibwisitin ko nalang siya. Habang ako, ngiting ngiti at nililibot ng mga mata ang nangyayari sa paligid, nagulat ako ng bigla siyang huminto. Napatingin naman ako bigla sa kanya,

"BAKIT?!" utas ko.

Napailing iling siya at napadako nalang bigla ang palad sa noo. Napatingin naman ako sa tinitingnan niya. Nanlaki ang mata ko ng makita ang batalyon ng lalaki na nakaharang sa dadaanan namin. Oh-ow! Mukhang disgrasya ata to.

Hindi kami gumagalaw sa kinatatayuan namin ng biglang magsalita ang isa sa mga lalaking nasa daanan namin.

"Bagong salta? Ha-ha." tumawa siya sa isang sarkastikong pamamaraan.

Agad naman kaming nilapitan ng iba at naramdaman kong binitawan ni Xavier ang kamay ko,

"Mag tago ka. Bilisan mo!!!!" atas niya sa tonong may gigil.

Kinabahan akong bigla. Mukhang mapapatrouble ata kami ah? Nanginig na ang buo kong sistema at nagumpisa na akong magpanic.

"Magtago ka na dalian mo!!" sigaw niya sa tapat ng mukha ko.

Narinig kong nagpatunog ng buto sa kamay ang isa sa mga lalaki.

Mukhang inugat na ata ako sa kinatatayuan ko.

"P-pa pano ka?" nauutal kong sabi.

"Kaya ko ang sarili ko! Ano pang hinihintay mo? TAKBO NA!" sigaw niya ulit sabay turo sa isang bahagi ng daanan na may ilaw.

Dahil sa takot sa kanya, napatakbo nalang ako kaagad. Nakita ko namang agad agad na silang nagsagupaan ng mga lalaking yun. Juice ko po! Marami sila. Hindi ko ata kayang makita kapag nagkalasog lasog ang isang 'to. Napapalunok nalang ako habang tinititigan siyang nakikipag away. Mukhang napupuruhan na siya sa dami ng mga 'to. Agad na akong nag eskandalo para makahingi ng tulong.

"TULONG! TULONG! TULUNGAN NIYO PO KAMI ANG KAIBIGAN KO! JUSKO!" umaalingawngaw kong sigaw.

Nakita ko ng may dugo sa bibig ni Xavier, hindi ko na kinaya kaya mas lalo pa akong nagsisisigaw. Nangangatog ako sa takot. Pinagpapawisan ako ng sobrang dami.

"TULONG DIYOS KO! NAGMAMAKAAWA PO AKO SA INYO." agad kong nilapitan ang mga lalaking nakita kong naglalakad at sa hindi kalayuan ay ang mga rumoronda namang tanod.

"Yung kaibigan ko po tulungan nyo diyos ko. Nagmamakaawa po ako." pakiusap ko sa mga lalaki.

Dahilan ng malakas kong pagsigaw ay nakuha ko ang atensyon ng lahat at agad na naming nilapitan sila Xavier. Dumudugo na ang labi niya. Agad namang napatigil ang mga lalaki ng nakitang palapit na ako kasama ang grupo ng matitinong lalaki at ng tanod.

Agad naman nilang pinituhan ang mga nakakasagupa ni Xavier. Nadurog ang puso ko ng makita kong pabagsak na ng sahig si Xavier kaya agad akong tumakbo para saluhin siya. Dahil mabilis at hindi ko na malaman ang gagawin ko ay nasalo ko ang pagkakabagsak niya. Malakas at halos masaladsad na ang hita ko sa sahig.

Dinampot na ng mga tanod ang mga lalaking lasing pala at kami? Naiwan kami ni Xavier na nasa gitna ng kalsada, agad nangilid ang luha ko ng titigan ko siya habang duguan. Pumutok na ang labi niya at madami ng pasa sa mukha.

"Okay ka lang ba? Kaya mo ba? Ano? Saan masakit?" pagaalala ko dahil pakiramdam ko nadurog na ata ang mukha ng anghel na 'to.

Medyo mabigat din siya at dahil nga sa sakit na iniinda, hindi agad siya nakasagot.

"O-okay l-lang ako. Badboy ata 'to." aniya na ngumisi pa.

Napakunot ang noo ko, "Tsk! Ito naman e. Nakakainis ka. Bakit ka pa kasi nakipag away? Dapat tumakbo nalang tayo!" wika ko ng naiinis.

"Kung tumakbo ako baka napahamak ka pa." wika niya na nakapagpalambot naman sa puso ko. Parang naghuhuramentado ang puso ko.

Hawak hawak ko ang kamay niya at agad nadin kaming nilapitan ng mga lalaking matitino ng maisakay na sa sasakyan ng tanod ang mga lasing na yun.

"Ano? Pano saan natin siya dadalhin?" wika ng isang lalaki.

"Sa pinakamalapit na ospit-" pinutol niya agad ang sinasabi ko.

"Sa bahay nalang ho." aniya

Napailing iling ako at nagtama ang aming mga mata. Parang kinukuryente ang puso ko. Kumabog ito ng mabilis. Pakiramdam ko, lilipad na ako sa kilig anytime.

"Sure ka? Hindi mo kaya!" untag ko.

Hindi nawala ang titigan naming dalawa.

Ngumisi siya, "Kaya ko." aniya.

Wala na akong nagawa kundi pumayag. Agad naman kaming tinulungang tumayo ng mga lalaki at inarkila ng isang tricycle.

Pumasok kami ng dali dali sa loob, kinausap na ng mga lalaki ang driver at agad niya itong pinaandar. Pagpasok namin sa loob, isinandal ko ang ulo niya sa balikat ko. Mabuti nalang at malaki laki itong tricycle na nasakyan namin.

Pumikit ako at napalunok,tinitigan ko ang mukha niyang ngayon ay nakasandal sa balikat ko. "Bakit ka pa kasi lumaban? Nakakainis ka naman e. Ayan tuloy. Imbis na paso lang ang gagamutin, pati pa yang mukha mo! Tanga mo naman e."

Ngumisi siya, "Shhhh."

Tinakpan niya ng daliri ang bibig ko. Nakapikit lang siya at nakangisi pa.

"Tanga ba ako kung kapakanan mo ang iniisip ko? Ayokong mapahamak ka." wika niya.

May kung anong lakas ang dumaloy sa katawan ko. Agad akong napangiti sa sinabi niya. Parang gusto ko na atang sumigaw sa sobrang saya. Ang saya saya ng puso ko. Ang saya saya ko. Hindi ko lang basta napatunayan na mabuti siya, naranasan ko pa.


A/N: Kileg kileg. HAHAHA! Kinikilig na si Gabrielle nako. Iba na yan!

Follow me. Read. Vote and please Spread. ✘✘

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now