Chapter2: Why so Misteryoso?

77 6 0
                                    

Natapos ang ilan kong klase at tinext ko si Colline para ayaing kumain sa labas.

Ako:
"Cols. Free time mo?"

Nagreply naman sya kaagad.

Siya:
"Yes bestfriend. Why? Nasan ka nga pala?"

Ako:
"Dito sa bench. Baba ka dito. Kain tayo."

Mabuti nalang at free time din ni Colline at may kasama akong kumain.

Ilang minuto lang ang hinintay ko at, bago pa makarating sa bench si Colline ay dumaan si Aiden na naka Jersey sa harap ko.

May laban ata sila mamaya. Training muna siguro sa gym.

"Hey Gab! Naghahanap daw ng Singer at the same time ay song writer si Dexter.. Nagleave kasi si Stan." aniya sa malumanay na boses.

Tinginan ko naman si kuya, "Uhhh.. Okay? Anong gagawin ko sa ngayon?" sabi ko sa tonong nagtataka.

"If you know someone who have the talent, then tell Dex about it okay?" sabi nya sabay taas ng kilay. "Una nako."

Tumango nalang ako at nag pahabol pa sya ng bilin.

"Take care Gab!" aniya sabay ngisi.

Ngumiti nalang ako habang papalayo si Aiden ay it's a wow ng makita kong halos lahat ng babae halos mangisay sa kilig ng dumaan sya.

Hindi na nakakapanibago pero.. Ayan, kinikilig sila at halos maihi na.

"Gab! si Aiden ba yon?" sigaw ni Colline na ikinagulat ko naman.

"Nakakabigla ka naman! Yes. Its Aiden." sabi ko sabay smile at alalay sa kanya pababa ng hagdan.

Nakakamiss din ang babaeng 'to. 2 years din kasi ako sa Canada at dahil dun madalang kaming makapagusap.

Pero over all? Walang pinagbago si Colline. Maayos padin sya sa sarili. Kulot ang laylayan ng buhok at palaayos. Ewan ko ba kung bakit nililigawan naman sya ni Dexter dati pero si Aiden talaga ang gusto nya.

"HAY.. ANG GWAPO PADIN NYA." sabay nyang kinurap kurap ang mga mata nya. "Btw, ang simple mo padin girl. Pati pananamit mo. Boyish padin." aniya sabay tingin sa damit ko.

"Hayaan mo na.. Wala akong oras para mag ayos ng mag ayos okay?" paliwanag ko sa kanya ng nakita ko namang hindi sya sakin nakatingin.. "Huy! Colline.. Hello?" sabay kaway sa harapan ng mata nya.

Pinagtatapik naman nya ang kamay ko, "Gi-gi-girl! Oh em gee. Si Xavier!! Nakatingin sya sayo!" aniya habang tinititigan ang..

Ang lalaking antipatiko nayun! Pero wait? Oo nga.. Ako ba? Ako ba ang tinititigan nya? Pero bakit sya ganyan tumitig?

Ang seryoso ng tingin nya habang kuma.. Kumakanta? Kumakanta nga sya. O.o

"Te-teka nga Colline. Sakin ba talaga sya nakatingin?" sabi ko sabay pakalma sa nagwawalang si Colline.

Kilig na kilig padin sya ng sabihing, "Oo girl! May iba pa ba? Emeged!" napapapadyak pa ang loka.

Kinilabutan ako ng makita kong kilig na kilig ang mga babaeng nakapalibot at nakatitig sa pagbuka ng bibig nung antipatiko na yun. Xavier pala ang pangalan nya. My goodness. Bagay sa kanya.

Ang galaw ng labi nya.. Napaka magical. Kahit na ang misteryoso nya talaga para sakin, ang gwapo gwapo padin nya.

Natanggal na ang mga tingin nya sakin dahil sa pagyuko at pagyugyog ko kay Colline-ng mamamatay na sa kilig.

At ng muli ko syang tiningnan.

Hindi ko alam kung tama ako pero.. Nabasa ko ang buka ng bibig nya. Isang R 'n B ang kinakanta nya.

Kahit hindi na ganoon kalayo, hindi ko masyadong marinig ang boses nya dulot ng tilian ng mga babae sa paligid nya. Nakakaloka. Buti nalang hindi sya nilalapastangan ng mga babaeng halos maglaway na sa harap nya.

Napakagat labi nalang ako habang pilit kong ninanamnam sa mata ko ang galaw ng mga labi nya kasama nadin ang tilian ng mga babae doon. Parang may rally sa ingay.

"Sya si Xavier Drake Madrigal." narinig ko ang boses ni Serena mula sa likuran kaya napalingon kami ni Colline. "Ang hot nya no? Magaling syang kumanta at mag sketch. Pinagkakaguluhan sya samin. Basketball player din sya. Kaso.. BADBOY." wika ni Serena na nakapagpahinto ng ikot ng mundo ko. He almost have it all. Pero mukhang may isang failed.

BADBOY ANG ISANG TO?! Ang lalaking may malaanghel na mukha. May mala adonis na pangangatawan. Deym! Bas..ket..Ball player? Parang si Dexter at si Aiden pala.

Napanganga nalang ako sa mga sinabi ni Serena at nawala sa ulirat.

"P-pano.. p-panong badboy Serena?" pagkakautal utal ko.

Nagkibit balikat sya "Simple lang.. Naninigarilyo.. Nagiinom.. Nakikipagaway." aniya sa boses na wari'y may mas malalim na kahulugan.

Napalunok nalang ako sa mga malaman ko. Magkakilala pala sila ni Serena.

"Nagrerebelde sya dahil ata sa natigil sya ng isang taon sa pagaaral. Mabait syang tao sobra. Magaling pa tumugtog ng gitara. May nangyari kasing magulo sa pamilya nya. Kaya dapat 3rd year college na sya ngayon. Hindi mo aakalain na nagrebelde nayan ano? Masyado kasing pala-aral si Xavier. Ng bigla nalang syang kinailangang huminto." huminto sya sa pagsasalita at kumuha ng suklay sa bag nya, "Isa kasi sila sa pinakamayamang pamilya sa lugar namin dati. Ewan ko pero.. parang bumagsak? Magulo e. Hindi ko na alam. Simula nun, naging mailap at magagalitin na si Xavier." aniya habang sinusuklay ang buhok nya.

Nanindig ang balahibo ko at napakagat ng dalawang beses sa labi.

What's wrong with him? Anong nangyari? I want to know more about him. I want to know everything..

Muli akong nawala sa ulirat ng pumitik si Serena sa tapat ng mata ko.

"Okay ka lang?" aniya

"O-oo naman." sabi ko nalang sabay tingin kay Colline na nakinig din sa kwento ni Serena.

"Kumain na ba kayo? Kain tayo." aya samin ni Serena.

At pagtingin ko kung saan nakatayo si Xavier kanina, wala na sya. Wala nadin ang mga babae sa paligid ng kinatatayuan nya kanina.

"T-Tara na Girl?" sabay hila sakin ni Colline. "Parang wala ka sa sarili?" dagdag pa nya.

"S-s-sorry. Sige tara na." sabi ko nalang at naglakad na.

Kasalukuyan kaming naglalakad para lumabas ng campus at kumain sa kahit saang fast food sa labas. Pero ang utak ko, naiwan sa lahat ng sinabi ni Serena. Kung mabait sya bakit ganun sya sakin? Napaka antipatiko pero.. Alam mong may dahilan ang lahat.

Iniisip ko padin kung paanong nangyari ang lahat.

Nacurious ako sa pagkataong meron ang Xavier Madrigal na 'yon. Masyado syang naging misteryoso sa paningin ko. Bigla akong nagkaroon ng interes na may malaman tungkol sa kanya.

May something sa pagkatao ko na, naging interesado sa kanya.

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now