Chapter21: Pag-amin

29 5 0
                                    

Hindi na ako nakapagsalita pa sa sinabi ni Xavier dahil bago palang ako pumorma e nakaalis na siya sa harapan ko. Naramdaman ko nanaman ang pagkalito sa ugaling ipinapakita niya. Kagaya ng una, hindi ko nanaman siya mabasa.

Tuluyan na syang lumayo at wala na akong nagawa kundi titigan nalang siya. Kumain siya ng meryendang dala ni manang at nagpadaus dos sa pader saka umupo. Nakataas ang isa nyang tuhod at dun nakapatong ang kamay.

Tinakpan kong muli ang mukha ko ng magazine at dun napabuntong hininga. Wala na akong maisip na gagawin.

"Hey gab! Bakit hindi ka kumakain? Namiss kita!" bati ni Bryle sakin, sabay yakap at bumeso.

Ang higpit ng yakap ni Bryle. Halos hindi ako makahinga.

Ngumiti ako, "Kakakain ko lang kasi. Miss you too."

"Ganun ba? Edi uminom ka nalang. May juice dun!" aniya sabay umupo sa tabi ko.

Napangiti ako lalo, "Ikaw talaga. Okay lang ako."

Tumayo siya at bumalik sa kinalalagyan ng pagkain, pagbalik niya may dala na siyang juice. Iniabot niya ito sa akin sabay ngiti.

"Oh. Kunin mo na dalian mo." aniya.

Inabot ko na kaagad ang baso at ininom ito. Umupo ulit siya sa tabi ko. Tumingin ako sa direksyon ni Xavier at nakita kong masama ang titig niya kay Bryle. Anong problema niya? Pew. Nanlilisik ang mga mata niya at parang anytime kaya nyang sapakin si Bryle.

Napalunok ako at ipinagpatuloy ang pakikipagkulitan kay Bryle na ngayon ay walang ibang ginawa kundi magjoke.

"Ano daw ang tawag sa Juice na maganda?" aniya sabay ngisi.

Kumunot ang noo ko at napakamot sa ulo, "Hmmm." nagisip ako sumandali, "Ano?"

"Edi.. Juice-sa. HAHAHAHAHAHAHAHAHA." aniya sabay halakhak.

Nagkunwari akong nagbibilang. Nagiisip isip at nagdodrawing sa hangin. Inaasar ko siya.

"Ah oo nakuha ko na. Yun pala yun? Galing mo. Dos mamaya ah?" nasabi ko nalang kasama ang sarkastikong reaksyon.

Tawa padin siya ng tawa. Napapahawak na siya sa tiyan niya. Ano? Self support Bryle? HAHAHAHA. Abnormal.

Muli kong binalikan ng tingin si Xavier. Nakita kong mainit padin ang tingin niya kay Bryle. Nakakakilabot ang mga titig niya. Dinalaw ako ng kaba.

Tumayo siya at lumakad sa direksyon namin. Watda? Anong gagawin nya? Kinikilabutan akong lalo habang palapit siya ng palapit.

Hindi siya agad nakita ni Bryle dahil sa kakatawa nito. Tumayo siya sa harapan at hinilamos ng palad ang mukha.

Pilit niyang pinapaaliwalas ang mukha niyang nakabusangot at ang mata niyang nagaalab sa galit.

"Oh pare napalapit ka?" bati ni Bryle at nagpatuloy na ulit sa pagtawa.

Hindi kumibo si Xavier.

"Alexa, samahan moko sa CR." ani Xavier sa tapat ko.

Kumunot ang noo ko. Napalunok ako sabay napatingin ako sa mga mata niya. Nagtama ang mata namin at pakiramdam ko, nanlambot siya dito.

"Ha?" pagtataka ko.

"Hindi mo bako narinig? Ang sabi ko samahan moko sa CR." paguulit niya.

"Diyan lang ang CR. Paglabas mo, lumakad ka pakanan. Sa dulo, doon." sabay turo sa labas.

Nagumpisang manginig ang kamay ko. Pinipilit kong maging natural. Napansin ko naman ang nagtatakang reaksyon ni Bryle sa tabi ko.

"Dalian mo na. Puputok na ang pantog ko." untag niya.

"O, okay?" nagtataka kong sabi.

Naglakad na siya palabas, sumunod nadin ako kaagad. Nagpeace sign ako kay Bryle na naiwang nagtataka sa upuan.

"Sorry." sabi ko nalang sa kanya.

"DALIAN MO!" untag ni Xavier sakin.

Ang sungit naman ng letcheng to. Kung makapag ano akala mo naman. Daig pa ata si Aiden kung makapagutos. Ang sarap itulak sa hagdan.

Nauuna siya sa akin, nakasunod lang ako sa likod. Nagtataka ako kung bakit siya ang nauuna gayung sabi niya hindi niya alam kung nasaan ang CR.

Dirediretcho lang siya. Ilang minuto, narating nadin namin ang pinto ng CR.

"Akala ko ba hindi mo alam?" kumunot ang noo ko.

Hindi siya nagsalita. Tinitigan niya lang ako ng matalim. Diretcho sa mga mata. Para akong ipinapako sa kinatatayuan ko. Unti unti akong nanlambot at dinalaw muli ng kaba.

"Ano bang problema mo?!" untag ko.

Mabuti nalang at walang tao dito. Nasa baba ata sila Carlo kasama ang apat na babae kanina.

Hindi parin siya kumibo. Walang emosyon ang mukha niya. Nabasa ko lang ang galit sa mga mata niya.

Sumimangot siya at ginulo ang buhok, "Ganyan ka ba talaga?!" untag niya sa mataas sa tono.

"ANO?!" untag ko pabalik.

"GANYAN KA BA TALAGA SABI KO! BINGI KA BA O NAGBIBINGI BINGIHAN?!" aniya na nakatitig padin sakin.

"Ano bang problema mo? Ano bang sinasabi mo?" nagbigay ang ng naguguluhang reaksyon.

Kumunot ang noo niya, "Ganyan ka ba talaga kalapit sa mga lalaki? Ganyan ba kapag mayaman? Nagpapahalik kung kani-kanino!"

"Ha? Ano bang sinasabi mo?!" untag ko. Hindi ko siya maintindihan.

"Yung kay Bryle!" sigaw niya.

"What's about Bryle?" tanong ko.

Kinagat niya ang labi at ginulo muli ang buhok. Pinagpapawisan na siya.

"Aaaaaah! Wala!" aniya.

Umirap ako dahil sa inis at tinalikuran ko na siya. Hindi ko na naiintindihan ang pinagsasabi niya. Pahakbang palang ako ng bigla niyang hatakin ang braso ko.

"Alexa.." aniya.

Napalingon ako kay Xavier na ngayon ay nakahawak sa braso ko.

"Yung nangyari satin.. Bakit ka pumayag?" aniya.

Kinabahan ako. Nilingon ko ang kamay kong nagtindigan ang balahibo. Alam kong naramdaman niya iyo.

"Ha? Ano? Kalimutan mo na." nasabi ko nalang.

Naguluhan ako sa tanong niya. Kinabahan ako. Narinig ko ang mabilis na dagundong ng puso ko.

"Bakit mo yun ginawa? Bakit ganun ka nalang kung protektahan ako?" tanong niya.

Nagisip ako, "Wala.. Kasi.. Kasi mabuti kang tao."

Nakita ko ang reaksyon ng mukha niya at alam kong hindi siya kumbinsido. Nilakasan ko nalang ang loob ko. Hinawi ko ang kamay niya sa braso ko at tinalikuran ko siya.

"Siguro tama ang iniisip mo. Gusto kita Xavier." sabi ko sabay umamba akong lalakad na palayo.

Nagwawala ang sistema ko. Nagugulumihanan ang puso ko. Ginawa ko nalang ito para makawala na sa kung ano mang ininatago ko. Dahil yun naman ang totoo, gusto ko naman talaga siya.

Hindi siya kaagad nakakibo. Nahimatay na siguro sa kilig.

Laking gulat ko ng nilagpasan nalang niya ako. Hindi ko inaasahang ito ang gagawin niya. Kinabog ang puso ko. Mabilis ang pagkabog at parang kakawala ito sa dibdib ko anytime.

Hindi pa mandin siya nakakalayo mula sakin ay huminto siya sumandali. Hinawi ang buhok gamit ang daliri at nagsalita.

"Hindi ako naniniwala sayo." aniya ng hindi ako nililingon.

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now