Chapter26: Walang sisihan

32 5 0
                                    

"Pero seryoso Gab, hindi natin pwedeng sisihin si Xavier." ani Colline na nakahiga na sa kama ko.

Hindi ako kaagad nakakibo. Hindi ko alam ang dapat sabihin.

Kumuha siya ng unan at niyakap ito, "Hindi ko siya mahusgahan kaagad Gabby kahit gusto ko. Kagaya mo, gusto ko siyang sapakin dahil pagkatapos ng lahat makikita mo nalang silang magkasama ni Serena."

Naramdaman ko ng muli ang pagtakas ng luha sa mga mata ko. Sa maraming pagkakataon, umiiyak nanaman ako. At ang dahilan ay iisang tao.

"Sexy naman kasi siya, sa totoo lang ang hot naman talaga niya." ani Colline habang pinipiga piga pa ang unan.

Natawa naman ako at ibinato sa mukha niya ang isa pang unan na hawak ko, "Manyak ka talaga!"

Tumawa din siya. Agad ko ng ipinahid ang luha sa mga pisngi ko.

Tumalikod siya sakin at niyakap ang unan, "Gwapo naman talaga siya Gab. Pero hindi siya ang tipo ko. Hindi ko alam pero base sa mga kwento mo, hindi ko mabasa kung may ugnayan ba talaga sila ni Serena. Sabi mo nga ng halikan ka nya, pakiramdam mo mahal ka na niya." tumawa siya.

Tinusok ko ang tagiliran niya dahil natatawa ako sa panggigigil niya sa unan. Humiyaw naman siya.

"Wag ka ngang ano dyan!" untag ko.

Tumawa pa siya lalo, "Gaga, hindi kita pinapaasa ah? Pero pakiramdam ko naman ikaw ang gusto niya."

Napatingin ako sa nakatalikod na si Colline. Hinampas ko ang binti niya. Humiyaw siya ulit.

"Nakakarami ka na ah!" aniya sabay tumayo at nagumpisang mangiliti.

Tiningnan ko siya ng matalim, "Paasa!"

Nanggigil ang panga niya at nakita kong kumislap ang mata niya. Nagumpisa siyang humalakhak.

"Gago ka talaga Gabby 'no? Hindi ako si Xavier." aniya ng hindi humihinto sa pagtawa.

Tumawa nalang din ako at muling natuyo ang luha sa pisngi ko. Kahit kailan talaga, hindi pa siya pumalyang pasiyahin ako. Kahit sa pinakamahirap na labanan, lagi siyang nandyan.

"Kahit naman panget ka, mahal parin kita." ani Colline na nakapagpahalakhak naman sakin.

Ngumiti ako sa kanya, "Ang corny mo gaga!" untag ko.

Tumawa siya, "Ang corny-ng to, ang kahit kailan hindi mananakit at mangiiwan sayo."

Lalong lumawak ang ngiti ko. Pakiramdam ko sa mga panahon na 'to, napanalunan ko na ang pinakamahal na bagay na pwedeng makuha ng tao. Pakiramdam ko, ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Dahil meron akong Colline Grace Manansala na ganito.

"Kadiri ka, crush mo bako? Gumanda lang ako, idol mo na agad ako." humalakhak pa ako.

Binato niya ako ng unan sa mukha, "Gago kadiri ka! Hindi tayo talo! Ewww." aniya na nandidiri ang mukha.

Lalo pa akong natawa. Nakalimutan ko sandali ang sakit na inilagay ni Xavier sa puso ko. Nakalimutan kong broken hearted nga pala ako. Taeng Colline 'to.

Humiga siya ulit at niyakap ang unan, tumalikod sakin at inayos ang damit.

Humupa ang pagtawa ko, naramdaman kong muli ang kirot sa puso ko.

Hinawakan ko ang kaliwang dibdib, ininda ang kirot at napapikit ko sa sakit hanggang sa maramdaman ko nanaman ang mabilis na pagtakas ng luha sa mga mata ko. Pumapatak na ito sa unan na nasa binti ko.

"Mahal na mahal kita Colline. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag wala ka. Kahit na manyak ka, siraulo at luka loka. Mahal na mahal kita." sabi ko.

Hindi siya sumagot. Nagantay ako ng pangaasar pero nabigo ako. Sinilip ko ang mukha niya at nakita kong tulog na siya. Nakangiti ang mga labi.

Lumapit ako at hinalikan ko ang noo niya, "I love you Colline."

Humiga nadin ako kaagad. Ramdam ko padin ang pagkirot ng puso ko. Naiibsan ito sumandali ng pagtawa na gawa ni Colline. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala siya. Pakiramdam ko, siya nalang ang dahilan ko para ngumiti. Pakiramdam ko kapag wala siya, ang hirap hirap maging masaya.

Hinawakan ko sandali ang cellphone na noo'y nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa tabi ng kama ko. Madaming text, inuna ko ang kay Kuya Kit.

Napangiti ako sa Goodnight message niya. Namimiss ko na si Kuya kit. Sinunod ko naman ang text ni Dexter. Himala ata ito.

Dexter:

"Hey Gab. Are you still awake? Please inform Xavier that we will have a practice tomorrow afternoon. Sabi kasi nila magkakaroon daw ng battle of the bands sa school. Hindi kami makikipaglaban, isa kami sa may special number. Wala pa kasi akong number niya, si Aiden ang nakakausap at nakalimutan kong kunin. Kumatok ako sa kwarto niya pero tulog na siya. Thanks Gab!"

Agad na akong dinalaw ng kaba. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ayaw kong makita muna si Xavier. Kahit sa sandaling panahon lang, wag muna please.

Ibababa ko na sana ang cellphone ng bigla itong magvibrate.

Dexter:

"I forgot, Good night Gabrielle our princess. Always take care of yourself. Maybe kuya dexter is not that open to you and we don't have so much time to be together, but always remember that you are one of the best blessing we have ever received from God. This is the first time that I talked to you like this right? Hahaha. So sorry for that baby. Good night! Too long for this. Hugs and Kisses from kuya Dexter. I love you so much Gab. Me, kuya Aiden, Kit and the whole Family."

Hindi ko namalayang umiiyak ako ulit. Nakakainis si Dexter. Akala ko matutulog ako ng malungkot at umiiyak dahil kay Xavier pero mali ako. Dahil pala sa kanya.

Totoo ang sinabi niya. Hindi kami ganoon ka close ni Dexter pero kapag may oras kami, naguusap kami. Ngayon lang niya ako kinausap ng ganyan. Hindi ko maipaliwanag ang naghahalong lungkot at saya sa puso ko. Pati nadin ang luha na lumalabas sa mata ko.

Lungkot dahil pakiramdam ko, kasalanan lahat ni Xavier kung bakit ako malungkot. Pero hindi ko ito maisisi sa kanya dahil sino ba naman ako? Hindi ko siya masisisi dahil alam kong may pinagdadaanan din siya.

At saya, saya dahil pakiramdam ko kahit ano pang away ang dumaan samin ni Aiden alam kong mahal niya ako. Hindi sa kanya nanggaling ang mga text na iyon, at pati narin ang mga salita pero pakiramdam ko siya mismo ang nagtetext nito. Ngayon ko naramdaman na kahit hindi nila alam ang problema ko, alam kong may kakampi ako. May mga kuya ako at may Colline ako.

Nakakatawang isipin na wala nga lang akong Xavier Madrigal.

Hindi ko narin maisip sa kahit saang parte ng ulo ko kung para saan ba ang mga luha na lumalabas sa mata ko. Naghalo halo na ang luha ng sakit at luha ng kasiyahan.

Hindi pala ako nagiisa sa laban na ito.

Suddenly, Everything Has ChangedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang