Chapter10: Walang puso

35 4 1
                                    

Nagpapasalamat nalang talaga ako at nandito si Colline. Sya na daw ang gagawa ng paraan para makausap si Xavier. Sa wakas, may paraan na.

Ilang minuto lang habang naguusap kami ni Colline para sa plano nya ay dumating nadin si Mr.Domingo at si Xavier. Napalunok nalang ako ng umupo sya sa tabi ko. Hindi ko padin lubos maisip na ganun yung paguusap namin kahapon. Nakakayanig padin ng pagkatao. Napanganga halos lahat ng classmate ko nung dumaan sya. Nakasukbit kasi sa balikat nya ang gitara at dahil dun, nahahatak ang damit nya at bumabakat sa damit ang stunning nyang katawan. Ang saya diba? Jusmeyo. Nanginig na agad ang tuhod ko kahit alam ko namang forte ko ang kumanta. Hindi na nga lang masyadong napapractice pero alam ko naman na kaya ko pa. Nagsimula ng manahimik ang buong klase dahil lahat kabado para sa performance mamaya.

Una, pagkapasok ni Mr.Domingo, agad na nyang ipinalabas ang mga kopya ng kanta namin. Ang harsh diba? 1 day lang. Pero since college kami, it is a matter of time management kaya kailangn mapaganda. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko 'to gagawin pero I'll try to give my very best.

Nagumpisa na syang magtawag. Una nagtanong sya para sa volunteer, dahil walang naglakas ng loob ay ginawa nya nalang itong alphabetical order. Medyo nakakahinga ako ng maluwag dahil malayo layo ako. Nagumpisa sya sa lalaki. OMG! Mauuna sakin si Madrigal. Buti naman.

Pakabog ng pakabog ang dibdib ko habang palapit ng palapit sa apelido ni Xavier. Okay naman ang performance ng iba kong kaklase pero alam kong hindi satisfied si Sir. Bakas sa mukha nya ang disappointment. Napapabuntong hininga nalang ako sa upuan ko at hindi ko manlang magawang lumingon kahit isang beses. Natatakot akong mahuli ako ni Xavier na nakatingin sa kanya. Hindi sya kinakabahan. Hindi ko mabasa dahil nakikita ko naman sa gilid ng mga mata ko na chill lang sya. Emotionless padin.

At ng isa nalang ay si Xavier na, naghuramentado na agad ang puso ko. Ako pa ata ang kinakabahan sa performance nya. My goodness! At sa hindi inaasahang pagkakataon, nilipad ang kopya kong nakapatong sa desk. Hinanap ko iyon sa ilalim ng upuan ko pero wala. Napapailing iling ako sa sobrang katangahan ko. Lagi nalang akong malas. Kakabit na ata ito ng pangalan ko. Dahil hindi ko nakita ang lumipad kong papel sa ilalim ng upuan ko, nagbakasakali akong napunta yun sa upuan ni Colline. Napapalunok na ako sa kaba.

"Colline, nakita mo ba papel ko?" tanong ko sa kabadong si Colline.

Nanlaki ang mata nya sabay ng pagkunot ng noo, "Hindi e. Saan mo ba nilagay?" aniya.

Napakamot ako sa ulo, "Hindi ko nga alam. Nilipad e." wika ko.

Napabuntong hininga ako ng malalalim at napailing iling. Wala akong ibang magagawa kundi linungin sa kabila kong gilid. Ayoko sana pero mukhang wala akong magagawa kundi yun nalang. Napilitan akong lumingon sa kanan ko at..

TADAAAAA!

Nandun ang mahiwaga kong papel. Napadapo agad ang kamay ko sa noo. Nako naman. Naloko na! Naglakas loob nalang ako.

"Pakisuyo naman ng papel ko please. Nasa ilalim ng upuan mo." wika ko sa walang emosyon na si Xavier.

Nakakabighani padin siya. Nakakainis. At ng makita kong hindi siya kumilos, inulit ko ang sinabi ko dahil nagbabakasakali ako na hindi lang niya ito narinig.

"Makikisuyo ng papel ko please?" sa tonong may pakiusap.

At sa huling pagkakataon, hindi parin siya kumilos. Dahil dito, napailing iling nalang ako. Pambihira ganito ba talaga siya? Dahil dun, napilitan akong abutin ang papel ko sa ilalim ng upuan niya. Wala syang pakielam kahit na magpakahirap ako dun. Ni hindi malang niya ako tinulungan. Nakakainis!

Kakaabot, halos mabali na ang bewang ko. Nagpapakahirap ako e kung pwede naman niyang abutin hindi ba? Hanggang sa makarinig nalang ako ng isang malakas na sigaw mula sa harapan.

"MS.TRINIDAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAD!" dumadagundong na sigaw ng pamilyar na boses.

Binilisan ko ang pagkuha ng papel ko at sa wakas naabot ko na din. Pagkatapos ay napapikit ako dahil alam kong mapapagalitan nanaman ako. Agad ng nanindig ang mga balahibo ko.

"Anong ginagawa mo diyan?!" wika ni Mr.Domingo.

"K-kinukuha ko lang po ang nilipad kong papel." sagot ko sa kanya na ngayon ay papalapit na sakin.

Lalo akong kinabahan. Napakagat labi nalang ako at napapailing sa nagawa ko. Hindi ko alam kung sinong santo pa matatawag ko sa ganitong pagkakataon. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa lalaking 'to!

"Anong kinukuha? Naninilip ka ba?!" paratang ni Mr.Domingo sakin.

Nanlaki ang mata ko at napatayo ako sa upuan. Nangilid ang luha sa mga mata ko. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko ang awa sa mukha ni Colline.

"Hindi po Sir." matabang kong sabi kasama ang seryoso kong mukha.

Is he serious? Damn! Hinding hindi ko magagawa yan. Napakatikas naman ng teacher na 'to para paratangan ako!

Nakita kong kumuyom ang panga nya at mukhang nanggigigil. Nawala ang kaba ko at napalitan ng galit.

"Dahilan dyan Ms.Trinidad, hindi na natin itutuloy pa ito!" umiling siya sa tapat ko at naglakad palayo. "Lahat ng susunod, wala na kayong grade!" Sigaw ni Mr.Domingo.

Narinig ko naman ang galit na mga kaklase ko.

"Gabrielle naman. Tss."

"Kasi naman."

"Gab? Pano kami? Tsk tsk tsk."

Nadurog ang puso ko. Nagsimula akong mamuhi pa lalo kay Mr.Domingo. Pero dahil teacher ko siya at sinasabi nga nila na, TRINIDAD ako hindi ko siya sinagot. Pagkatapos niya akong paratangan ay agad na siyang lumabas.

Ramdam ko naman at nanuot sa kaluluwa ko ang disappointment ng mga kaklase ko. Hindi ko maintindihan kung bakit ganun na lamang kasama ang tingin sakin ni Mr.Domingo. Nadurog ako sa mga sinabi niya. Kasalanan ko bang nilipad ang papel ko? Kasalanan ko bang ganito. Kasalanan ko ba talaga na hindi ako kasing tanyag ng mga kapatid ako para itrato ng ganito? I hate this feelin'. I hate myself!

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Ikinuyom ko na lamang ang mga kamay sa galit. Nilapitan naman ako ni Colline. Niyakap niya ako ng sobrang higpit.

"Nandito lang ako okay?" aniya sa tonong may awa.

Sa sobrang gulo ng utak ko, hindi pa mandin ay hindi ko na napigilan ang sarili. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ilalabas ang bigat ng katawan ko.

Tumingin ako sa direksyon ni Xavier na ngayon ay nakatingin sakin napapakurap ang mata at mukhang hindi ata makapaniwala sa mga nangyari. Hindi ko gustong sa kanya ibunton pero.. Ewan ko. Pakiramdam ko, walang wala ako.

"WALA KANG PUSO!!" sigaw ko kay Xavier ng buong lakas at tumulo na nga ang luhang kanina ko pa iniingatan.

Ang sakit sakit ng dibdib ko. Hindi ko gusto, pero wala akong magawa. Gusto kong may masisi sa nangyari dahil alam kong hindi ko naman kasalanan ito. Ang sakit sakit. Paksyet!


Narinig ko ang paghikbi ko at ang paghikbi rin ng kaibigan kong si Colline na nakayakap padin sakin. "Tama na. Tahan na. Tama na Gabrielle. Alam kong wala kang kasalanan." aniya.

Nabigla lang ako sa sigaw ko pero nakita kong napaawang ang bibig ni Xavier. Bakas sa mukha niya ang awa, at patuloy akong kinakausap ng mga mata niya. Ang sakit e. Hindi ko alam kung ano bang nagawa kong mali para itrato ako ng ganito.


A/N: Grabeee pa-intense ng paintense. Continue reading guys!

Follow me. Read. Vote and please Spread. Lovelots.

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now