Chapter20: Ilangan mode

34 4 0
                                    

"Haaaaaaaaaaaaaaaay." napahikab nalang ako.

Umaga na pala ng magising ako. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kagabi kakaiyak. Tumayo ako at tumingin sa salamin. Watdapak? Namamaga ang mga mata ko. Delikado kapag nakita ito ng mga kapatid ko. Lalo na, ni Aiden.

Hindi ko maiwasan ang maging emosyonal dahil sa pangyayari kahapon. Daig ko pa ata ang pinagsakluban ng langit at lupa. Masakit padin. Pero sinusubukan ko namang kalimutan nalang.

Coz I do believe that everybody should learn on how to forget everything that made them cry.

Kinusot ko ang mata ko na medyo blurry pa dahil kagigising ko lang. Lumabas ako ng kwarto at bumaba ng hagdan ng wala padin sa sarili. Parang nananaginip pa ata ako.

"Anong nangyari sa mata mo?" untag sakin ni Dexter ng makarating ako sa Kitchen.

Hindi ko siya tiningnan, "Nothing."

"Come on Gabby. Anong nangyari?" aniya.

Hindi nalang ako nagsalita. At ilang sandali lang ay tinawag na siya ni manang.

"Sir Dexter, nandito na po ang mga bisita niyo." wika ni manang.

Lumakad palayo sa akin si Dexter, "Mamaya tayo magusap Gabby. I'll go ahead." aniya at tumakbo na palabas.

Wala padin ako sa sarili. Naisip ko nalang na kakausapin nga din pala ako ni Aiden kagaya ng sinabi niya sa akin kahapon. Galing ng mga kapatid ko no? Parang mga tanod.

Kumuha ako ng baso at inilapag ito sa mesa. Lumapit ako sa ref at kumuha ng tubig. Lumakad ako papunta sa kinalalagyan ng baso at nilagyan ko ito ng laman. Ininom ko ito.

Parang narefresh ang utak ko ng makainom ako ng tubig. Halos mabitawan ko ang baso ng maaninag ko ang isang pamilyar na mukha ng lalaki mula dito. Transparent kasi ang basong ginagamit ko. Nakasuot siya ng maala maong na long sleeve at itim na pantalon together with top sider shoes. Ibinaba ko ito para tingnan kung tama ang nakita ko. At hindi naman ako nagkamali.

Nanliit ang mata ko, "Anong ginagawa mo dito?!" untag ko.

Ngumisi lang siya ng nakakaloko, "Makakalimutin." aniya.

Ha? Ano daw? Tama ba ang narinig ko? Makakalimutin daw ako? Agad nalang napadapo ang kamay ko sa noo. Napapikit ako sa katangahan.

"Oo nga pala." mahina kong sabi sa sarili.

Agad akong tumalikod sa kanya at hinipo ang mukha na baka may muta pa. Hindi pa naman kasi ako naghihilamos.

Pag harap ko sa kanya, nakahalukipkip siya at tinitingnan lang ako ng walang emosyon. Nakakaloko ang mga titig niya. Kagaya ng dati, para akong tinutunaw ng mga ito.

"Uy! Nauna ka na pala!" sigaw ni Dexter mula sa likuran.

Humarap naman sa kanya si Xavier, "Ay oo pare." aniya.

Naiwan ako sa likuran na nagtataka.

"Tara na." pagaaya ni Dexter.

Agad nading lumakad palayo sa akin si Xavier at binagtas na ang dinaanan ni Dexter. Papunta sila ngayon sa music room. Ngayon kasi naitakda ang pageensayo ni Xavier para maisapubliko na ang mga kanta nila Dexter.

Paakyat na sana ako para bumalik sa kwarto ko ng bigla kong makasalubong si Aiden. Iba ang titig niya. Nanunuya ito.

"Kailangan daw ng audience nila Dexter para masubukan kung kayang humarap ni Xavier sa maraming tao." aniya sa harap ko habang nakahalukipkip.

Nagbigay ako ng nagtatakang reaksyon, "Then?"

"You go with them. Umakyat ka ngayon sa music room." aniya.

Nanlaki ang mata ko. Agad akong binalot ng kaba at tila ba nanlambot ang tuhod ko.

Kumunot ang noo ko, "Ha? Are you out of your mind?" sabi ko.

Kumunot din ang noo niya at nagbigay ng naiinis na emosyon, "What gabby? Manunuod ka lang. Why did you act in that way." aniya.

Umirap ako, "Duh. Hindi pako naliligo. Tsaka-" binasag na niya kaagad ang tinig ko.

"Tsaka?!" aniya.

Nagiisip ako ng palusot dahilan para hindi ako makasagot kaagad. Tiningnan niya ako ng masama.

"You go to your room. Take a bath. Eat your breakfast and go to the music room." sabi ni Aiden sabay taas ng isang kilay.

"Tsaka.. Aalis kami ni Colline ngayon. Oo tama. Aalis kami." pagpapalusot ko.

"It's too early Gabby. You're acting ridiculous." aniya kumunot pa lalo ang noo niya.

Napailing iling nalang ako, "Alright. Alrightttt." nasabi ko nalang.

Kahit naman anong gawin ko, alam kong hindi ko matatalo si Aiden. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may mali e.

Umakyat nalang ako kaagad ng kwarto. Naghilamos muna ako at bumaba ulit para kumain. Mabilis akong natapos. Umakyat na ulit ako para maligo.

Inayos kong maigi ang sarili ko. Humarap ako sa salamin at napailing iling ako sa inis. Sa sitwasyon at sa mukha ko. Galit na galit ang mga tigyawat sa mukha ko. Darn it!

Pagkatapos ko ay lumabas na kaagad ako at naglakad papunta sa music room. Tumanaw muna ako sa bintana bago pumasok. Nakita ko kung gaano kabagay si Xavier sa isang stage. May apat na babae pang nasa harapan nila. Hindi ko alam kung sino at wala akong balak alamin kung sino sila. Mga mukhang pato sa kapal ng lipstick.

Habang pinagmamasdan ko ang pagtugtog ni Xavier kasama ang banda ni Dexter, hindi ako makapaniwalang parang siya talaga ang hanap ng grupo. Hindi ko naririnig ang tunog mula sa loob pero damang dama ko ang pagkanta niya. Nakapikit siya at dinadama ang pagkanta, parang hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang ganito.

Pumikit ako at muling dumilat, sa pagdilat ko nakita kong sinenyasan ako ni Dexter na pumasok na. Naglakad ako papasok, naiirita ako sa mga tingin ng apat na babaeng nasa harap nila Xavier.

Umupo ako at kinuha ang magazine na nasa table sa tabi ko. Itinabon ko ito sa mukha ko habang pinapakinggan ang nakakapanlambot na boses ni Xavier. Hindi ko siya matitigan ng diretcho. Nakakapanghina. Nanlalambot ako lalo.

Nakita kong ilang beses siyang tumingin sa direksyon kung nasan ako. Ilang beses na ding nagtatama ang mga titigan namin. Halos mabingi ako sa nakakagagong sigawan ng mga babae sa tabi ko.

Ibinaba ko ang magazine upang silipin ang kumakanta paring si Xavier. Lalo akong nanghihina kapag nakikita ko ang matangos niyang ilong at ang dimples niya. Para akong kinikiliti ng mga ngiti nya habang kumakanta.

Kumatok sa pintuan si manang at inihatid ang meryenda nila Dexter. Agad nadin namang nagkalasan si Carlo at Bryle para sunggaban ang pagkaing dala ni manang. Pero itong si Xavier..

Agad nagsipag tindigan ang balahibo ko ng lumakad siya papunta sa direksyon ko. Sinalubong siya ng mga babae, ang isa pa nga ay hinawakan ang dibdib niya. Hinawi niya lang ito at nagpatuloy. Dinalaw ako ng matinding kaba.

"Hindi mo ba kayang hindi ako tingnan?" aniya sa tapat ng mukha ko.

Agad kong tinabunan ng magazine ang mukha ko sa sobrang hiya. Mabuti nalang at busy ang lahat sa pagkain at hindi nila kami napapansin ni Xavier.

Hindi ako nakakibo. Napalunok ako ng mabibigat at para bang may kung anong nakabara sa lalamunan ko.

Tumayo siya ng maayos at inayos ang sarili. Hindi ko parin tinatanggal ang magazine sa mukha ko pero sinisilip ko siya ng pakunwari. Inayos niya ang laylayan ng damit, ang ibaba ng pantalon at saka hinawi ang buhok gamit ang mga daliri.

Ay santisima! Bakit ba kayo naglaglag ng isang anghel dito? Pag ako naihi dito sa sobrang kagwapuhan niya, kasalanan niyo!

Napakagat labi ako sa ginawa niya at bago pa tuluyang umalis,

"Nakakailang ka kasi." aniya sabay ngiti at tuluyan ng binagtas ang daan papunta kila Dexter.

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now