Chapter36: Ice Buko

35 1 0
                                    

Pagkatapos ng isang mahaba at nakakapagod na araw, konting kembot nalang at magmimidterm na talaga.

Damang dama ko na ang mahabaang pigaan ng utak. Damang dama ko na ang simoy ng mahirap na test.

Since maaga natapos ang klase naisipan namin ni Xavier na lumabas muna.

"Saan tayo pupunta?" untag ko habang nasa daan.

Naglalakad kung saan dadalhin ng aming mga paa. Kung saan makarating. Basta dun sa payapa, sa masaya.

"Kahit saan mo gusto." simple nyang sagot.

Nagpalit kami ng bag. Okay lang sa kanya kahit hand carry ang bag na dala niya at back pack ang akin as long as siya ang may bitbit ng gamit ko.

*Kring.. Kring..*

Narinig ko sa hindi kalayuan ang kalembang ng mamang nagtitinda ng ice buko.

"Gusto mo?" tanong niya habang nasa kalagitnaan kami ng paglalakad.

Natanawan ko na kaagad ang mamang may dalang box. Nandoon ata sa loob ang paninda niya.

Lumingon ako sa kanya, "Ng ano?" pagkukunwari kong hindi ko alam ang tinutukoy niya.

"ICE BUKO." matama niya akong nginitian.

Bigla akong natawa sa isip ko. May naisip kaagad ako sa sinabi niyang iyon.

Humalakhak ako dahil sa naiisip ko. Kumunot naman ang noo ng mokong dahil sa reaksyon ko.

"Anong nakakatawa?" nakakunot padin ang noo niya.

Ngumiti ako bago magsalita, "Natatawa ako wait." humalakhak pa ako lalo.

"Baliw." natawa nadin siya.

Humalakhak nanaman ako, "Ice buko? Di ba yun yung sinasabi ng mga babae pagkatapos magsuklay? ICE BUKO?" humagalpak ako ng tawa.

Kumuyom ang panga ng mokong. Nakita kong medyo nagpipigil siya ng pagtawa.

Nilagpasan niya ako at sinalubong ang mamang nagtitinda.

"Ang corny mo talagang bata ka." aniya habang namimili ng Ice buko sa kahon na dala ng mama.

Sumimangot ako, "Bata ka dyan." pinalobo ko ang pisngi.

Natawa kaming dalawa. Ngumiti ang mamang nagtitinda.

"Nakakatuwa kayong tingnan." untag ng mamang nakabike, may dalang malaking kahon sa harapan niya. Ang mamang nagtitinda ng Ice Buko.

Ngumiti kami sa isa't isa ni Xavier. Nabasa ko na kaagad ang nasa isip niya. May kung anong bumuhos na ala-ala sa isipan ko.

Hindi ko nanaman maiwasan ang maging emosyonal kapag naaalala ko ang mga bagay na iyon. Nakakaiyak talaga kahit kelan.

"Eto pong dalawa." sabay abot ng bayad ni Xavier.

Ngumiti ang mama at inabot ang ibinayad ni Xavier. Inayos sumandali ang kahon at umalis nadin kaagad.

Hindi pa siya nakakalayo ng magiwan siya ng isang makabuluhang paalala.

"Hindi na ako makapagantay na makita kayong matagumpay sa hinaharap. Hindi na ako makapaghintay na makita kayong kasama ang inyong mga supling. Hindi na ako makapaghintay iho at iha. Magiingat kayong dalawa."

Isang paalalang nakapagpayanig ng buo kong pagkatao. Naghuramentado agad ang sistema ko. Namuo ang luha sa gilid ng mata ko. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam. May kung ano sa paalala ng matandang iyon ang siyang tumimo sa akin.

Nakita kong ngumisi si Xavier habang marahan na kinakawayan ang paalis na mama. Hindi ako makapagsalita. Neutral ang mukha ko sa oras na iyon.

"Ang talino niya." seryosong sabi ni Xavier habang naglalakad kami.

Ngayon ay nasa nature park na kami. Payapang lugar. Nakakabighani ang ganda ng mundo. Ang sarap mabuhay!

Nilingon ko si Xavier, "Hmmm?"

"Hindi na rin ako makapaghintay na dalhin ka sa probinsya namin at ipakilala sa pamilya ko." mariin niyang sabi.

Parang blade ang bawat salita na siyang sumugat sa puso ko. Nabigla ako, oo. Pero hindi ko alam kung bakit ganito ang naramdaman ko.

Ngumiti siya, "Hindi ko na mahintay ang oras na makilala ka ni Shana, ni mommy at ni daddy."

Tumulo ang luha sa pisngi ko at agad ko itong pinahid para hindi na makita ni Xavier.

Ngumiti ako ng matabang, "Hindi ko narin mahintay pa ang mga oras na iyon."

Kumapit ako sa braso niya habang naglalakad. Pagkatapos ng mahaba-habang lakad, inilatag namin ang dalang sapin sa damuhan at doon humiga.

"Ang ganda ng mundo, ano?" seryoso niyang sabi.

Nilingon ko siya na nasa kanan ko ng mga oras na iyon. Nakita kong nakatingala lang siya sa magandang kalangitan. Nakalagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo.

"Sobra." napapikit ako sa sinabi kong iyon.

Ngumiti siya ng malawak, "Naalala ko nanaman yung joke mo tungkol sa Ice Buko." humalakhak siya ng bahagya.

Natawa din ako kaagad ng magflashback iyon sa isip ko. Mamimiss ko ito. Mamimiss ko lahat ito.

"Ang galing ko ba?" panunuya ko sa seryosong si Xavier.

Nilingon niya ako, "Kahit hindi ka magaling, tatawanan padin kita." ngumiti siya.

Agad na sumilip ang kanyang dimples. Nanghina ako ng makita ko iyon. Pero napakunot ang noo ko ng magsink in sa utak ko ang sinabi niya.

"Anong sabi mo?" untag ko.

Ngumisi siya, "Hindi ka talaga pumapalyang pasiyahin ako."

Umirap ako, "Mukha mo."

Pinisil niya ang ilong ko. Agad naginit ang pisngi ko, namula hanggang dibdib.

"Ang cute mo magalit. Nakakainis." aniya sabay tawa.

Nilingon ko siya na noo'y nakatingin nanaman sa kawalan. Nahuli ako ang mapaglaro niyang ngiti. Ang ngiting nakakapanghina. Ang ngiting nakakapagpawala sakin sa ulirat. Ang lahat lahat sa kanya. Ang siyang kahinaan ko, at the same time ang matindi kong kalakasan.

Natahimik kaming dalawa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa bisig niya.

"I love you baby even with your flaws." sabay halik sa noo ko.

Didilat na sana ako ng marinig ko iyon galing sa kanya. Nanghina ako bigla at nagpanggap nalang ako na natutulog pa.

Iba pala talaga ang pakiramdam kapag mahal ka, hindi lang basta mahal mo. Hindi kagaya dati na laging ako lang ang nagmamahal. Unrequited love. Nakakapagod pala yun. Pero ang bait ni Lord. Binigyan ako ng isang Xavier Drake Madrigal.

Sa pagpapanggap ko, tuluyan na talaga akong nakatulog. Matagal tagal din ata iyon. Ewan ko, pakiramdam ko kasi ang tagal ko ng tulog.

Nanaginip ako ng mapapait na bagay. Hindi ko alam kung bakit kabaliktaran iyon ng mga nangyayari sa oras na yun. Gusto ko nalang gumising bigla pero hindi ko magawa.

Nakakagimbal ang panaginip na iyon. Ayoko nalang isipin. Gusto ko ng dumilat sa mga oras na iyon pero parang ayaw ng mata ko. Hindi ko maipaliwanag ang pakiramdam.

Nagising ako sa ringing tone ng cellphone ko.

"Need to see your face and need to look in your eyes.

To the storm and to the clouds,

Bumps on the road and upside down now.

I know it's babe, to sleep at night.

Don't worry, Cause everythings gonna be Alright."

Hindi ko kaagad nasagot dahil ninamnam ko muna ang napakagandang boses ng kumanta nito.

Pagkakuha ko, si Mommy and tumawag. Baka pina-ring niya lang.

Napansin kong wala na pala si Xavier sa tabi ko. Inayos kong sumandali ang sarili at nagpalinga linga. Hindi ko nakita si Xavier doon.

Nasaan na kaya siya? Nako humanda ka sakin mamaya, Madrigal! Iniwan mo na bako? Eh, nandito ang gamit mo e. Siraulo talaga to minsan. Nakooo!

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now