Chapter29: Eto nanaman tayo

38 4 3
                                    

"WAG ALEXA, PLEASE." ani Xavier sa boses na may pagmamakaawa.

Agad kinurot ang puso ko. Ganoon nalang ba talaga ang pagpapahalaga niya kay Serena? Para protektahan niya to ng ganito? At ako, ano? Laruan? Past time o Option lang? Nakakagago.

"Napakasama mo talaga." naramdaman kong nangilid ang luha sa mga mata ko.

"Nangangako ako sayo, hindi na kita susungitan o ano. Basta wag mo lang gagawin yun. Please." aniya.

Nabasa ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya. Lalo akong nagningas sa galit at halos matumba na ako sa panghihina. Nawawalan ako ng lakas sa tuwing magsisink in sa utak ko na, iniingatan niya ang feelings ni Serena. E paano naman yung akin? Ganun ganun nalang yun Xavier?

"Alam mo, hindi kita mabasa." untag ko nalang. Hindi ko na kayang magsalita. Napapaos ako sa sakit.

Suminghap siya at lumayo ng kaunti sakin, "Hindi moko maiintindihan." aniya.

"Kung ganon bakit ka ganito sakin? Eto nanaman tayo Xavier e. Susungitan moko, landiin moko, aasarin, gagaguhin, tatarantaduhin, sasaktan. Tinotorture mo lang ang puso ko. Kung ayaw mo pala siyang masaktan, anong dahilan mo sa kabila ng lahat ng to? Sabihin mo." matapang kong sambit.

Hindi ko na mapigilan ang nagniningas kong galit. Nagaalab ang puso ko. Napakakirot. Nagiinit at namumula ang dibdib ko.

Tuluyan ng nilandas ng luha ang mga mata ko. Sunod sunod ang patak. Akala ko kapag pinahid ko ito, mawawala ang kirot. Pero nagkamali ako. Bawat pagalis ko dito ay lalong kumikirot at sumasakit ang puso ko.

"Yan ang sinasabi ko e. Hindi moko maiintindihan." nakatalikod niyang sinabi.

Nakatiklop ang dalawa niyang palad at nakataas. Nakadikit sa pader ang noo niya at ang dalawang kamay.

"Pinaglalaruan mo ba talaga ako? Dahil alam mong gusto kita, gaganituhin mo nalang ako?" sambit ko habang kinakagat ang ibabang labi ko.

Pinipigilan kong humikbi. Hanggang kaya ko pigilan.

"Ilang beses ko ba dapat sabihin sayong hindi kita pinaglalaruan?" utas niya.

"E ano to? Ano to Xavier? Gaguhan? Anong klase ba ng utak ang meron ka para saktan ako ng ganito? Ang sakit sakit Xavier e." hindi ko na napigilan ang paghikbi.

Patuloy ang pagtulo ng luha na walang kasiguruhan sa paghinto. Humarap sakin si Xavier at nilapitan ako.

"Lumayo ka. Wag mokong hahawakan." sambit ko.

Di ko na kinayang pigilan ang sarili ko. Hindi ko na kayang magpanggap na matatag. Napaupo na ako sa sobrang kawalan ng lakas. Nanghihina na talaga ako.

"Kung ayaw mo pala siyang masaktan, sana ganun ka din sakin. Masakit kasi e. Kahit kelan ang unfair mo!" utas ko.

Umamba siyang lalapit. Pero nilayo ko ang mukha ko.

"Alam mo kung saan?" huminto ako sandali, "DITO." itinuro ko ang kaliwang dibdib, kung nasaan ang puso ko.

Patuloy ang paglandas ng mga luha. Nakita ko ang matinding pagsisisi sa mga mata ng lalaking kasama ko ngayon. Umupo siya at hinawakan ang pisngi ko. Pinahid ang mga luhang walang tigil sa pagpatak.

"Iniingatan ko siyang masaktan dahil kahit masaktan ka, malaki ang pagkakaiba niyong dalawa. Mas lamang ka Alexa." untag niya.

Naguluhan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ako kumibo at hinanap ko iyon sa isip ko pero nabigo akong makita. Hindi malinaw ang mga bagay na ito.

Matama niya akong tinitigan sa mga mata ko. Nangungusap ang mata niya. Nagsisisi. May pagmamakaawa.

"Pwede bang makinig ka muna?" tanong niya habang pinapahid ng daliri ang mga luhang lumalandas sa mata ko.

Hindi ako kumibo. Hindi ko alam ang dapat sabihin.

"Kagaya ng sinabi ko WALANG KAMI, Alexa. Mahal ako ni Serena pero hindi ko siya mahal. Hindi parehas ang nararamdaman naming dalawa para sa isa't isa."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ako makakibo. Pilit kong pinagtatagpo sa isip ko ang mga bagay bagay.

"Hindi ba't sinabi kong bumagsak ang kompanya namin? Ang pamilya ni Serena ang tumulong samin para makaahon kami sa malalang pagkakalugmok. Hindi ko matanggihan ang pagibig niya. Naging mabuti siyang kaibigan sakin, Alexa. Ayokong saktan ang feelings niya kahit na alam na niyang hindi parehas ang nararamdaman namin para sa isa't isa. Walang kahit na katiting na pagmamahal sa puso ko para sa kanya. Kung meron man, bilang kaibigan lang." huminto siya at suminghap.

Hindi niya inaalis ang mga mata sa mga mata ko. Para bang gusto niyang kunin ang loob ko sa mga sinabi niyang ito. Pinagtatagpi tagpi ko sa isip ko ang mga pangyayari.

Naalala ko ang lahat. Naisip ko na. Hindi niya mahal si Serena, siya lang ang nagmamahal kay Xavier. At dahil tinulungan siya ng pamilya nito, hindi niya magawang saktan ang dalaga. Malaki ang nagawang tulong nito para makaahon ang pamilya niya at makabalik siyang kaagad sa pagaaral. Naisip ko na. Pero hindi ako kuntento. Yun ba talaga iyon?

"Sa madaling salita, malaki ang utang naloob ko sa pamilya niya. At ng makiusap siya sakin na ipakikita daw niya ang pagmamahal niya at may pagbabakasakali siya na baka matutunan ko siyang mahalin ay hinayaan ko siya. Ayoko siyang saktan. Hindi sapat iyon para bayaran ang isang bagay na hindi kabayad bayad ng pera pero sinubukan kong gawin. Nagbaka sakali kami. Pero nabigo ako. Hindi ko siya natutunang mahalin, Alexa. Hindi ko kaya." aniya.

Parang huminto ang lahat ng pangyayari sa paligid. Huminto bai ang mundo sa pagikot? Pakiramdam ko, mawawalan ako ng hininga. Naninikip ang dibdib ko.

Napagtanto ko sa isip ko ang lahat. Unti unting naliliwanagan ang kadidilim na parte. Unti unting nasasagot ang mga tanong na akala ko noon, mananatili nalang na tanong sa isip ko.

"Sa bawat halik, sa bawat yakap, sa bawat yapos at hawak narerealize kong hindi siya ang taong kailangan ko Alexa. Hindi ang mga halik niya ang nakakapagpahinto ng mundo ko. Hindi ang halik niya ang nakakapagpabilis ng tibok ng puso ko. Hindi siya ang babaeng hinahanap ko. Hindi siya ang babaeng gusto ng puso ko para sakin. Sumugal kami. Hindi ako natakot dahil hinayaan ko lang din ang puso ko na baka siya nga ang babaeng susunod kong iingatan pagkatapos ni Ate Cariza. Pero natalo kami sa sugal na iyon, Alexa. At ang araw na nakita mo kami sa rooftop at ang lahat ng narinig mo? Siguro malinaw naman. Pinuputol ko na ang lahat ng meron kami. Hindi ko na maatim na itago pa sa kanya na hindi ko siya matutunang mahalin. Hindi siya mahirap mahalin, Alexa. Hinding hindi. Perpekto siya kung iisipin. Pero hindi ko siya nagawang mahalin. Ayokong umasa pa siya. Nasaktan na ako dahil alam kong nakasakit ako. Umiyak siya dahil sakin at ayoko ng ganung bagay. Gago ako diba? Badboy ako sa paningin ng iba. Pero maniwalan ka o sa hindi, ayokong may nakikitang umiiyak. Pakiramdam ko, nababawasan ang pagkalalaki ko. Namumuhi ako sa sarili ko. Namuhi ako sa sarili ko ng araw at oras na iyon dahil nasaktan ko si Serena. Ang babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ako. Pero ganun talaga e." tumigil siya sumandali para umayos ng pagkakaupo.

"Makinig kang mabuti ah? Hindi lahat ng gusto mo, dahil gusto mo ay makukuha mo. Hindi lahat ng bagay na gustuhin mo, dapat gawan mo ng paraan para makuha mo. Paminsan minsan, kailangan mong mag relay sa sinasabi nilang TADHANA. Kung saan, tinakda para sa itinakda at pinagtapo para sa pinagtagpo lamang. Hindi lahat ng pinagtatagpo ay nakatadhanang maging isa hanggang dulo. May mga tao talaga na pinagtatagpo lang ng tadhana. Pero ang masakit na parte ay hindi sila itinakda. Pinagtagpo pero hindi itinakda, Alexa." utas niya.

Author's Note:
Tagal ko ding walang ganito no? Hahahaha. Naiyak talaga ako sa part na 'to e. Hugot kung hugot. Hahahaha! continue reading guys. Rak na this. \m/

-Salamat sa mga walang sawang bumabasa diyan at isinisingit ang wattpad sa grabe nilang sched. Saludo ako sa inyo! *Hugs and Kisses*

Read. Vote and please Spread. ××

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now