Chapter3: Pagbabakasakali

72 6 0
                                    


Natapos ang isang buong araw ng lutang ang buo kong utak. Parang lahat ng sinabi ni Serena, naging bagabag sa utak ko.

Hindi ako makatulog kaya naman, bangag akong papasok sa school today. Iniingatan ko sanang mapansin ako ni Kuya Kit dahil alan kong pagagalitan nyako. Lalo naman si Aiden. Lagi pa naman mainit dugo nya.

Nagkasalubong kami ni Aiden na dapat papunta na sya sa kwarto ko at gigibain nanaman 'to kakakatok.

Yumuko agad ako sa kagustuhan kong hindi nya mapansin ang pangangalumata ko.

"Gabrielle!" aniya habang mabilis akong sinundan sa madali kong pagbaba ng hagdan.

sumagot ako ng hindi sya tinitingnan, "Yes Aiden." sabay diretcho sa paglakad.

Kinabahan ako ng maramdaman kong malapit na sya sa likod ko.. ng bigla nya akong tabigin paharap sa kanya.

"Pumasok ka sa kotse dalian mo." aniya sabay turo sa naghihintay na si kuya Kit.

"Oho." sabay irap sa kawalan.

Tumakbo naman agad ako sa kotse at inantay makapasok si Aiden.

Pagkapasok nya, agad nang pinaandar ng driver namin ang sasakyan at saka nya ako sinermunan.

"Anong oras ka natulog kagabi Gabrielle?" sigaw nya ng nakaharap sakin, "Kit pagsabihan mo nga yang si Gabrielle. Tingnan mo ang itchura parang nagpuyat ng isang taon!" baling naman nya kay Kuya Kit.

"Stay calm Aiden. Wala kang kaaway dito." wika ni kuya Kit kay Aiden.

Matutulig nanaman ang tenga ko sa kapatid kong 'to. Jusmeyo.

"Tss." wika naman ni Aiden sabay irap.

Hanggang sa makababa kami ng kotse hindi kami nagpapansinan ni Aiden pero hindi naman nyako pinabayaang umakyat magisa sa room ko. Hinatid padin ako ni Aiden.

Nakita ko nanaman ang pangingisay sa kilig ng mga kaklase ko kay Aiden na noon ay una kong nakita kay Xavier.

Napailing iling nalang ako.

Xavier.. Tama? Nasaan si Xavier?

Agad kong sinuyod ang buong classroom ng hindi ko makita si Xavier agad naman akong ginulat ng isang sexy-ng boses mula sa likuran ko.

"Ako ba ang hinahanap mo?" wika ng nagsalita sa tapat ng tenga ko na.. Hindi ako pwedeng magkamali.

Tumindig ang balahibo ko at napapikit ako ng natapos ang nagsasalita. Ang boses na iyon..

"Hahahahaha!" sabay tawa at sumulyap sakin matapos ay dumaan sa harap ko.

Nakita ko namang para syang isang hot model na naglalakad papunta sa upuan with matching silver dust sa likuran nya. OMG! As in OMG. He's so.. Urgh!

Hindi ko na napansin ang inis ko sa kanya at napanganga nalang ako sa tapat ng pintuan until..

"GIRL! Ano ka ba dyan? Tara na sa loob." hila sakin ni Colline na naabutan naman akong nakatunganga.

Na-stun ako sa kagwapuhan at kasexyhan ng boses nya. Pero hindi ko pwedeng kalimutan na.. May goal ako.

Yun ay ang ibalik ang pagiging mabuting tao nya. Eh paano? Kung ganito sya sa akin? Kung hindi nya ako susupladuhan, bubwisitin naman nya ako.

Nakakakulo ng dugo ang ugali ng isang 'to! Ang sarap pilipitin ng leeg kaso sayang. Gwapo e..

Naupo na ako sa tabi nya at pagupo ko, pailing iling sya habang nakangisi.

Itiniklop ko ang dalawang palad ko at ipinatong sa mesa. Nanggigil na talaga ako sa lalaking 'to.

Ano bang problema nya? SANTISIMA!

Habang nakapatong at nanggigil sa galit, bigla syang dumaan sa harapan ko at para bang sinadya nyang banggain ako.

Dahil don, natapakan nya ang paa ko at naurong ang kamay ko kaya..

PLANGAK!

Tumama ako sa desk na pinagpapatungan ng kamay ko.

Sa sobrang galit at inis ko napasigaw nalang ako habang nakapikit sa sobrang sakit ng paa ko, "NAPAKA ANTIPATIKO!" bakal yata ang paa ng hinayupak na 'to. umalingawngaw ang sigaw ko sa loob ng room.

Na hindi ko naman namalayang nasa pintuan na pala si Sir Domingo.

Pagdilat ko, nakita ko nalang sa gilid ng mata ko na pinagtitinginan ako ng lahat.

Napakagat labi nalang si Colline sa kagagahan ko at dahil dun.. Malalim akong bumuntong hininga at..

"MS TRINIDAAAAAAAAAAAD!" umalingawngaw nanaman ang malakas na sigaw ni Mr Domingo.

Nabigla ako sa pagsigaw nya kaya halos manigas ang buong sistema ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko maigalaw ang katawan ko kahit gusto ko.

Parang sasabog sa init ang tenga ko. Naramdaman kong nagumpisang mamula ang dibdib ko, leeg hanggang tenga.

Hindi na ako nakagalaw sa kahihiyan at..

"MS TRINIDAD! GET OUT OF MY CLASS!" sigaw ulit ni Mr Domingo.

Nakita ko namang napahawak sa ulo si Colline, "Pero sir.." ika nya.

"Bakit Ms Mansala?! May problema ba o gusto mong samahan si Ms Trinidad na lumayas sa loob ng classroom na 'to?" wika ni Mr Domingo kay Colline sa mataas na boses.

"Colline.. Okay lang." ngumiti ako ng matabang.

Napayuko nalang si Colline at hindi na sumagot pa ulit habang si Xavier naman ay nagtangkang pumasok mula sa labas.

"Excuse me p.." hindi na sya pinatapos pagsalitain ni Mr Domingo at agad din syang binalingan.

"Saan ka galing Mr Madrigal? Ano bang sinabi ko? Ayoko.. ng late.. sa klase ko." aniya kay Xavier.

Napalunok nalang ito at ginulo ang buhok sabay may ibinulong.. "Pambihira." ika nya sa mahinang boses pero nakatitig kasi ako sa kanya. Sa bibig nya kaya nabasa ko.

"At dahil dyan! MS TRINIDAD AND MR MADRIGAL MAAGA ANG FREE TIME NYO. GO OUT!" ika nya ulit ng pasigaw

At bago pako matorete sa kasisigaw ng teacher na 'to ay naglakad na ako palabas.

Pagtapat ko sa pinto kung saan nakasandal si Xavier ay hindi ko napigilan ang sarili ko, "Hmmmmm!" sabay kagat ng madiin sa labi ko.

Sa sobrang diin halos magdugo na ang labi ko.

Paglabas ko dumetcho nalang ako sa isang cafeteria at doon ibinuhos ang galit ko.

Nakakainis! Nakakagigil talaga sya! Pero sa kabila ng lahat ng pangaasar at pagpapahirap nya sakin..

May napapansin ako. Hindi tunay ang mga ngiti nya.
Kita at bakas sa mata nya ang matinding lungkot. Malungkot sya. At tanging mga taong interesado lamang ng totoo sa kanya ang makakaintindi ng bagay nayun.

Sa kabila ng ngiti nyang nakakatunaw kasabay ng pagkawala ng mata nya ay ang lungkot na nahihirapan syang ilabas kung kaya idinadaan nya nalang sa bisyo at pagkagalit sa mundo ang lahat.

May problema sya. Hindi ko alam kung ano pero sa tingin ko dapat kong alamin.

Kailangan nya ng kaibigan. Baka kailangan nya. Siguro. Pero..

A/N: Napalayas si Gab sa room. Haha! Abangan ang susunod na kabanata :)
Follow me. Read. Vote and please Spread. ×

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now