Chapter23: GORG!

35 4 0
                                    

"Lumabas ka na dyan, dalian mo. Ma le-late na tayo." untag ni Aiden mula sa labas ng pinto at narinig ko nadin ang mga yabag niya pababa ng hagdan.

Lumabas ako ng kwarto at sinubukan kong maglakad ng may confidence. Nakaheels na kasi ako this time. Mababa lang naman pero feeling ko, ang hirap maglakad.

Pagdating ko sa tapat ng kotse, napansin kong nanginang ang mga mata ni Aiden. May panunuya sa nga titig niya.

"Ikaw ba talaga yan? Gabby?" aniya sabay tawa at pinagbuksan na ako ng pinto.

Umirap lang ako at hindi ko na siya kinausap. Wala si Kuya Kit kaya driver lang namin ang maghahatid samin sa school.

"You look so different today our baby girl." ani Aiden ng malapit na kami sa room.

Ngumiti lang ako at ng makatapak ako sa pinto, nakita kong napanganga ang mga classmate ko. Narinig ko na ang bulung bulungan sa paligid. Binale-wala ko ito.

"Si Gabrielle ba iyan? She look like a damn princess!"

"So Gorg! Hindi ako makapaniwala. Anong nakain niya?"

"My goodness! I can't even imagine na kayang gumanda ng isang Gabrielle ng ganyan."

Napailing iling nalang ako ng marinig ko ang mga tao. Hinawakan ko ang mukha ko. Nagtanong ako sa sarili ko. Ganoon ba talaga kalaki ang pinagbago ko para maging ganyan ang reaksyon ng lahat? Hindi ko alam. Matagal tagal nadin naman ang lumilipas simula ng magkaroon ng pagbabago sakin pero tila araw araw ay lalo akong nagiimprove para araw araw akong maging usap usapan.

Hinanap ko si Colline na noo'y wala pa. Iniisip ko na baka malate siya dahil maguumpisa na ang klase sa ilang minuto.

Nakapalumbaba lang ako habang hinihintay si Mr.Domingo. Pero teka? Siya lang ba talaga ang hinihintay ko? Para kasing hindi.

Lumingon ako sa kinauupuan ni Xavier pero bigo akong makita siya. Wala pa siya. Anong oras na.

Yumuko ako sumandali at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Pagod lang siguro. Pagod kakaisip. Over thinking.

"Ms.Trinidaaaaaaaaaad!" nagising ako sa isang malakas na sigaw mula sa harapan. "Anong itinutulog tulog mo sa klase ko?" ani Mr.Domingo.

Hindi ako kumibo. Inayos ko ang sarili ko at nakita kong ayos na ang lahat. Nandito na si Colline pati nadin si Xavier. Pinaglalaruan niya ang ballpen gamit ang dalawang daliri. Habang si Colline naman, pinapalobo ang pisngi na napapailing.

Hinayaan kong tumakbo ng natural ang mga bagay bagay kahit tila naging isa akong malaking pagbabago para maging usap usapan ng lahat. Hindi ko maipaliwanag pero hindi saya ang nararamdaman ko.

Nakaupo ako sa bench ng campus ng biglang mahagip ng mata ko ang lalaking noo'y palabas na ng school. Maagang natapos ang klase ko dahil walang prof sa last class.

Sinundan ko ang lalaking iyon. Nakasukbit sa balikat niya ang gitara at tila papunta ng roof top. Sinundan ko siya hanggang sa makita kong nasa loob na siya. Hindi niya masyadong naisara ang pinto dala ng pagmamadali. Na siyang naging daan para masilip ko kung ano o sino ang nasa loob.

"Ayoko na Serena. Hindi ko na kayang magpanggap." ani Xavier sa babaeng nasa harapan niya.

Agad akong nalungkot. Naalala kong ilang araw ko na nga palang nakikitang magkasama si Xavier at Serena. Hindi nga lang madalas sa loob ng campus dahil ang balita ko ayaw daw ni Xavier na maging isang malaking usapan ang lahat sa kanila ni Serena. Hindi ko alam kung anong namamagitan sa kanilang dalawa dahil hindi kumpirmado ang mga kilos nila.

Madalas ding magkwento sa akin si Colline na nakikita niyang magkasama si Serena at si Xavier sa labas. Hindi ako makakibo dahil hindi ko maamin sa sarili kong nakikita ko din naman sila. Wala pa namang isang linggo pero madalas.

Umiiyak si Serena sa harapan ni Xavier. Hindi makakibo at patuloy sa paghikbi.

Hindi ko makita ang emosyon sa mukha ni Xavier dahil nakatalikod ito sa akin.

"Bakit? Anong nagawa kong mali para dito? Nagsawa ka na ba? Ayaw mo na ba ng pera ko?" untag ni Serena sa nakatayo sa harapan niyang si Xavier.

"Serena.." yun palang ang nasasabi niya ay agad na siyang binasag ng babae.

Sinampal siya nito ng buong lakas at tumakbo palabas. Dahil nasa tapat ako ng pinto, napalingon muna siya sakin bago tuluyang kumaripas ng takbo palabas. Luhaan at mukhang durog na durog.

Dahil napaawang ng malaki ang pinto sa pagkakabukas ni Serena ay nakita kong maigi si Xavier. Sumandal siya sa isa sa poste doon ay nagpadausdos dito. Umupo siya sa sahig at nakita ko ang pasa sa gilid ng labi niya. Nagtaka ako kung saan ito galing. Hindi ko alam kung dahil ba sa sampal ni Serena. Ganoon nalang ba talaga siya kalakas sumampal para magkapasa si Xavier ng ganito?

Lalo akong nawindang at hindi napakali ng makita ko ang galos sa mga braso niya. Hindi ito basta galos. Mukhang bago lang ito. Dalawa o isang araw pa lamang.

Dahil dito naglakas ako ng loob na pumasok. Nilapitan ko si Xavier na noo'y magsisindi na sana ng sigarilyo. Hindi ba siya nagsasawa na sirain ko nanaman ang lighter niya? Ako, napapagod na ah.

"Kailangan ba sa tuwing makikita kita, ganyan ka?" wika ko habang nakatingin ng diretcho sa kanya. Unti unti akong lumapit.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalamang nandito ako?" aniya sabay buga ng sigarilyo.

Napaubo ako ng masinghap ko ang amoy na ito. Hindi ako sanay. Nauubusan ako ng hininga kapag nakakaamoy ako ng sigarilyo. Pakiramdam ko anytime magcocollapse ako sa kawalan ng hininga.

"Kagaya ng lagi mong sinasabi sakin, Hindi na mahalaga." nasabi ko nalang habang parang may bumabara sa lalamunan ko dala ng usok ng sigarilyo ni Xavier.

"Anong problema mo at uubo ubo ka diyan?" matapobre niyang tanong.

Umubo pa ako ng umubo, "Sensitive ako sa amoy ng sigarilyo. Nawawalan ako ng hininga."

Nanlaki ang mata niya at nakita kong ibinaba niya ang sigarilyong hawak.

Napakahawak na ako sa lalamunan. Pakiramdam ko nasasamid na ako ng sobra dahil sa usok ng sigarilyo.

Pinatay niya na ito. Diniin niya ang unahan sa sahig dahilan para mapahinto ang pagusok ng sigarilyo.

Nabigla ako sa ginawa niya dahil hindi ko ito inaasahan. Nilapitan niya ako at narinig ko sa tinig niya ang pag-aalala.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Iniupo niya ako sa sahig. Naiwan sa hindi kalayuan ang bag ko. Lumuhod siya sa harapan ko.

"Anong nangyayari sa iyo?" aniya sa tonong may pagaalala.

Parang anghel ang kausap ko. Pakiramdam ko nasa langit na ako.

Itinuro ko ang bag ko. Tinutukoy ko ang inhaler sa loob nito. Agad niya akong iniwan sandali at nilapitan ang bag ko.

"I-inhaler." nauutal ko ng sabi dahil sa kinakapos na ako ng hininga.

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now