Chapter16: Ramdom Thoughts

39 4 0
                                    

Sa totoo lang, nasagot ang mga tanong sa isip ko. May kulang pero pakiramdam ko nabawasan ang tanong na matagal ko ng hinahanapan ng kasagutan. Kinurot ang puso ko ng mag sink in sa utak ko ang lahat ng sinabi niya. Hindi malinaw ang lahat, pero naiintindihan ko ang pinaggagalingan niya.

Sa sobrang awa dahil pakiramdam ko, nabuksan kong muli ang naghihilom palang na sugat sa puso niya, hinawakan ko ang ulo niya gamit ang magkabila kong palad. Itinaas ko ang ulo niya at kinausap ko siya.


Nabakas ko sa mukha niya ang matinding galit at lungkot. Ramdam na ramdam ko mula sa puso ko ang sakit na nararamdaman niya. Parang sinampal ang puso ko. Parang kinukurot.


"Hindi naman ako kagaya nila Xavier." patuloy ang patulo ng luha ko. Napansin ko ang nakakuyom niyang kamay dala ng sobrang galit.

Humikbi siya, "Iwan mo nalang din ako. Ayokong umasa na may tao pang magkakaroon ng pakielam sakin."


Tinitigan ko siya ng diretcho sa mata, naging blurry na ang paningin ko dala ng luha, "Hindi kita iiwan. Hindi ako kagaya nila."


Lalo pang dumiin ang pagkakakuyom ng kamay niya. Galit. Yun lamang ang nababakas ko. Hinawakan ko ng isa kong kamay ang kamay niya. Pinaglapat ko ang mga palad namin. Naramdaman ko mula sa kamay ko ang paghupa ng konti ng galit niya.


Tinitigan ko siya ng diretcho sa mata, nakita ko ang lubos na lungkot. Naramdaman kong kailangan niya ako. "Hindi pare-pareho ang tao Xavier. May mga taong darating para saktan ka. Para paasahin sa pagmamahal niya. May mga taong iiwan ka nalang bigla. May mga taong walang pakundangan kang sasaktan. May nga taong papaniwalain ka na totoo ang pagmamahal nila. Ang lahat ng bagay ay tumatakbo sa paraan kung paano ito itinakda Xavier. We cannot blame anyone. Coz no one knows what will happen next. May mga taong dadaan lang sa buhay mo pero sa isang banda, may taong magmamahal sayo sa paraan kung paano mo gustong mahalin. May magpapahalaga at may magbibigay ng importansya sa kung ano ka. At kung ano lang ang kaya mo. Mabuti kang tao, hindi mo deserve ang mga bagay na ito Xavier. Maniwala ka sakin."


Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko. Nanlambot ako. Nakaramdam ako ng matinding awa at pagmamahal galing sa kanya. Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya. Patuloy ang pagluha naming dalawa. Kinukurot ang puso ko.

Pumikit siya at muling dumilat. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo. Iba ang pakiramdam. Naramdaman kong parang may kung anong nag fi-fiesta sa loob ng tyan ko. Nagulat ako, pero at the same time lalo akong napamahal sa kanya. Hindi ko alam kung masyado bang mabilis, pero gusto ko na talaga siya. Mariin, malambing, mainit ang halik na binitiwan niya sa noo ko.


Idinausdos niya ang labi mula sa noo ko at hinahalikan ang nadadaanan nito. Ang ilong ko. Nahalikan na din niya ang ilong ko. Huminto siya dito. Nakapikit lang siya kaya wala akong mabasang emosyon.

Pagkatapos ay.. nanlaki ang mata ko ng paglapatin niya ang labi namin. Maiinit. Matagal. Nakakahalina. Nakakapanghina. Nawawala at nalalasing ako sa mga halik niya.


Huminto siya sumandali para huminga, "Ngayon ko lang ulit naranasan ang mahalin at bigyan ng halaga Alexa."


Kinurot ang puso ko. Pagkatapos ay nagpatuloy na siya sa paghalik sa akin. Hindi ko alam, naguguluhan ako pero hinayaan ko na lamang ang sarili kong makipaghalikan sa kanya. Nalunod na ata ako.


Malalalim ang halik na namagitan sa aming dalawa. Itinayo nya ako ng hindi humihinto sa paghalik. Naglakad ako patalikod hanggang sa makarating kami sa kwarto niya. Malinis, maaliwalas. Ang sarap tumira dito.


Patuloy ang halik at tuluyan akong nawala sa sarili ko. Sumisilip ang kalat kalat niyang dimples. Nakakatunaa. Itinulak niya ako ng dahan dahan hanggang sa napahiga kami sa kama. Nasa ulo ko ngayon ang dalawang kamay niya. Nakapatong siya sa akin at nasa pagitan ng mga binti niya ang katawan ko. Napapikit nalang ako at napatianod ako sa nangyayari sa aming dalawa. Bumitaw siya sa halik at hinipan sumandali ang buhok na nakaharang sa mukha ko. Saka, nagpatuloy.


Natigilan kami ng biglang kumalam ang tyan niya. Nabalik ako sa wisyo, naalala kong nagugutom nga pala ang isang 'to.

Ngumisi siya, "Nagugutom nako." aniya.


Tumawa ako at tumayo nadin kaagad kaming dalawa. Hinawi niya ang buhok ko at inipit ito sa tenga ko. Napangiti ako sa ginawa niya. Napangiti din siya dito at muling sumilip ang kalat kalat na dimple sa gilid ng labi niya.


Pagkatapos ay iniwan ko na siya sa kwarto. Naglakad na ako papunta sa ref at kumuha ng mga pwede kong magamit para sa lulutuin ko sa kanya. Habang naglalakad palapit sa mesa, dala dala ang mga gamit narinig ko naring kumalam ang tyan ko. Gutom nadin ako.


Makalipas ang ilang minito habang nakasalang ang niluluto ko ay sumilip ako sa kwarto niya, naabutan ko syang mahimbing na natutulog habang ang isang kamay ay nasa likod ng ulo at ang isa naman at nasa abs. Oo tama sa abs. Nakakatulala talaga ang pangangatawan niya.


Ilang sandali bumalik na kaagad ako sa kusina para silipin ang niluluto ko. Nakita kong malapit na itong maluto kaya naglatag na ako ng mga plato sa lamesa. Konti lang ang gamit niya dito, sabagay nagiisa lang naman kasi siya.

Pagkatapos kong maglatag ng kakainan ay binalikan ko ang niluluto ko at, luto na ito. Agad kong inihanda ang lahat sa mesa at ng palapit na ako sa kwarto para sunduin si Xavier ay nagulat ako.


Nagkasalubong kami at nauntog ako sa baba niya. "Araaaay." sabi ko sabay pout.


Halata naman sa kanyang nagulat siya. Niyakap nalang niya ko, niyakap ko din naman siya pabalik at naramdaman ko sa chest niya ang pag ngisi niya.

Laking gulat ko ng tinusok tusok niya ako sa tagiliran ko. Dahil dito napatakbo ako. Hinabol niya ako at niyakap niya ako galing sa likuran. Dahil sa sobrang kiliti napatawa nalang ako ng napatawa. Binuhat niya ako sa ganitong posisyon at iniupo ako sa upuan sa tapat ng lamesa. Hinalikan niya ako sa noo bago pumunta sa uupuan niya. Siya na ang nagsandok at nagsaayos ng lahat.


Agad agad nadin kaming kumain. Mukha naman siyang nasarapan sa luto ko dahil naubos namin ang lahat ng niluto ko. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Yung hindi ka lang puro crush, hindi lang puro paghanga.


Magulo pa sa ngayon, hindi ko pa maipaliwanag sa isang salita kung anong meron saming dalawa. Kung may namamagitan ba. Basta ngayon alam ko na kung ano ang pinanggagalingan niya. Naiintindihan ko na. At dahil dito, mas lalo ko siyang nagugustuhan. Mas lalo akong nahuhulog sa kanya.


A/N: Dumada-moves na si Xavier. Naks!


Follow me. Read. Vote and please Spread. ××

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now