Chapter5: Curiousity

55 7 0
                                    


Pumasok ako ng nakabusangot. Maski si Aiden at Kuya Kit hindi alam ang dahilan. Tinatanong ako ni Kuya Kit kung bakit parang biyesnes santo ang mukha ko pero hindi ko sinabi. Alangan naman kasing sabihin ko sa kanyang pinalayas ako diba? Edi pinagalitan pa ako ni Aiden tss.

Panay ang tanong sakin ni Aiden kung bakit ganito ang pagmumukha ko pagpasok. Para na nga daw akong lalaki kung mag-ayos, ganito pa daw mukha ko. Watdaef?!

Hindi ko sinagot ang kahit na ano sa tanong ni Aiden hanggang sa makapasok ako ng room. Buti nalang at naunahan ko si Mr.Domingo dahil alam kong tatalakan nanaman ako nun.

Pagdating ko, halos kumpleto na ang lahat. Kokonti nalang ang mga kaklase kong wala pa. Naglalakad ako papunta sa upuan ko ng kausapin ako ng kausapin ako ng isang babae,

"Trinidad ka hindi ba? Bakit ganyan ka manamit?" aniya.

"Wala naman atang masama sa pananamit ko." nasabi ko nalang sabay tingi sa suot ko.

Nakat-shirt lang pala akong fit sa katawan, belly bottom na pants at sandals. Deym!

Tinitigan naman nya akong mabuti. Hinead to foot ako nung babae.

"Parang hindi ka Trinidad manamit." aniya.

Ngumisi nalang ako at tinalikuran na sya. Ano bang pakielam nya sa way of clothing ko. E sa iritable nga ako e.

Bago ako umupo, napansin kong wala pa si Xavier. Si Colline naman may hinahagilap sa bag nya kaya mukhang hindi niya ata ako napansin.

Luminga linga ako para hanapin ang mala-anghel na mukha ng antipatiko nayun pero hindi ko sya nakita.

Sa tagal ni Mr.Domingo, mukha atang malelate sya. Dumungaw muna ako sa bintana para magmuni muni gayung alam ko naman na busy si Colline.

Pag silip ko, tanaw ko ang labas ng campus dahil nakatayo ang building namin sa kabila ng kalsada. Sa kabila naman ang field. Dito, kalsada ang kita. Malayo ang naaabot ng mga mata ko. Ang sarap ng hangin dito, nakakawala ng stress.

Malayo ang tingin ko at pinagmamasdan ang magandang daloy ng pamayanan sa labas. Napangiti ako ng makita ko ang isang batang tinulungan tumawid ng kalsada ang isang matanda. Nakakantig ang nakita ko. Ngunit ng napadako ang mata ko sa isang bahagi, may nakita akong pamilyar na mukha.

Kinusot ko ang mata ko dahil medyo blurry ang paningin ko. Minumukhaan ko kung tama ba ang nakikita ko.

Si Xavier ba ito? Nakita ko syang itinatapon ang isang paubos ng sigarilyo galing sa bibig nya.

Nakasandal sya sa isang pader at malayo ang tingin. Para syang may iniisip. Pagkatapon nya ng upos na sigarilyo ay inapakan nya ito. Pagkatapos ay nakita ko syang ngumisi at umalis na. Papasok na ata sya.

Tama ba ang mga nakita ko? Si Xavier ba talaga yun? Pero bakit? Naalala ko ang mga sinabi samin ni Serena tungkol kay Xavier. Naalala ko na, badboy nga pala sya. Pero hindi bagay sa mukha nya. Nasasayang lang sya sa ginagawa nya.

Napatunganga ako sa bintana dahil hindi ko ineexpect na makikita ko ng ganoon si Xavier. Hindi ko alam pero, kumabog ang dibdib ko at parang nakaramdam ako ng guilt sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Napalunok ako at hindi padin inaalis ang mata ko sa pinagtayuan ni Xavier. May mga nabuong tanong sa isip ko kagaya ng, bakit? Bakit sya ganun? Anong problema nya? Ano ba talagang nangyari sa kanya?

Nabalik lang ako sa ulirat ng tapikin ako ni Colline, "Uy girl nandyan ka na pala. Di kita nakita?"

Hindi pa agad ako nakasagot.

Pinukpok ko ng mahina ang ulo ko para matauhan, "Oh Colline."

Tumaas ang kilay nya, "Sabi ko, nandito ka na pala."

"Ay sorry. Oo, nakita kong busy ka kanina kaya hindi na kita nilapitan." humarap na ako sa kanya at umupo ng maayos sa upuan.

Wala padin si Xavier sa mga pagkakataong yun.

"Eh nawawala kasi yung isang note ko sa isang subject. Patay ako pag nagkataon." huminto sya at bumuntong hininga, "Teka.. Okay ka na ba?"

Tumango ako at ngumiti, "Oo Colline. Salamat."

Natigil ang usapan namin ng makita ko si Xavier na nagmamarta papasok. Seryoso ang mukha nya at para bang wala kang emosyon na mababakas. Malungkot at nangungusap ang kanyang mga mata. Dirediretcho lang sya sa paglalakad hanggang sa makarating sya sa upuan nya sa tabi ko.

Nanatiling seryoso ang mukha nya, umikot sya dahil naka harang si Colline sa dadaanan nya at doon na umupo. Hindi ko namalayang sinundan ko na pala sya ng tingin hanggang sa makaupo.

Nakawhite v-neck lang sya, naka dog-tag at naka black na pants. Tumingala sya habang nakaupo sa tabi ko at kumuyom ang kanyang mga panga. Pumikit siya at humalukipkip. May tatlong minuto syang nasa ganitong posisyon.

Tinititigan ko lang sya at hindi ko namalayang bumalik na pala si Colline sa upuan nya at muling hinalughog ang bag nya.

Tinitigan ko ang mukha nya. Emotionless habang nakatingala. Wala kang mababakas na kahit na ano sa mukha nya habang nakapikit.

Nalulusaw ako sa pagtitig ko sa kanya. Para akong nakatitig sa isang napakagwapong nilalang na gusto kong iuwi sa bahay para idisplay. Napakagwapo at amo ng mukha nya. Mala-adonis.

Ilang minuto pa ay dumilat na siya. Naaligaga ako dahil sa pagdilat nya, agad syang tumingin sa diretchong direksyon at inalis ko naman ang tingin ko sa kanya.

Kinabahan ako at tumagaktagak ang pawis ko kahit naka aircon ang room namin. Alam ko sa sarili ko na nahuli nya ang mga titig ko sa kanya.

Napalunok ako at pinunasan ang pawis kong panay ang tulo at nakita ko sa gilid ng mata ko ang pagtingin nya sakin. Ngumisi siya at bumuntong hininga, hinawi ang buhok nya gamit ang daliri at umayos nadin ng pagkakaupo.

Ilang sandali lang ay dumating nadin si Mr.Domingo na late sya ng mga lima hanggang sampung minuto.

Narinig ko ang maala kabayong yakap sa loob ng dibdib ko. Mabilis ang tibok ng puso ko na para bang may nagaganap na karerahan sa loob.

Pumikit ako at umiling iling dahil sa kahihiyan. Nahihiya ako dahil naabutan nyang tinititigan ko sya. Hindi mawala sa utak ko ang nangungusap nyang mga mata at ang mala-anghel nyang mukha. Napakagwapo nya. Perpekto. Wala akong masabi.

Muli akong nakaramdam ng guilt sa sarili ko. Namuo ang iba't ibang tanong sa utak ko. Marami, pero walang sagot.

Bakit ka malungkot, Xavier Madrigal?

A/N: Omg ang ating gwapong badboy. Hahaha!:) Mahal daw ni Xavier lahat ng magfofollow, patuloy na babasa, magvovote at magispread nito. ×

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now