Chapter12: Nahulog na sayo

56 5 0
                                    

Nakita kong nagulat padin siya sa pagkakahablot ko ng sigarilyo sa kamay niya. Alam ko sa sarili ko na nakita niyang napaso ako. Pero hindi ito ang issue. Kaya hindi ko na muna pinansin pa. Kaya ko namang tiisin ang sakit. Kung yung kanina nga natiis ko, eto pa?


Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi niya. Napaisip din ako? Hindi ko rin alam. Hindi ko pa alam. Magulo pa kasi yung isip ko. Hindi ko pa alam yung sagot. Kaya bawat tanong niya, binabalikan ko din ng tanong.


Mukhang desperado na siyang umalis kaya habang lumalakad siya, hindi padin nito napigilan ang gusto kong makausap siya. Habang palayo siya ng palayo sinusundan ko siya,


"Anong pakielam ko? Meron. Kasi alam kong hindi ka naman ganyan e!" untag ko.


Huminto siya sumandali at nakita ko siyang umiiling, "Ano naman sayo? Big deal ba sayo kung ganito ako? Wala ka naman dapat pakielam diba?"


Napahinto ako sa sinabi niya. Hindi ko rin alam kung saang bahagi ba ng utak ko kukunin kung anong isasagot ko sa mga tinatanong niya. Lumakad na siya ulit pero ramdam kong nagaantay siya sa isasagot ko. Sinundan ko padin siya.


"Kung yung iba walang pakielam, ako meron." wika ko sa isang tonong may pangungumbinsi.


Napahinto naman siya at nilingon ako. Na para bang gusto niya ring malaman kung ano ba talagang dahilan ng pagkausap ko sa kanya. Hindi ko maalis ang titig ko sa mga mata niya. Nawala ang takot ko, napalitan lahat ng pagkadesperada. Sa matatawag kong magandang pamamaraan.


"Ano ba talagang gusto mo?" wika niya sa seryosong tono na bumasag naman sa katahimikan ng kinatatayuan namin.


Sa kakalakad niya, malayo layo nadin ang narating namin. Hindi ko na nga ata alam kung saan 'to. Basta alam ko, sinusundan ko siya.


"Gusto kong patunayan na hindi ka badboy. Gusto kong kilalanin ka. Gusto kong malaman mong may pakielam ako sayo." wika ko.


"Para saan? Wala kang mapapala sa kagaya ko. Ako ng nagsasabi sayo." aniya sa seryosong tono habang hindi ko naman maipaliwanag kung anong awa ang nararamdaman ko para sa kanya.


"Meron." nasabi ko nalang.


"Kung ganon, ano?" aniya.


Suminghap ako, "Gusto kong patunayan na mabuti kang tao. Gusto kong mapaniwala ang lahat na mabuti ka. Alam mo bang hinahanggan ka nilang lahat? Pero at the same time takot sila sayo. Kasi nga, akala nila BADBOY ka. Hindi naman diba? Naniniwala ako sa sarili ko na hindi totoo yun."


Tumalikod siya na para bang may kung ano sa sinabi kong tumimo sa puso niya. Muli siyang nagpatuloy sa paglakad papalayo. Sinundan ko siyang muli,


"Ano bang nalalaman mo sakin? Bakit ba desperada kang kilalanin ako?" aniya.


Umiling ako kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita dahil nakatalikod siya, "Kailangan ko pa bang paulit ulitin? Kasi nga, naniniwala akong hindi totoo lahat ng sinasabi nila."

Suddenly, Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon