Chapter30: Kuya's love

29 3 0
                                    

"Saan ka galing?" utas ni Aiden na nakahalukipkip sa harapan ko.

Tiningnan ko ang wrist watch ko at nakita kong hapon na pala. Hindi ko napansin ang oras dahil sa mga pangyayari kanina na hindi ko makalimutan. Tanghali palang ay tapos na ang klase ko pero dahil nga sa mga yon ay inabot na ako ng hapon. Nagpalipas pa kasi ako ng sama ng loob. Oo, masama ang loob ko dahil pakiramdam ko ang bigat bigat ng nangyayari sa paligid ko. Naguguluhan na nga ako.

Nagiwas ako ng tingin, "Kumain sa labas, Aiden."

"Sinungaling." matama niyang sabi.

Hindi ako nakasagot kaagad. Kahit gusto kong makipagtalo, wala akong lakas. Nanlalata padin ako dahil sa kanina. Hindi maalis sa ala-ala ko.

Lumakad ako at umambang aakyat na ng hagdanan para pumasok sa kwarto ko ng higitin ako sa braso ni Aiden. Napaaray ako sa bigat ng kamay niya.

"Ano bang gusto mong malaman?!" matapang kong sabi na iniinda ang sakit ng braso ko.

Hinarap niya ako. Matatalim ang titig niya na parang hinihigop ang hininga ko. Nanlilisik ang mga mata niya. Bakas ang nagaalab na galit.

"Nakita ko kayo ni Xavier kanina na pumasok at lumabas ng CR. Anong ginawa nyo?! At nag lock pa kayo ng CR ah?! Ganyan ka ba namin pinalaki Gabrielle?! Kelan ka namin tinuruan ng kabulastugan na ganyan?!" mataas ang boses ni Aiden.

Namumula sa galit ang maputi niyang mukha. Dinalaw ako ng kaba.Nagbalik sa ala-ala ko ang kanina na hindi naman talaga nawala. Nanlambot akong muli. Hindi na ako makapagsalita pa.

Nabibingi ako sa mga sinasabi ni Aiden. Ano bang iniisip niya? Na naghimala kami sa CR ni Xavier? Ang babaw naman ng halimaw nato!

"Wag mokong igaya sayo, Aiden. Hindi ako kagaya mo. Malayong malayo at hindi magiging." matama kong sabi. Madidiin kong binitiwan ang bawat salita.

Napalitan ng galit ang panghihina ng magsink in sa utak ko ang bintang ng kapatid kong walanghiya.

Agad lumipad sa pisngi ko ang mainit at mabigat na palad ni Aiden. Nabigla ako at napanganga. Masakit ang sampal niya. Naginit ang tenga ko, diretchong namula hanggang dibdib. Nangilid at agad na tumulo ang luha sa mata ko. Kanina lang umiyak ako, tangina diba? Heto nanaman. Napakabiyaya talaga ng buhay na ito.

Hindi ko pa nasasara ang bibig na nakanganga dahil sa pagkabigla ng bigla akong makarinig ng sigaw mula sa hindi kalayuan. Pamilyar ang boses. Nanghina ako bigla. Nandito na pala siya. Nakauwi na pala siya.

"AIDEN? ANONG NANGYAYARI DITO?!" galit ang tono ni Kuya Kit.

Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nanlambot ako dahil hindi ako makapaniwala sa lahat ng ito. Ito na ata ang kauna-unahang beses na napagbuhatan ako ng kamay ng kapatid ko. Unang beses, hindi ako makapaniwala.

"HIN..HINDI KO SINASADYA GAB.. SO-SORRY." ani Aiden at umambang hahagkan ako.

Nabasa ko ang matinding pagsisisi sa ekspresyon na ipinapakita niya. Ganun din ang nabasa ko sa mga mata niya pero hindi ko siya binigyan ng pagkakataon na lapitan pa ako. Hindi ako makapaniwalang ang lalaking nagpaniwala sakin na ako ang prinsesa ng pamilya ay ang sya rin palang mananakit sakin ng parang kaaway. Hindi ko maisip ang pait ng lahat ng nangyayari. Ang sakit sakit. Napapamura ako sa isip ko.

"Lumayo ka sa kanya Aiden!" sigaw ni Kuya Kit ng makalapit na siya samin, "Gab, umakyat ka muna sa kwarto mo." agad niya akong binalingan.

Dali dali na akong umakyat sa kwarto ko dala dala ang kasamaan sakin ni Aiden. Hindi ko lubos maisip na nagawa niya ito sakin. Ang bigat ng sampal niya damang dama ko parin sa pisngi ko. Napahawak nalang ako dito at naramdaman kong makirot ito.

Gusto kong malaman kung ano talaga ang ipinagaalburoto netong si Aiden pero hindi kami nabigyan ng pagkakataon dahil hindi naging maayos ang usapan namin kanina.

Naiyak ako hindi dahil lang sa sakit ng sampal. Dahil bago ko pa nakilala si Xavier, ang tatlong kuya ko muna ang itinuring kong prinsipe. Pero isa pala sa mga prinsipe nayon ang mananakit sa sinasabi nilang prinsesa.

Sobrang saklap na ng araw na 'to para sakin. Wala na halos paglagyan ang sakit.

Imbis na pumasok ng kwarto, nanatili ako sa taas para pakinggan ang usapan nila kuya. Hindi ko rin maisip na nagawang sigawan ng ganoon ni Kuya Kit si Aiden dahil unang beses niya atang magalit ng ganito. Nakakabigla.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo kay Gabrielle?!" nagtaas pa ang boses ni Kuya Kit.

Namumula na siya sa sobrang galit. Nagtataas na ata ang altapresyon niya. Agad niyang hinigit sa kwelyo si Aiden at nakipagtutukan dito. Matatalim ang tingin ni Kuya Kit. Ito ang kauna unang beses na nakita ko siyang magalit. Hindi pa kahit kelan nagawa ito ni Kuya Kit. Ngayon lang talaga.

"Nabigla lang ako Kuya. Hindi ko sinasadya. Gusto ko lang siyang disipl-" agad binasag ni Kuya Kit ang tinig ni Aiden.

Lalo pang humigpit ang pagkakahigit niya kay Aiden. Natatakot na ako sa pagkakataong to dahil pakiramdam ko anytime magkakaroon ng sakitan sa pagitan nila. Nakokonsensya ako na ako ang dahilan ng bagay na ito.

"Ganyan ba ang paraan mo ng pagdidisiplina ha, Aiden?! Hindi mo dapat siya sinaktan ng ganon! Alam mong iisa siyang babae sating magkakapatid. Sabi mo nga, siya ang prinsesa diba? Bakit mo siya nagawang saktan? Napakahayop mo, Aiden. Hindi ka na naawa kay Gabrielle! Hindi makatarungan ang pananampal mong iyon!" sambit niya.

Madidiin ang binitiwang salita ni Kuya Kit kay Aiden. Naiyak akong muli sa parte palang ng "prinsesa". Nagbalik sa ala ala ko ang pangako sa akin ng tatlo kong kuya noong kami'y mga bata pa. Nagbalik sa ala ala ko ang pagiingat sakin ng tatlo kong prinsipe na maski madapuan ata ng lamok ay ayaw nilang mangyari sakin. Na maski ata maalikabukan lang ako ay natataranta na sila. Ganyan ako kamahal ng mga kapatid ko.

Pero tila ang bilis ng panahon. Suddenly, ang taong nagsasabi sa akin noon na hinding hindi niya ako hahayaang masaktan ay ang siyang nanakit sakin ng literal.

Ramdam ko parin ang bigat ng kamay ni Aiden sa pisngi kong namumula padin.

"Wag mong kukwestyunin ang paraan ko ng pagpoprotekta kay Gabrielle, Kuya! Dahil ayoko lang iparanas sa kanya na, minsan lang natin makasama ang mga magulang natin. Ayokong iparamdam sa kanya na dahil sa negosyo, walang oras sina mommy at daddy para alagaan tayo! Tandaan mo Kuya, sila dapat ang nandito para sa mga bagay na ito pero wala sila. Wag na wag mong hahamakin ang pagpoprotekta ko kay Gabrielle dahil kahit kailan! Kahit kailan, Kuya. Hindi ko ginustong mapasama siya. Wala akong ibang hinangad kundi mapabuti ang lagay ni Gabrielle. Alam mo kung gaano ko siya iniingatan at kamahal, Kit. Alam mo sa sarili mo ang mga bagay nayan." sambit ni Aiden.

Nadurog ang buo kong pagkatao. Nakalas ata ng isa isa ang buto ko. Nanlambot ako sa sobrang bigat ng narinig ko. Tama si Aiden. Minsan lang namin naramdaman na may mga magulang kami. Buong buhay ko, sila Kuya Kit, Aiden at Dexter lang ang nandyan para sakin. Naala ala ko ang minsanang paglabas namin nila mommy at daddy na kumpleto kami. Na kahit kailan, hindi na naulit pa. Minsanang pagaalaga ng magulang na dapat ay hanggang sa magdalaga. Pero hindi. Ang tatlo kong kuya ang nagalaga sakin. Kasama ang mga maid namin, lalo si Manang tess. Lubos ang pasasalamat ko dahil natugunan nila ang kawalan ng atensyon samin ng aming mga magulang. Hindi ko kahit kailan naramdaman na nawalan ng pagmamahal sakin si Aiden kahit na madalas kaming magkaaway. Kahit kailan, hindi siya pumalpak na pasayahin ako lalo pa noong mga panahon na umiiyak pako dahil sa mga crush ko.

Hindi nagkulang ang mga kapatid ko sakin. Lagi kong nararamdaman na importante ako sa kanila. Hindi ko alam kung bakit tila napakabilis ng panahon.

Magugulat ka nalang ang taong nagmamahal sayo kahapon, sasaktan ka nalang ng bigla bigla ngayon.

Suddenly, Everything Has ChangedWhere stories live. Discover now