Chapter 29 part 1

Magsimula sa umpisa
                                    




"Huwag kang magpapadala sa emosyon mo Dale Rafael. Siguraduhin mo muna ang damdamin mo at kapag sigurado ka na nandito lang naman ako." Marahang hinila ni Ellie ang kanyang kamay na hawak ng asawa bago ipinikit ang mga mata. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya at wala ng lakas para makipagtalo pa rito.



"Dale Rafael, hayaan mo munang makapagpahinga si Ellie." Sabad ni Luisa na tahimik na nakikinig sa kanila.




"Ate..." Ang tanging nasabi ni Dale Rafael habang malungkot na nakatitig kay Ellie.



"Sa labas tayo mag-usap." Malumanay na anyaya ni Luisa rito. Damang dama niya ang paghihirap ng kalooban nito ngunit wala siya sa katayuaan para makialam sa desisyon ng kapatid.



Dinala ni Luisa si Dale Rafael sa cafeteria ng hospital para malaya silang makapag-usap na hindi maririnig ni Ellie. Mahabang katahimikan muna ang namagitan sa kanila bago nagsalita si Dale Rafael.



"Ate Luisa, I want to stay..."

Mabilis na pinutol ni Luisa ang mga sasabihin pa nito. "Narinig mo naman ang sinabi ni Ellie di ba? Ako naman ang nakikiusap sa'yo ngayon na hayaan mo muna ang kapatid ko."



"No! Hindi ako aalis dito hangga't hindi ko natitiyak ang kaligtasan ng mag-ina ko. Hindi ako magpapakita sa kanya kung iyon ang gusto niya."



"Dale Rafael, ang isipin mo ngayon kung ano ang makakabuti sa mag-ina mo. Alam mo naman na bawal kay Ellie ang magalit at kapag nalaman niya na pinayagan kita na manatili rito ay lalong gugulo ang sitwasyon." Pagbibigay ng payo ni Luisa.




Tumango na lamang si Dale Rafael tanda ng pagsang-ayon niya rito. "Pero hindi ako basta mananahimik na lamang sa isang tabi ng walang ginagawa para matulungan sila."




"Don't worry about it, nandiyan naman si Dra. Dela Vega." Tukoy ni Luisa kay Venice na siya ang tumutulong sa mga medical documents ni Ellie para agad na maitransfer ng hospital sa America.




"Will you allow me to visit her?" Pagsusumamo naman ni Dale Rafael, si Luisa na lamang ang alam niyang makakatulong sa kanya para makalapit kay Ellie.



"Basta hindi niya malalaman na bumibisita ka, hindi tayo magkakaproblema."



"Bakit nandito ka pa?" Nakakunot ang noong bungad ni Edgardo.



Hindi namalayan nina Luisa ang pagpalapit ng ama kaya talagang nagulat siya ng marinig ang boses nito.



"Papa, anong ginagawa mo dito?" Balik tanong niya sa ama.



"Ikaw ang dapat tanungin ko niyan Luisa. Dapat binabantayan mo ang kapatid mo huwag mong sayangin ang oras mo sa pakikipag-usap sa lalaking iyan." Mariing turan ng matanda bago tinalikuran ang dalawa.



"Did you hear that? You should please our father first. Huwag mong kakalimutan na may kasalanan ka pa sa kanya kaya mainit ang dugo niya sa'yo."



"Pero ginawa ko naman ang lahat ng..." Natigilan si Dale Rafael dahil hindi pa ito ang tamang pagkakataon para malaman ng pamilya ng asawa ang tungkol sa pagtulong niya para makabangon muli ang mga negosyo nila.


________________

A.N.

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

Thank you ^ ^

Love Begins Here (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon