Chapter 28 part 2

Start from the beginning
                                    




Biglang nailang si Dale Rafael sa kakaibang tingin na ipinukol sa kanya ng ama ni Ellie. "Good afternoon po. " Alanganing bati niya rito. At akmang aabutin ang kama ng matanda ngunit hindi siya nito pinansin.




"Ano ang ginagawa rito ng lalaking iyan?" Kontrolado ang tinig ni Edgardo. Kung wala lamang sila sa hospital ay baka nasugod na niya ang kaharap.




"Papa, can I talk to you for a while?" Humihinging paunawa ni Luisa sa ama. Natatakot din siya na baka kung anong mangyari sa ama kapag hindi niya ito napaliwanagang mabuti.




Iniwanan muna nila si Dale Rafael sa labas ng kuwarto para makapag-usap sila ng masinsinan.




"Nagkausap na ba kayo ni Ellie?" Simula ni Luisa habang nakatitig sa natutulog na kapatid. Kadarating lang ng kanilang ama kanina at hindi niya pa naipapaliwanag ang totoong kalagayan ng kapatid.




Marahang umiling ang matanda. "Kanina ko pa siya hinihintay na magising. Ano bang nangyari sa kapatid mo?"




Hindi pinansin ni Luisa ang tanong ng ama. "Papa, hayaan na natin na makita ni Dale Rafael si Ellie."




"Kalokohan ito Luisa! Kabilinbilinan ng kapatid mo na ayaw niyang makita ang lalaking yun."




"Alam ko yun at hindi ko nakakalimutan." Sabay buntong hininga ni Luisa.




"Paalisin mo na ang lalaking yun dito. Hindi siya kailangan ng kapatid mo." Utos ni Edgardo at tinalikuran na nito ang panganay na anak. Ang ibig sabihin lamang nito ay tutol siya sa gustong mangyari ni Luisa.




"Papa, I need your cooperation. I will explain everything to you later, trust me because I know what I am doing. Payagan mo na si Dale Rafael." Pangungumbinsi ni Luisa sa ama. Hindi puwedeng masira ang mga plano niya kaya hahayaan niya sa ngayon na makalapit si Dale Rafael sa kapatid.




Matamang tinitigan ng matanda ang anak bago tumango. "Lalabas muna ako dahil hindi ko kayang makasama sa isang kuwarto ang walang hiyang lalaking iyan." Hanggang ngayon ay sariwa pa rin ang naging pagtatalo nila.




Nakahinga ng maluwag si Luisa at ng makalabas ang ama ay saka naman niya pinapasok si Dale Rafael.




"Dale Rafael, pinapaalala ko lang sa'yo na hindi ka puwedeng magtagal dahil baka magising na si Ellie. Hindi niya magugustuhan ang presensiya mo." Mahigpit na bilin ni Luisa habang papasok sila.




Walang magawa si Dale Rafael kundi ang sumang-ayon sa mga kagustuhan nito. "Thank you ate Luisa." Nagpapasalamat na rin siya dahil kahit saglit ay makakasama niyang muli ang asawa.




Mabilis na nilapitan ni Dale Rafael ang asawa at marahang ginagap ang isang kamay nito bago dinala sa mga labi. Hindi niya maipaliwanag ang kabang nadarama habang hawak ang kamay nito. "Ellie honey, I'm here." Bulong niya dito habag titig na titig sa namumutla nitong mukha. Hindi na rin niya napigilan ang mapaluha sa nakikitang kalagayan ng asawa at ngayong nakalapit na siya kay Ellie ay hindi na siya muling aalis sa tabi nito kahit anong mangyari.





Parang biglang nahabag si Luisa sa ayos ni Dale Rafael ngunit hindi pa rin siya dapat naniniwala sa sinasabi nitong pagmamahal para sa kapatid. Kaya habang hindi pa nababalot ng awa ang kanyang puso ay dapat makaalis na ito.





"Ngayong nakita mo na ang kapatid ko siguro naman puwede mo na kaming patahimikin. Marami pa akong aasikasuhin para sa operasyon ni Ellie."




Nagtatakang napalingon si Dale Rafael kay Luisa. "Operasyon? Bakit?" Naguguluhan niyang tanong.




"Hinayaan kitang makalapit kay Ellie dahil gusto kong ipakita sa'yo kung gaano ka miserable ang kalagayan ng kapatid ko ngayon at ito ay dahil sa'yo. At isa pa ay may karapatan ka rin namang malaman dahil ikaw ang ama ng batang dinadala niya. Huwag kang mag-alala dahil ang anak na inaayawan mo ay hindi magkakaroon ng pagkakataon na makita ang mundong ito." Pigil ni Luisa ang mga luha habag nagsasalita. Iniisip pa lamang niya ang mga susunod na mangyayari ay naninikip na ang kanyang dibdib.




Nanghina ang mga tuhod ni Dale Rafael na maunawaan ang ibig sabihin ni Luisa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng mga sandaling yun.

_________________

A.N.

Sobrang busy guys kaya medyo madalang ang UD ngayon.. sooorrryyy 

Please don't forget to vote and leave your comments ^ ^

Thank you *^ ^

Love Begins Here (Completed)Where stories live. Discover now