Ika-1 Kabanata

Magsimula sa umpisa
                                    

Mag-aalas syete na ng gabi at kasalukuyan akong kumakain ng niluto kong bake mac ng biglang tumunog ang doorbell. Malamang ay si Dorina at Daniel na iyon.

Pagbukas ko ng pintuan ay hindi nga ako nagkamali. Sinalubong ako ng mahigpit na yakap ni Dorina. Nakipag beso-beso pa ito sa akin, pati si Daniel.

"Tara na." ani Dorina ng pabagsak siyang umupo sa long purple couch ko.

"Teka di pa ako tapos kumain." Sabi ko naman ng makabalik ako sa mesa at muling naupo para ipagpatuloy ang paglantak ko sa bake mac.

Lumapit naman sa akin si Daniel. "Girl mukhang masarap yan, pahingi." aniya.

"Sure. Kuha ka nalang."

"Ako din pahingi!" Wika naman ni Dorina na nakipag unahan pang kumuha ng platito at kutsara kay Daniel.

"Ano ba Dorina! Para namang mauubusan." Reklamo ni Daniel. Tinawanan lang siya ni Dorina. Baliw talaga ang babaeng yan.

Sinamahan ako ni Daniel sa mesa, si Dorina naman ay sa couch kumain.

"Hoy Dorina! Langgamin ako dyan ha!" Paalala ko sa kanya.

"Di yan." Tugon naman niya kasunod ng pagsubo niya. "Hmm! Masarap ha!"

"Girl, balita ko babalik na si Aries dito sa pinas."

Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang sinabi ni Daniel. Okay lang naman sa akin na nababanggit ang pangalan niya, sabi ko nga sa kanila ay wala ng kaso sa akin yon, naka-move on na ako. Nabigla lang ako sa balita niya na babalik na ito.

"Are you ready to see your ex?" Tanong naman ni Dorina. Nakangiti pa nga siya ng nakakaloko, para bang naghahamon siya.

"Saan niyo naman nabalitaan yan? Wala namang naibabalita sa akin si tita Angeline."

"Baka gusto kang ma-surprise ng step mom mo?" Sabay tawa ni Daniel. Anong nakakatawa doon?

Tinignan ko siya ng masama at tumigil naman siya. "Sorry naman." aniya.

"Sabi ni kuya. Nag skype daw kasi sila kagabi ni Aries tapos sinabi nga ni Aries na mag ready na daw ang barkada 'coz, Aries Lagdameo will be back." Sagot ni Dorina.

Hindi ko alam kung bakit biglang pumintig ng malakas ang puso ko. Ready na ba ako na makita ulit si Aries o hindi pa? Excited ba ako na makita siya ulit o natatakot na sa muling pagbabalik niya ay mabuhay ulit ang nararamdaman ko para sa kanya? Dammit! What's the meaning of this weird feeling?

Malakas na trance music at makukulay na neon lights ang bumabalot ngayon dito sa Caelum disco bar na pagmamay-ari ni Neil at kuya Feil. Magkasosyo na ang magkapatid ngayon, palibhasa'y parehong mahilig sa nightlife ang dalawa. May tatlo ng branch ang Caelum disco bar, nasa QC at sa Pasay ang dalawa. Dahil taga QC na si kuya Feil ay siya ang nagha-handle ng branch doon at dito naman sa Makati si Neil, di ko lang alam sa Pasay. Etong branch ng Caelum dito sa Makati ay ang dating Rexofeil's bar na ni-restore at mas pinalaki kaya nga ngayon ay may itaas na ito para sa mga VIP na tulad namin.

Katabi ko si Daniel sa may left side at sa right naman si Daren na katabi si Dorina. Katabi naman ni Dorina si Neil na katabi si Wein, tapos si Harizel at si Humpy. Pabilog ang pwesto namin.
The rest of our friends are busy. May mga kanya-kanya na kasing pinagkakaabalahan sa buhay, tulad ni Elf. May project daw siyang inaasikaso, siya ang magpaplano ng isang mall na itatayo sa probinsya ng Ashralka. Isang kaibigan yata ang kumuha sa kanya. Si Heaven naman ay hindi maiwan ang bake shop niya, marami rin daw kasing customers, si Hazel naman ay abala sa office. Isa na kasi siya sa nagpapatakbo ng company nila, ewan ko ba kasi dito kay Harizel kung bakit mukhang walang balak itong patakbuhin ang kumpanyang siya dapat ang magmamana. Hindi ko alam kung ano ba talagang plano niya sa buhay. Si Wein naman ay busy narin sa company nila pero dahil ilang beses na siyang tumatanggi sa aming mga kaibigan niya ay napilitan siya, lalo pa ngayon na may problema na naman siya sa lovelife.

She's Still In love With Him (HBB #1 Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon